Samahang Diwang Banal, INC.

Samahang Diwang Banal, INC. Samahan ng Espiritu Santo na may Kakayahan na Makita at Makilala ang Dios na Makapangyarihan sa Lahat

13/09/2026

PAALAALA BILANG PITOMPU ' T PITO ( 77 ) : ANG MGA BAGAY NA BUMUBUO SA ISANG KALAGAYANG TAO AYON SA ESPIRITUNG ARAL AT TURO , ITO AY ANG BUHAY , ILAW AT ESPIRITU NA IPINAHAYAG SA UNANG TATLONG ( 3 ) SITA SA AKLAT NG GENESIS MULA SA BANAL NA KASULATAN , KJV. .

TUNGHAYAN NATIN ANG TATLONG ( 3 ) UNANG SITA SA AKLAT NG GENESIS :

1 ) ANG TUNGKOL SA " BUHAY " AY ANG GEN . 1: 1-2 --- NG PASIMULA AY NILIKHA NG DIOS ANG LANGIT AT ANG LUPA . AT ANG LUPA AY WALANG ANYO AT WALANG LAMAN ; AT ANG KADILIMAN AY SUMASA IBABAW NG KALALIMAN ; AT ANG ESPIRITU NG DIOS AY SUMASA IBABAW NG TUBIG .

TUNOG : NG PASIMULA AY NILIKHA NG DIOS ANG MALAKING BUHAY ( LANGIT ) AT ANG MALIIT NA BUHAY ( LUPA ) . AT ANG MALIIT NA BUHAY AY WALANG SAPAT NA KAALAMANG ESPIRITU : AT ANG WASTONG ARAL AT TURO SA LOOB NG CIENCIA MORAL AT CIENCIA ESPIRITU AY HINDI PA NALALANTAD : AT ANG ESPIRITU NG DIOS O ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA AY ANG MAGLILINIS NG MAY BAHID MATERIANG KAALAMAN O LITERAL NA PAGKAUNAWA SA LERA O SA TITIK .

2 ) ANG TUNGKOL SA " ILAW " AY ANG GEN. 1: 16 --- AT NILIKHA NG DIOS ANG DALAWANG MALAKING TANGLAW ; ANG MALAKING TANGLAW AY UPANG MAGPUNO SA ARAW , AT ANG MALIIT NA TANGLAW AY UPANG MAGPUNO SA GABI : NILIKHA RIN NIYA ANG MGA BITUIN .

TUNOG : AT NILIKHA NG DIOS ANG DALAWANG MALAKING TANGLAW ( ISIPAN ) : ANG MALAKING TANGLAWA O ANG WASTONG ISIPAN AY ANG PAGIIPUNAN NG WASTONG KAALAMANG ESPIRITU NG DIOS , AT ANG MALIIT NA TANGLAW O ANG LIGAW O LIKO NA ISIPAN AY ANG NAKAKAALAM SA PANG-ARAW-ARAW NA PANGANGAILANGAN NG TAO SA PAGKABUHAY SA SANGLIBUTAN : NILIKHA RIN NIYA ANG ISIPANG NAGBUBUNGA NG SARILING HAKA AT KURO NA ITO NGA ANG MGA BITUIN , KUNG KAYA ' T KUKUTIKUTITAP NA WALANG KAKAYAHANG MAKAUNAWA NG ESPIRITUNG KAALAMAN NG DIOS .

3 ) ANG TUNGKOL SA " ESPIRITU " AY ANG GEN . 1: 26 --- AT SINABI NG DIOS , " LALANGIN NATIN ANG TAO SA ATING LARAWAN , AYON SA ATING WANGIS : AT MAGKAROON SILA NG KAPANGYARIHAN SA MGA ISDA SA DAGAT , AT SA MGA IBON SA HIMPAPAWID , AT SA MGA HAYOP . AT SA BUONG LUPA , AT BAWA ' T UMUUNSAD , NA NAGSISISUNSAD SA IBABAW NG LUPA .

