In Christ Alone Christian Fellowship - Tanay

In Christ Alone Christian Fellowship - Tanay A Jesus-pursuing church composed of lives changed by God.

Followers of the Lord Jesus Christ that are dedicated to Him, following Him, serving Him and imitating Him.

Mapagpalang Lunes po sa lahat! Ang pagsama at ang pagtataguyod ng Panginoong Hesus ay sumaating lahat.πŸ₯°πŸŽΌβ€οΈπŸ“–πŸ•ŠοΈπŸ˜‡
25/05/2026

Mapagpalang Lunes po sa lahat! Ang pagsama at ang pagtataguyod ng Panginoong Hesus ay sumaating lahat.
πŸ₯°πŸŽΌβ€οΈπŸ“–πŸ•ŠοΈπŸ˜‡

BAWAL ANG TSISMIS SA ICACF-TANAYβ—β—β—πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ™πŸ™πŸ™
13/05/2026

BAWAL ANG TSISMIS SA ICACF-TANAYβ—β—β—πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ™πŸ™πŸ™

Dear Christians,
be careful with the tongue you use inside the Church.
One gossip can destroy years of prayer, unity, and ministry.

The devil does not always destroy the Church through persecution.
Sometimes he destroys it through β€œChristian chismis” disguised as concern.

A whisper can divide brethren.
A rumor can weaken faith.
A toxic conversation can silently kill the fire of a growing believer.

You lift your hands in worship on Sunday,
but use the same mouth to tear down your fellow Christians on Monday.

That is not holiness.
That is hypocrisy.

Not every battle in the Church comes from outside.
Some wounds are caused by the people sitting inside the sanctuary.

Before talking about someone, ask yourself:
β€œAm I helping restore them, or am I helping destroy them?”

The Church is called to heal souls, not to assassinate reputations.

James 3:5-6 says that the tongue is like a small fire that can set a whole forest ablaze.
One careless mouth can burn an entire ministry.

If you cannot pray for your brethren,
you have no right to spread stories about them.

Dear Christians,
gossip is not a small sin.
It is a silent weapon that kills trust, unity, peace, and sometimes even a person’s desire to serve God.

The virtuous Moms of ICACF Tanay 😍Mothers' Day 2026
11/05/2026

The virtuous Moms of ICACF Tanay 😍

Mothers' Day 2026

Awit 133:1🎢 Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos na namumuhay nang may pagkakaisa. 🎡Purihin ang Diyos sa dina...
01/05/2026

Awit 133:1
🎢 Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos na namumuhay nang may pagkakaisa. 🎡

Purihin ang Diyos sa dinaos na Congregational Meeting! Sama-samang pagbubutihin ang paglilingkod sa ating buhay na Diyos hanggang sa muli Niyang pagbalik πŸ˜‡πŸ™


Abril 26, 2026

VBS 2026 Journey: Discovering God's Miracles Along The WayPsalm 77:14 "You are the God who performs miracles, You displa...
20/04/2026

VBS 2026
Journey: Discovering God's Miracles Along The Way

Psalm 77:14 "You are the God who performs miracles, You display Your power among the people."

Day 1: Himala Sa Bubungan
Day 2: Pangyayari sa Boundary
Day 3: Kababalaghan sa Lawa
Day 4: Tagpo sa Pampang

Magandang umaga sa inyong lahat, mga minamahal namin kay Kristo na ating Diyos at Hari. Ang Diyos ay mabuti at tapat sa ...
31/10/2024

Magandang umaga sa inyong lahat, mga minamahal namin kay Kristo na ating Diyos at Hari. Ang Diyos ay mabuti at tapat sa lahat ng panahon. Aleluya! πŸ˜€

ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN.
Maraming nag-aakala na ang kasalanan ay ang paggawa lamang ng masama. Iniisip nila na ang kasalanan ay umiikot lamang sa mga gawa gaya ng pagnanakaw, pagpatay, pagsisinungaling, pagsusugal o pandaraya. Kaya maraming tao ang nag-aakala na wala o kaunti lamang ang kanilang kasalanan.

