SOULS Ministry - Serving Others Until Lives are Saved

SOULS Ministry - Serving Others Until Lives are Saved "Sharing the Word of God and growing together in faith."

10/08/2025

"Ang Panginoon ang aking ilaw at aking kaligtasan; sino ang aking katatakutan?
Ang Panginoon ang katibayan ng aking buhay; sino ang aking kasisindakan?"
— Awit 27:1 (ABTAG2001)

Siya lng dapat ang ating sasandalan, anuman ang ating mga pinagdadaanan, at sa panahon na tayo ay natatakot, isipin natin na ang Diyos ay palaging andiyan para Tayo ay gabayan. Kung naniniwala ka na kakampi mo Ang Diyos Hindi ka dpat matakot sa sinuman. Dahil walang sinuman Ang makakagapi sayo maging Ang pintuan ng hades di mananaig syo. Basta manatili ka lng sa kamay ng Diyos.

08/08/2025

Isaiah 41:10 (ASND)
Kaya huwag kang matakot, dahil ako ang kasama mo; huwag kang manghina, dahil ako ang iyong Diyos. Bibigyan kita ng lakas at tutulungan kita; iingatan at ililigtas kita sa pamamagitan ng aking matatag na kamay.

A perfect reminder that no matter what challenges you face today, God is holding you up with His unshakable strength.

06/08/2025

"Ang Panginoon ay mabuti, siya'y kanlungan sa panahon ng kaguluhan; at nakikilala niya ang sa kaniya'y nanganganlong."
— Nahum 1:7 (TPV)

Sa gitna ng unos, may kanlungan tayo sa Diyos. Hindi lang Siya basta ligtas na lugar—kilala Niya kung sino ang tunay na nagtitiwala sa Kanya. Ang kabutihan Niya ay hindi nagbabago, kahit gaano kabigat ang pinagdaraanan natin ngayon.

06/08/2025

"Ang Panginoon ay malapit sa mga may pusong wasak,
at inililigtas niya ang mga bagbag ang loob."
– Mga Awit 34:18 (Psalm 34:18, TLAB)

Sa mga oras ng kalungkutan, kabiguan, o kapag parang wasak ang puso, hindi tayo nag-iisa. Ang Diyos ay malapit—hindi malayo. Siya ay hindi lang nakikiramay kundi aktibong nagliligtas sa atin. Ipagkatiwala mo sa Kanya ang anumang bigat ng iyong damdamin ngayong gabi.

05/08/2025

"Matulog kang payapa, hindi ka matatakot; kapag ika'y nahimlay, ang iyong tulog ay mahimbing."
– Kawikaan 3:24 (TLAB)

Sa gitna ng mga alalahanin natin sa buhay, ang pagtitiwala sa Diyos ang nagbibigay ng tunay na kapayapaan. Kapag Siya ang ating sandigan, wala tayong dapat ikatakot, araw man o kahit sa gabi.

Mapalad ang taong nagtitiwala sa Panginoon, at ang Panginoon ang kanyang pag-asa.— Jeremias 17:7 (MBBTAG)Ang tunay na pa...
04/08/2025

Mapalad ang taong nagtitiwala sa Panginoon, at ang Panginoon ang kanyang pag-asa.
— Jeremias 17:7 (MBBTAG)

Ang tunay na pagpapala ay hindi nasusukat sa dami ng ating pag-aari o tagumpay, kundi sa pagtitiwala natin sa Diyos. Kapag Siya ang ating sandigan, hindi tayo matitinag kahit anong pagsubok ang dumaan. Gaano man kalaki o kahirap ang ating pinagdaraanan, huwag tayong mawawalan ng tiwala na Ang Diyos Ang siyang magbibigay ng kalutasan sa lahat ng ating mga pagsubok sa Buhay, kahit alam mong parang imposible na malutas, andiyan pa rin dapat Ang ating pagtitiwala sa kanya. Dahil ang totoong nananampalataya sa Diyos, ay yong palaging may inaasahan na may gagawin Ang Diyos sa kanyang Buhay.

02/08/2025

Psalm 122:1
"Ako’y nagalak nang sabihin nila, 'Tayo’y pumaroon sa bahay ng Panginoon!'"

Anoman ang araw ng pagsamba sa Diyos, Sabado man o Linggo, masaya tayong lumalapit sa Diyos. Makipag usap tyo at bigyan Siya ng papuri sa buong Oras ng ating Pagsamba.

02/08/2025

Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan.
Psalms 145:18

In times of need, fear, or uncertainty, this verse reminds us that God is never far. He is close—especially to those who call on Him with sincerity and faith. Hindi kailangang magkunwari o magsalita ng magarbong panalangin; ang mahalaga ay ang tapat na puso.

31/07/2025

Psalm 23:1-2
Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang... pinapahinga Niya ako sa luntiang pastulan.

Kapayapaan ay nagmumula sa Panginoong, sa kabila ng mga lungkot at lumbay, palagi siyang nandiyan, at Tayo ay kanyang ginagabayan. Kapag Tayo ay napapagod at nangangailangan ng tatapik sa ating balikat, nandiyan SI Jesus na handa Kang alalayan sa Oras ng iyong pangangailangan.

30/07/2025

📖 Isaiah 40:31 (ASND)

Ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling lalakas. Lilipad silang tulad ng mga agila. Tatakbo sila ngunit hindi mapapagod; lalakad sila ngunit hindi manghihina.

Ang pagtitiwala sa Diyos ay nagbibigay ng panibagong lakas. Hindi lang ito pisikal, kundi lakas ng loob, pananampalataya, at pag-asa sa bawat araw. Anoman ang hamon ng buhay laban lang, huwag bibitaw, dahil ang Diyos ay laging nariyan, para sa atin at di nya tayo iiwan ni pababayaan man.

Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.James 4:17Kaya Hindi po masama na T...
30/07/2025

Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.
James 4:17

Kaya Hindi po masama na Tayo ay magsaway sa sinoman, Lalo pa at ito ay para sa ikabubuti nya. Dahil kung hahayaan mo na lang na Makita Siya na gumagawa ng di maganda, tandaan mo, Ikaw ay nagkakasala sa Diyos, dahil alam mo na Ang mabuti pero di mo ginawa. Hindi po masama Ang magtuwid sa ating kapwa kahit pa ito ay masakit sa kanyang damdamin, pero ito Naman po ay magdudulot ng kaligtasan sa kanyang kaluluwa.

📖 2 Samuel 22:31 (TLAB)Tungkol sa Dios, ang kaniyang daan ay sakdal; ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng...
30/07/2025

📖 2 Samuel 22:31 (TLAB)
Tungkol sa Dios, ang kaniyang daan ay sakdal; ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya.

Kapag ang ating landas ay tila malabo o mahirap, ang daan ng Diyos ay laging perpekto at maaasahan. Ang Kanyang mga salita ay nasubukan sa panahon—tapat, totoo, at buhay. Siya ang ating proteksyon, tagapagtanggol, at kanlungan kung tayo’y magtiwala lamang sa Kanya. Wala tayong iBang maaasahan kundi Siya lamang..

Address

PAGASPAS
Tanauan
4232

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SOULS Ministry - Serving Others Until Lives are Saved posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share