TUNOG : AT SINABI NG DIOS , LALANGIN NATIN ANG TAO SA KABUUAN NG BUHAY , ILAW O ISIPAN AT ESPIRITU NA SUMASA LAMAN AT BUTO NA MAY KAPANGYARIHAN : ITO ANG TAO NA SIYANG SUMASA BAWA ' T KALAGAYANG NILIKHANG TAO . GAYON DIN ANG BUHAY , ILAW ( ISIPAN ) AT ESPIRITU NA DUMUDUON SA MGA ISDA SA DAGAT KUNG KAYA ' T MAY KAKAYAHANG MANATILI AT MABUHAY SA KARAGATAN , AT SA MGA IBON SA HIMPAPAWID KUNG KAYA ' T SILA ' Y NANGAKAKALIPAD , AT SA MGA HAYOP AT SA BUONG LUPA AT SA BAWA ' T UMUUNSAD , NA NAGSISIUNSAD SA IBABAW NG LUPA O ANG LAHAT NA MAY BUHAY AT NANGANGABUHAY SA MUNDONG LUPA ( ALL LIVING THINGS ) .

ANG ATING TINALAKAY SA ITAAS AY ANG KABUUAN NG ISANG KALAGAYANG NILIKHANG TAO AYON SA ESPIRITUNG ARAL AT TURO , ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD : ANG BUHAY , ILAW ( ISIPAN ) AT ESPIRITU NG DIOS NA TUMATAHAN SA LOOB NG KATAWANG LAMAN AT BUTO NG ISANG KALAGAYANG TAO . SAMANTALA , ANG NILIKHA NG DIOS NA " LANGIT " AY TUMUTUKOY SA MALAKING BUHAY ( MAY-ARI NG SARILI ) AT ANG " LUPA " AY TUMUTUKOY SA MALIIT NA BUHAY ( SARILI ) . ITO ANG UNANG HAKBANG SA PAG-AARAL NG " ESPIRITU NG SALITA NG DIOS " NA NAPASULAT SA BANAL NA KASULATAN , KJV. .

SURIIN AT PAG-ARALANG MABUTI ANG MGA ESPIRITUNG PAHAYAG SA ITAAS , ITO ANG GIGIYA SA ISANG KALAGAYANG TAO PARA MAKAUNAWA NG " ESPIRITU NG SALITA NG DIOS " , ITO RIN ANG NAG-IISANG PARAAN PARA MAKITA ANG PANGINOONG DIOS SA KANIYANG ESPIRITUNG KALAGAYAN SA KANIYANG ESPIRITUNG KINAROROONAN AT PIHONG MAKAKABAHAGI SA BUHAY NA WALANG HANGGAN NG PANGINOONG DIOS .

MARAMING SALAMAT PO , ESPIRITU SANTO .....

PAALAALA BILANG PITUMPU ' T ANIM  (  76  )  :  ANG PAGTATAYO NG IGLESIA NG PANGINOONG DIOS SA BAWA ' T KALAGAYANG TAO NA...
12/09/2026

PAALAALA BILANG PITUMPU ' T ANIM ( 76 ) : ANG PAGTATAYO NG IGLESIA NG PANGINOONG DIOS SA BAWA ' T KALAGAYANG TAO NA NAGSISIKHAY AT UMUUNAWA NG ESPIRITU NG SALITA NG DIOS NA GAMIT ANG ESPIRITUNG KAPALIWANAGAN SA PAMAMAGITAN NG SITA SA AKLAT NI MATEO MULA SA BAGONG TIPAN NG BANAL NA KASULATAN , KJV. .

TUNGHAYAN NATIN ANG SITA :

MATEO 16: 18-19 --- " AT SINABI KO NAMAN SA IYO , AT SA IBABAW NG BATONG ITO AY ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA : AT ANG MGA PINTUAN NG HADES AY HINDI MAGSISIPANAIG LABAN SA KANIYA . IBIBIGAY KO SA IYO ANG MGA SUSI NG KAHARIAN NG LANGIT : AT ANOMANG TALIAN SA LUPA AY TATALIAN SA LANGIT : AT ANOMANG IYONG KALAGAN SA LUPA AY KAKALAGAN SA LANGIT . "

TUNOG :

