MT. ZION Baptist Ministry

MT. ZION Baptist Ministry Existed to bless and to serve the community for Christ. Envision to conquer its mission field by innovative effort of reaching the lost.

25/06/2026

UNAWAIN!

Mateo 24:7-8,35
[7]Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar.
[8]Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap...
[35]Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.”

MANUMBALIK!

23/06/2026

Habang patuloy na lumalala ang mga suliraning moral sa lipunan, kabilang ang pagtaas ng Juvenile Delinquency, lalong kinakailangan ang tapat na pagpapahayag ng Mabuting Balita ni Jesucristo. Bilang mga Kristiyanong estudyante at manggagawa, hindi tayo dapat matakot na maging tapat sa ebanghelyo.

Ang anumang Religious Neutrality/Inclusivity o institutional policy ay hindi dapat maging hadlang sa tunay na layunin ng Campus Ministry—ang malinaw at tapat na pagpapahayag ng ebanghelyo ni Cristo. Habang iginagalang natin ang mga alituntunin ng institusyon at ang dignidad ng bawat tao, ang ating katapatan sa Salita ng Diyos ay nananatiling pangunahing pananagutan.

Gaya ng nakasaad sa ating Statement of Faith:
"We take a stand against any trends of doctrines and practices that lead to discrediting the Bible and undermining the fundamentals of the faith."

Kung ang isang patakaran o kalakaran ay nagiging dahilan upang ang katotohanan ng Kasulatan ay mapahina, maitago, o makompromiso, nararapat na manatiling matatag ang mga mananampalataya sa kanilang paninindigan. Ang ating misyon ay hindi baguhin ang ebanghelyo upang umayon sa kultura, kundi dalhin ang ebanghelyo sa kultura nang may katotohanan, pag-ibig, at biyaya.

"Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo ni Cristo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya." (Roma 1:16)

23/06/2026

We need to strengthen our Campus Ministry!

21/06/2026

Maligayang Father's Day!

Sa araw na ito, nagpapasalamat tayo sa Diyos para sa mga amang Kaniyang ipinagkaloob sa ating buhay. Ngunit higit sa lahat, itaas natin ang ating papuri sa ating Ama sa Langit—ang Diyos na ang Kaniyang pagkalinga at paglalaan ay hindi kailanman nagkukulang.

Sa bawat pangangailangan, Siya ang naglalaan. Sa bawat pagsubok, Siya ang nagpapatatag. Sa bawat hakbang ng ating buhay, ang Kaniyang makapangyarihang kamay ang gumagabay, nag-iingat, at nagsusustento sa Kaniyang mga anak. Ang Kaniyang probidensya ay hindi lamang para sa ating kasalukuyan, kundi para sa buong paglalakbay ng ating buhay. Walang pagkakataong iniwan Niya ang Kaniyang bayan, at walang pangakong Kaniyang binitiwan na hindi Niya tinutupad.

Habang pinararangalan natin ang mga ama sa lupa, higit nating sambahin at dakilain ang ating Ama sa Langit—ang tapat, mapagmahal, at mapagkalingang Ama na ang pag-iingat at paglalaan ay hindi nagbabago kailanman.

"Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kaniyang mga anak, gayon nahahabag ang Panginoon sa mga may takot sa Kaniya."
— Awit 103:13

"Bawat mabuting kaloob at bawat sakdal na handog ay nagmumula sa itaas at bumababa mula sa Ama ng mga kaliwanagan..."
— Santiago 1:17

"Masdan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig na ibinigay sa atin ng Ama, upang tayo'y tawaging mga anak ng Diyos."
— 1 Juan 3:1

"At magiging Ama ninyo Ako, at kayo'y magiging Aking mga anak na lalaki at mga anak na babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat."
— 2 Corinto 6:18

Soli Deo Gloria!

Address

Sta Ines
Tanay
1980

Telephone

+639811646218

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MT. ZION Baptist Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to MT. ZION Baptist Ministry:

Share