Shrine of the Holy Face of Jesus of Manoppello - SJTP Sampaloc Tanay

Shrine of the Holy Face of Jesus of Manoppello - SJTP Sampaloc Tanay The Official page of St. Jude Thaddeus Parish and Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus of Manoppello, Sampaloc, Tanay, Rizal.

PAG-AANYAYA | Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng MariaInaanyayahan ang buong sambayanan na makiisa sa pagdiriwa...
06/09/2026

PAG-AANYAYA | Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Inaanyayahan ang buong sambayanan na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria sa darating na Setyembre 8, 2026 (Martes) sa Parokya ni San Judas Tadeo at Dambana ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello.

Bilang isang sambayanan ng pananampalataya, sama-sama nating ipagpasalamat sa Diyos ang pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng ating Panginoong Hesukristo. Nawa’y sa kanyang halimbawa ng pananampalataya, kababaang-loob, at tapat na pagsunod sa kalooban ng Diyos ay lalo rin tayong mapalapit kay Kristo.

Ang mga Banal na Misa ay ipagdiriwang sa ganap na ika-6:00 ng umaga at ika-5:30 ng hapon.

Maligayang Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria!

29/08/2026

Sorry po. The weather is not good. The road is slippery. There is brownout in the area since Friday night until today Saturday.
August 30, 2026, Sunday 11am Mass at our Wedding Chapel is CANCELLED. See you po next week. God bless po 🙏🙏🙏

PAGMASDAN | Pagdiriwang ng Ika-25 Anibersaryo ng Pagkapari ni Rev. Fr. Noeh ElnarBuong galak at pasasalamat na ipinagdiw...
16/08/2026

PAGMASDAN | Pagdiriwang ng Ika-25 Anibersaryo ng Pagkapari ni Rev. Fr. Noeh Elnar

Buong galak at pasasalamat na ipinagdiwang ni Rev. Fr. Noeh E. Elnar ang kaniyang ika-25 anibersaryo ng pagkapari kasama ang sambayanan ng Parokya ni San Judas Tadeo at Dambana ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello noong Agosto 6, 2026.

Ating balikan ang mga masasayang sandali ng nagdaang pagdiriwang at ipaabot ang ating pagbati at pasasalamat sa Diyos para sa dalawampu’t limang taon ng kaniyang tapat na paglilingkod.

Nawa’y patuloy siyang pagkalooban ng Panginoon ng lakas, karunungan, mabuting kalusugan, at masaganang pagpapala upang higit pa niyang maipagpatuloy ang kaniyang misyon bilang pari at lingkod ng Diyos.

Belated 25th Presbyteral Anniversary, Fr. Noeh! Nawa’y patuloy kayong maging instrumento ng pag-ibig at awa ng Diyos sa Kaniyang sambayanan. Ad multos annos!

PAGMASDAN | Pagdaraos ng Unang Bahagi ng Shrine Spiritual Formation SeriesBilang unang bahagi ng Shrine Spiritual Format...
15/08/2026

PAGMASDAN | Pagdaraos ng Unang Bahagi ng Shrine Spiritual Formation Series

Bilang unang bahagi ng Shrine Spiritual Formation Series, isinagawa ang isang makabuluhang pagtitipon na nakatuon sa higit na pagpapalalim ng ating pag-unawa sa espiritwalidad at misyon ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello sa Parokya ni San Judas Tadeo at Dambana ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello, nitong nagdaang Sabado, Agosto 15, 2026.

Sa pangunguna ng unang tagapagsalita na si Rev. Fr. Ferdinand Delatado, Parish Priest ng San Ildefonso de Toledo Parish, Tanay, Rizal, tinalakay ang Sagradong Tradisyon (Sacred Tradition) bilang mahalagang bahagi ng pananampalataya at buhay ng Simbahan. Sa kanyang pagbabahagi, higit nating napagnilayan ang kahalagahan ng Sagradong Tradisyon sa pagpapanatili at pagsasabuhay ng pananampalatayang tinanggap ng Simbahan mula sa mga Apostol.

Taos-puso ang ating pasasalamat kay Fr. Ferdie sa kanyang panahon, kaalaman, at makabuluhang pagbabahagi. Nawa’y ang mga aral na ating natanggap ay magsilbing gabay sa ating patuloy na paglago sa pananampalataya at sa ating misyon bilang mga deboto at lingkod ng Banal na Mukha ni Hesus.

PAG-AANYAYA | Parish Spiritual FormationInaanyayahan ang lahat ng ating mga lingkod sa iba't ibang ministeryo, gayundin ...
10/08/2026

PAG-AANYAYA | Parish Spiritual Formation

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga lingkod sa iba't ibang ministeryo, gayundin ang bawat mananampalataya, na makiisa sa ating Formation Series on the Spirituality and Mission of the Holy Face of Jesus of Manoppello–Saint Jude Thaddeus Parish, na gaganapin sa Agosto 15, 2026 (Sabado), alas-9:00 ng umaga sa Parokya ni San Judas Tadeo at Dambana ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello.