" AT SINABI NG KRISTO NG PANGINOON , KALAGAYANG NILIKHANG TAO NA NAGSISIKHAY AT UMUUNAWA NG MATUWID NA ESPIRITU NG SALITA NG DIOS , NA IKAW AY ISANG BATONG MATATAG O ANG BAGONG KAALAMAN NG DIOS , AT SA IBABAW NG ITINAYONG KAALAMANG ESPIRITU SA WASTONG ISIPAN , AY ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA O LUKLUKAN : AT ANG MGA PINTUAN NG HADES O ANG MATANG PANTINGIN AY HINDI MAGSISIPANAIG NA MALAHIRAN NG MATERIA ANG ESPIRITUNG KAALAMANG SIYANG INIIPON SA WASTONG ISIPAN . IBIBIGAY KO ANG MGA SUSI , ANG KAPANGYARIHAN NG KAPASIYAHANG SA KUNG ANONG DAAN ANG SIYANG TATAHAKIN : KUNG NAKAPALING AY SA KAPAHAMAKAN AT KUNG MATUWID AY SA KAPAKINABANGAN : ANG IYONG MAUNAWANG LUBOS ANG TUNOG NG DIWA NG ESPIRITU NG SALITA : AT ANOMANG IYONG IIPUNIN ANG TATALIAN AY MABIBIGKIS SA WASTONG ISIPAN , AT ANOMANG IYONG TUTUKLASIN , ANG KAKALAGAYANG NAKATALING HIWAGA UKOL SA BUHAY , ANG MALIIT NA BUHAY NA SIYANG SINASABING LUPA AT MALAKING BUHAY NA SIYA NAMANG LANGIT AY MAAALAMAN , MAUUNAWAAN AT MAKIKILALA AYON DIN NAMAN SA ESPIRITUNG KALAGAYAN AT ESPIRITUNG KAHAYAGAN . AT SA SANDALING MAPAGKALOOBANG MAKAPAGHAYAG NG MATUWID NA KAALAMANG ESPIRITU , AY HAYAAN NA UMUNAWA ANG IBIG UMUNAWA , AT PANATILIIN NAMAN ANG KAPAYAPAAN NG KALOOBAN SA MGA AYAW UMUNAWA AT TUMANGGAP .

ANG DAGDAG NA PATOTOO AYON SA TUNOG NG ESPIRITUNG PALIWANAG SA ITAAS :

1. ANG IGLESIA NG DIOS AY ANG MISMONG ISIP NG PANGINOONG DIOS NA TUMATAHAN SA GITNA NG " ISIPAN NG KALAGAYANG TAO " .
2. ANG KANIYANG TUNGTUNGAN AY LUPA O KAALAMANG ESPIRITU AT ANG KANIYANG LUKLUKAN AY LANGIT O NG IKATLONG LANGIT NA SIYANG KINARORONAN NG PANGINOONG DIOS , LAHAT NG ITO AY NASA ISANG KALAGAYANG TAO .
3. ANG KANIYANG IGLESIA O ANG TEMPLO AY HINDI GINAWA NG KAMAY NG KALAGAYANG TAO (MGA GAWA 17:24), BAKIT ?? , ITO AY NASA ESPIRITUNG KALAGAYAN . HINDI RIN ITO MATAYOG NA MULA SA LUPA HANGGANG SA LANGIT , NA KALIMITAN AY MAYROONG MATULIS NA BAGAY SA IBABAW NG BAHAY SAMBAHAN PARA ITURO ANG LANGIT .
4. ANG MALIWANAG NA PATOTOO NA ANG DIOS AY NASA BAWA ' T KAAGAYANG TAO (1 CORINTO 3:16-17), AT BINIGYAN NIYA NG " FREEWILL " , NA PARA KUNG MATUWID NA KAALAMAN SA ESPIRITU ANG KANIYANG MAUNAWAAN , ITO SA KAPAKINABANGAN NGUNI ' T KUNG LIKO O NAKAPALING NA KAALAMAN NG DIOS , ITO AY SA KAPAHAMAKAN O SA PARUSA NG DIOS NA " PAGKA-WALA " .
5. KAYA ' T SINASABI NG DIOS , HUWAG KAYONG DADALANGIN O HIHINGI NG ANOMANG BAGAY SA AKIN ( DIOS ) , BAKIT ?? , HIHINGIIN PA LAMANG NINYO AY ALAM KO NA ANG INYONG PANGANGAILANGAN (MAT. 6:32), AKO AY LAGING NASA INYO MAGPAKAILAN PA MAN HANGGANG SA WAKAS (MAT. 28:20) .

