11/07/2026
Hulyo 11 | Araw ng Sabado | Araw ng Pamimintuho sa Mahal na Birheng Maria, Birhen ng Remedios
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG REMEDIOS
Mahal na Birhen ng Remedios, Maria aming Ina, lumalapit kami sa iyo ngayon
upang hingin ang iyong bendisyon at tulong.
Masdan mo ang iyong mga anak na mapagmahal ngunit hindi karapat-dapat.
Ninanais naming maging tapat sa iyo sa lahat ng aming iniisip, ginagawa at sinasabi.
Alam mo rin ang aming mga kahinaan at pagkakasala. Alam mo na rin ang aming maraming pagkadapa at pagsusumikap na mabuhay ng tapat sa iyo.
Buong paniniwalang ikaw, Mahal na Birhen ng Remedios, ang tunay na sagot sa
lahat ng aming pangangailangan, kayaโt dumudulog kami sa iyo sa pamamagitan ng panalanging ito bilang iyong mga anak at tagapaglingkod, nananalig na ipamagitan mo kami sa iyong anak na si Hesukristo, at makamit namin lahat ang kailangan upang mamuhay nang mas matuwid. Aming Reyna, aming Ina, tulungan mo kaming manalangin sa iyong Anak, na sanaโy tugunin ang maraming kahilingang iniluluhog naming sa iyo.
Idinadalangin namin na makilala siya at mahalin, pati na rin ang Santa Iglesya at ang sambayanan ng Diyos, na mamuhay nawa kami ng tapat sa lahat ng Kanyang kautusan, na puno ng pag-ibig at makatarungan sa lahat.
Ipinagdarasal rin naming ang mga makasalanan sa kanilang kahinaan at katigasan ay hindi sumusunod sa Kanya. Idinadalangin rin namin ang aming bansa, nawaโy ang sambayanan ay maging Kristiyano hindi lamang sa pangalan, kundi sa gawa. Bigyan mo kaming lahat ng pusong mapagmahal sa mahihirap, nangangalaga at nag-aaliw sa mga maysakit at nagdadalamhati, na lalapit sa bawat isa bilang kapatid na hinirang ng Diyos.
Masdan mo ang mundo na pinag-alayan ng buhay at awa ng iyong anak, gabayan mo ang lahat ng bansa na pagsumikapan ang kapayapaan at katarungan upang ang kaharian ng Diyos ay yumabong dito sa buong mundo.
Ito ang aming dalangin, sa ngalan ni Hesukristo na aming Panginoon.
โ Amen!
Mahal na Birhen ng Remedios, Ipanalangin mo po kami ๐