Bagaman ang nabanggit kong mga halimbawa sa itaas ay ilan sa mga uri ng kasalanan, ang totoong kahulugan ng kasalanan ay pag-iwas o pagmintis na gawin ang tama. Sa tuwing alam natin ang tamang gawin ngunit hindi natin ito ginagawa o iniwasan gawin, tayo ay nagkakasala. Ang pagso-sorry, pagdating ng tama sa oras, pagsasauli ng anumang hiniram, pagliligpit ng hinigaan, ang panonood ng online service, ang pagbabasa ng arawang mensahe na kagaya nito at iba pa ay ilan lamang sa mga wastong gawa. Tuwing iniiwasan nating gawin ang mga nabanggit, tayo ay nagkakasala. At ang kasalanan, ayon sa Salita ng Diyos, ay may kabayaran. Ito ay kamatayan.

Maaaring hindi naman ito agad pagkalagot ng hininga. Ngunit kung patuloy tayong umiiwas sa mga tamang gawa, mamamatay o manghihina ang ating relasyon sa iba st sa Diyos. Kung mahilig tauong manloko ng kapwa, mamamatay ang tiwala nila sa atin at mawawalan tayo ng kaibigan. Ang di pagbabasa o pakikinig ng Salita ng Diyos ay pumapatay sa ating espiritu na nakikipag-usap sa Diyos. Ang Salita ng Diyos ay pagkain ng ating kaluluwa at kung hindi tayo kumakain, tayo ay manghihina at mamamatay.

Hindi mo kailangang bayaran ang kasalan, kapatid. Si Kristo ang nagbayad nito sa krus ng kalbaryo. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang tayo ay mabuhay at lumakad na kasama Siya. Siya ay nabuhay ng banal dito sa lupa upang ipakita sa atin ang tamang paglakad bilang pagsunod sa Diyos. Huwag mo sanang sayangin ang pagkakataon na ito. Piliin natin ang buhay at di kamatayan.

Sumainyo ang buhay na handog ng Panginoong Hesus sa ating lahat. Salamat po, Oh Panginoong Hesu Kristo!!
πŸ˜€πŸ™‚πŸ‘β€οΈπŸ€—πŸ‘πŸΌπŸŒžβ˜•οΈβ€οΈ

Good morning, mga minamaha kay Kristo!!! Ang Diyos ay pag-ibig at ang lahat ng sumusunod sa Kanya ay dapat ding kakitaan...
29/10/2024

Good morning, mga minamaha kay Kristo!!! Ang Diyos ay pag-ibig at ang lahat ng sumusunod sa Kanya ay dapat ding kakitaan ng pag-ibig. πŸ˜€β™₯οΈπŸ™

HIGIT PA SA ANUMANG BAGAY.
Wala nang papantay sa kaligayahang dulot ng pagsama kay Kristo. Anuman ang ating sitwasyon, tayo ay Kanyang sasamahan at hindi iiwan. Maging sa tagumpay, dala Niya ay kapayapaan at kapanatagan ng loob. Higit sa pagkain o anumnag mamahaling bagay, ang Diyos ang ating mapagkukuhanan ng kaligayahan. Ikaw kapatid, kanino nanggagaling ang kaligayahan mo? πŸ™‚ Aleluya!!!

God bless us all!!
πŸ™‚β€οΈπŸ™β˜•οΈπŸŒž

Magandang araw, mga minamahal kay Kristo!! Sa bawat araw, makakaasa tayo na mayroong dalang biyaya ang bawat bagong umag...
22/10/2024

Magandang araw, mga minamahal kay Kristo!! Sa bawat araw, makakaasa tayo na mayroong dalang biyaya ang bawat bagong umaga dahil ang Diyos ng Pag-asa ay tapat at dakila.

Malalaman natin na kahit na sa gitna ng anumang problema ay makakatamasa tayo ng biyaya at pag-asa para harapin ang bawat araw at ang mga pagsubok na kasama ito. Mabuti ang Diyos. Nanghihina tayo pero Siya ang lagi nating kalakasan. Aleluya!!