Sa pangunguna ni Rev. Fr. Ferdinand Detalado, Parish Priest ng San Ildefonso Church, Tanay, Rizal, ating pagninilayan ang espiritwalidad at misyon ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello. Nawa’y maging pagkakataon ito upang higit nating makilala ang ating pananampalataya, mapalalim ang ating debosyon, at higit na maunawaan ang ating misyon bilang mga tagasunod ni Kristo.

Inaasahan ang pakikiisa ng lahat ng Parish Ministries, habang bukas din ang pagdalo sa lahat ng mga parokyano na nagnanais na lumago sa pananampalataya at espiritwal na buhay.

Halina’t sama-sama nating pagyamanin ang ating pananampalataya at palalimin ang ating ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Mukha ni Hesus.

PAG-AANYAYA | Ika-25 Anibersaryo ng Pagkapari ni Rev. Fr. Noeh E. ElnarInaanyayahan ang lahat na makiisa sa Pagdiriwang ...
05/08/2026

PAG-AANYAYA | Ika-25 Anibersaryo ng Pagkapari ni Rev. Fr. Noeh E. Elnar

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Pagdiriwang ng Ika-25 Anibersaryo ng Pagkapari ni Rev. Fr. Noeh E. Elnar, Pari ng Parokya ni San Diego de Alcala, Quisao, Pililla, Rizal, sa Agosto 6, 2026, ganap na ika-9:00 ng umaga, sa Parokya ni San Judas Tadeo at Dambana ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello, kasabay ng Kapistahan ng Pagbabagong-Anyo ng Panginoon.

Sama-sama nating ipagpasalamat ang kanyang 25 taong tapat na paglilingkod sa Simbahan at ipanalangin na patuloy siyang pagpalain ng Panginoon ng kalusugan, karunungan, at lakas sa kanyang bokasyon.

Makibahagi sa Banal na Misa at sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng paglilingkod sa Panginoon.

PAGMASDAN | Parish Liturgical FormationNoong ika-18 ng Hulyo, nagsama-sama ang mga lingkod ng ating parokya at mga mini ...
26/07/2026

PAGMASDAN | Parish Liturgical Formation

Noong ika-18 ng Hulyo, nagsama-sama ang mga lingkod ng ating parokya at mga mini pastoral council para sa isang makabuluhang Parish Liturgical Formation na pinangunahan ni Rev. Fr. Marc Anthony Ramos, Diocesan Liturgy Director.

Sa pamamagitan ng pagninilay at pagtalakay, higit nating napalalim ang ating pag-unawa sa Banal na Liturhiya at sa mahalagang papel nito sa buhay at misyon ng Simbahan. Nawa’y ang mga kaalamang ating natutuhan ay magsilbing gabay sa mas taimtim na pakikibahagi sa banal na pagsamba at sa mas tapat na paglilingkod sa ating pamayanan.

Taos-puso ang ating pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng gawaing ito. Nawa’y patuloy tayong hubugin ng Panginoon upang maging mga lingkod na may malalim na pananampalataya, malasakit, at pagmamahal sa Liturhiya.

Patuloy tayong matuto, manalangin, at maglingkod para sa ikaluluwalhati ng Diyos.

[𝐀𝐓𝐌] Parish Liturgical Formation Rev. Fr. Marc Anthony Ramos, Diocesan Liturgy DirectorJuly 18, 2026 | Saturday        ...
18/07/2026

[𝐀𝐓𝐌] Parish Liturgical Formation
Rev. Fr. Marc Anthony Ramos, Diocesan Liturgy Director
July 18, 2026 | Saturday

PAG-AANYAYA | Parish Liturgical FormationInaanyayahan ang lahat ng ating mga lingkod sa iba't ibang ministeryo, gayundin...
15/07/2026

PAG-AANYAYA | Parish Liturgical Formation

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga lingkod sa iba't ibang ministeryo, gayundin ang bawat mananampalataya, na makiisa sa ating Parish Liturgical Formation na gaganapin sa Hulyo 18, 2026 (Sabado), mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon sa Parokya ni San Judas Tadeo at Dambana ng Banal na Mukha ni Hesus ng Manoppello.

Sa pangunguna ni Rev. Fr. Marc Anthony Ramos, Diocesan Liturgy Director, ating higit na pagninilayan ang kahalagahan ng Banal na Liturhiya bilang bukal at tugatog ng buhay-Kristiyano. Nawa'y ang gawaing ito ay maging pagkakataon upang higit nating maunawaan, mapahalagahan, at maisabuhay ang banal na pagsamba ng Simbahan sa ating paglilingkod at pang-araw-araw na pamumuhay.

Inaasahan ang pakikiisa ng lahat ng Parish Ministries, habang bukas din ang pagdalo sa lahat ng mga parokyano na nagnanais na lumago sa pananampalataya at kaalaman tungkol sa Banal na Liturhiya.

Halina at sama-sama nating pagyamanin ang ating kaalaman upang lalo pang maging makabuluhan ang ating pagsamba at paglilingkod sa Panginoon.

Address

J. P. Rizal Avenue Sampaloc Tanay, Rizal
Tanay
1980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Shrine of the Holy Face of Jesus of Manoppello - SJTP Sampaloc Tanay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Shrine of the Holy Face of Jesus of Manoppello - SJTP Sampaloc Tanay:

Shortcuts

Share