14/08/2026
πππ₯π’π ππ²ππ§π πππ©π’π¬πππ‘ππ§ π§π πππ -πππ€π²ππ π¬π πππ§π π’π π¬π πππ‘ππ₯ π§π ππ’π«π‘ππ§π πππ«π’π!
βοΈUNANG PAGBASA
Pahayag 11, 19a; 12, 1-6. 10ab
Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag
Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan.
Kasunod nitoβy lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niyaβy may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kayaβt napasigaw siya sa matinding sakit at hirap.
Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Itoβy may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling itoβy isilang. At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya.
At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, βDumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan!β
Ang Salita ng Diyos.
βοΈSALMONG TUGUNAN
Salmo 44, 10bk. 11. 12ab. 16
Nasa kanan mo ang reyna,
maningning sa gintoβt ganda.
Samantalang sa kanan mo nakatayo yaong reyna,
palamutiβy gintong lantay sa damit na suot niya.
Nasa kanan mo ang reyna,
maningning sa gintoβt ganda.
O kabiyak nitong hari, ang payo koβy ulinigin;
ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.
Nasa kanan mo ang reyna,
maningning sa gintoβt ganda.
Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin;
siyaβy iyong Panginoon, marapat na iyong sundin.
Nasa kanan mo ang reyna,
maningning sa gintoβt ganda.
Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak
na pumasok sa palasyo at sa hari ay humarap.
Nasa kanan mo ang reyna,
maningning sa gintoβt ganda.
βοΈIKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 15, 20-27
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid, si Kristoβy muling binuhay bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayun din naman, dumating din ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng isang tao. Sapagkat kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayun din naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Kristo, ngunit ang bawat isaβy sa kanya-kanyang takdang panahon: Si Kristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Kristo sa panahon ng pagparito niya. At darating ang wakas, pagkatapos malupig ni Kristo ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan; at ibibigay niya sa Diyos at Ama ang paghahari. Sapagkat si Kristoβy dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang pasusukuin ay ang kamatayan. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: βAng lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos.β
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Mga Anghel ay masaya
nang iakyat si Maria
sa langit na maligaya.
Aleluya! Aleluya!
βοΈMABUTING BALITA
Lucas 1, 39-56
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Si Mariaβy nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, βPinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!β
At sinabi ni Maria,
βAng puso koβy nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, akoβy tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan β
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng saliβt saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!β
Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.