God bless us all!!πŸ™‚πŸ₯°πŸ’–πŸ‘πŸ™

Good morning, mga kapatid!! Makamit nawa nating lahat ang bagong pagpapala ng Diyos para sa ating lahat sa linggong ito....
14/10/2024

Good morning, mga kapatid!! Makamit nawa nating lahat ang bagong pagpapala ng Diyos para sa ating lahat sa linggong ito. Hawak ng Diyos ang lahat ng bagay. Sa Kanya natin ipagkatiwala ang lahat. Piliing gawin ang matuwid sa lahat ng panahon at Siya ay sasaatin. Aleluya!!

God bless us all!!
β€οΈπŸ™πŸ€πŸ™‚πŸ«°πŸŒž

Happy Friday, mga minamahal kay Kristo. Sumaatin nawa ang patuloy na pag-iingat at kagalakan ng Diyos sa araw na ito. Ma...
11/10/2024

Happy Friday, mga minamahal kay Kristo. Sumaatin nawa ang patuloy na pag-iingat at kagalakan ng Diyos sa araw na ito. Mahal tayo ng Panginoong Jesus.πŸ™‚πŸ₯°πŸ€—πŸ™β€οΈ

Pagiging matuwid, maunawain at mapagkumbaba. Tatlong katangian na ninanais ng Diyos na makita sa Kanyang mga anak. Ako po bilang ama ay nagnanais na makita ang mga katangiang nabanggit sa mga buhay ng aking mga supling. Nauunawaan ko po kasi na kung sila ay lalakad sa mga mabubuting katangiang ito, malayo sila sa kapahamakan at malapit sa pagpapala. Ganun din naman sa ating Diyos Ama na nasa langit. Sinabihan Niya tayo na mamuhay sa tatlong katangiang ito upang magawa Niya ng lubusan ang nais Niya sa ating mga buhay. Maniwala tayo sa Kanya. Wala Siyang hangad nakasama sa atin. Mabuhay mg matuwid, maunawain at mapagkumbaba. Aleluya!!πŸ™‚πŸ˜ŠπŸ₯°πŸ™

God bless us all!!
β€οΈπŸ™πŸ€—πŸ₯°πŸ™‚πŸ‘πŸŒž

Mapagpalang Miyerkules ng umaga,mga minamahal kay Kristo! Nawa ay malusog kayong lahat sa pangangatawan at sa espiritu. ...
09/10/2024

Mapagpalang Miyerkules ng umaga,mga minamahal kay Kristo! Nawa ay malusog kayong lahat sa pangangatawan at sa espiritu. πŸ˜€πŸ‘β€οΈπŸ‘

Naaalala ko ang isang pabirong hamon sa mga tagapakinig ng isang pastor : β€œMahal nyo ba ang Diyos? Alam nyo bang ang Diyos ay pag-ibig? Tingnan nyo ang katabi nyo, kung hindi nyo sila kayang mahalin, hindi nyo rin kayang mahalin ang Diyos.”

Nakakatawa ngunit malalim ang hamon na ito ng pastor na yaon. Habang ako’y tumatagal sa aking paglakad sa Panginoon, mas nauunawaan ko na totoo pala ang hamong iyon.

Tayo man ay minahal ni Kristo kahit na di tayo kaibig-ibig. Sa kabila ng ating matitigas na puso at matigas na ulo, patuloy at hindi nagbabago ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin pa ring tinatamasa ang Kanyang pag-iingat bagaman lagi tyong may pagkukulang sa Kanya.

Ang ating maingay na kapitbahay, o aroganteng kaopisina. Ang ating palamurang kapamilya o ang abusadong kamag-anak. Sila man din ay iniibig ng Diyos. Ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay para sayo at para sa atin kahit tayo ay wala pang pag-ibig sa Kanya. Ganyan tayo kamahal ni Kristo.

Kapatid, mahal mo ba ang kapitbahay mo? Kailan ka nagpakita ng pagmamahal sa isang kinaiinisang tao? Mahalin natin sila. Tularan natin si Kristo. Aleluya!!!

God bless us all!!
πŸ˜€β€οΈπŸ‘πŸ€—πŸ‘πŸΌπŸŒžβ˜•οΈ

Address

Tanay
1980

Telephone

+639190844640

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when In Christ Alone Christian Fellowship - Tanay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share