02/08/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐!
Sa paggunita sa kapistahan ni San Juan Maria Vianney, ang patron ng mga pari, ay buong pusong nagpapasalamat ang ating pamayanan sa lahat ng mga pari, lalo na sa ating minamahal na Kura Paroko na si Reb. Pd. Ferdinand C. Delatado, sa kanilang tapat na paglilingkod bilang mga pastol ng Simbahan. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong tapat na paglilingkod, walang sawang paggabay, at pagiging buhay na saksi ng pag-ibig ni Kristo sa ating Parokya.
Nawa'y sa pamamagitan ng panalangin ni San Juan Maria Vianney, patuloy silang pagpalain ng Panginoon ng karunungan, kabanalan, at katatagan sa kanilang bokasyon. Alalahanin nating ipanalangin ang ating mga pari upang manatili silang mapagpakumbaba, masigasig, at tapat na mga lingkod ni Kristo.