SURIIN AT PAG-ARALANG MABUTI ANG MGA ESPIRITUNG PALIWANAG AT PATOTOO SA ITAAS , ITO ANG GIGIYA SA ESPIRITUNG ARAL NG KALAGAYANG TAO PARA SA KANIYANG MATUWID NA KAALAMANG ESPIRITU NG DIOS .

MARAMING SALAMAT PO , ESPIRITU SANTO .....

Ika-339 PakikipagTIPAN ng ESPIRITU SANTO sa pamamagitan ng Makabagong Teknolohiya, Ang ZOOM, Ika-6 SETYEMBRE 2026, simul...
06/09/2026

Ika-339 PakikipagTIPAN ng ESPIRITU SANTO sa pamamagitan ng Makabagong Teknolohiya, Ang ZOOM, Ika-6 SETYEMBRE 2026, simula Ika-3:00 ng Hapon hanggang Ika-6:00 ng Gabi

MGA DUMALO:
MGA KAISANG TOTOO
Jesse O Laurena, Rebecca Naga, Myrna Salisi Gonzales, Rhodora Micosa Rimando, Mel Mabesa, Mely Lirio Perez, Ed Samson

ANG TALAKAY:
1.) PAALAALA # 72 - ANG ESPIRITUNG KAHAYAGAN NG PANGINOONG DIOS AYON SA APOC 22:4

Ang pagpapakilala sa MUKHA NG PANGINOONG DIOS sa siyang Tunay na Mananamba ng Ama sa Espiritu at Katotohanan sa loob ng Ciencia Moral at Ciencia Espiritu; Ang Pagsilang sa ISIPAN ng Tao ng kaliwanagan ng Evangelio o ng nasusulat sa Banal na KAsulatan KJV nang ayon sa Espiritu ng Salita na siyang MUKHA NG DIOS.

Ang PAGKABUO NG KALUWALHATIAN sa pamamagitan ng Bagong Kaalamang Espiritu ng Dios sa Paaralan ng Samahang Diwang Banal na ibinabahagi Niyaong mga Hindi Upahang Mangangaral.

Ang Bagong Kaalamang Espiritu ng Dios na walang bahid ni kaunting materia, Malinis, Puro, Dalisay, Sakdal, Busilak, Wasto at Perfecto na mananahan sa Isipan ng Tao na siyang gabay sa isang maunlad na Buhay sa sandaling ito'y maisabuhay; Sapagka't dama ng Tiyak at Piho na ang Panginoong Dios ay Nakita , Nahipo, Nakasalo, Nakausap, at nadama ang Kapayapaan Walang Hangganan.

Mga Patotong Sita:
1 PEDRO 3:12, Sumasa Kalgayang Matuwid ang Kaalamang Espiritu sa Isipan ang Panginoong Dios; Sapagka't ang Panginoon ay laban sa nagsisigawa ng masama o yaong ang siyang taglay ng Isipan ay ang Kaalamang ayon sa Diwang laman.
2 CORINTO 4:4, Tunay na Hindi masusumpungang Niyaong mga Hindi Nagsisimpalataya sa Dios nang ayon sa Espiritu at Katotohanan sa loob ng Ciencia Moral At Ciencia Espiritu, ang Kaliwanagan ng Evangelio (ang ayon sa Espiritu ng Salita) ng Kaluwalhatian ni Kristo, na siyang Larawan ng Dios.
2 CORINTO 4:6, Maniningning ang liwanag ng kadiliman, dahil taglay ang siyang Kaalamang Esipritu ng Dios na siyang malalalim na bagay ukol sa Dios sa pamamagitan ng Espiritu ng Salita kung kaya may pagkakilala sa Kaluwalhatian ng Dios sa MUKHA NI JESUKRISTO (Jesus/Salita at Kristo/Espiritu ng Salita).

2.) PAALAALA #73 - ANG PAGPAPAKILALA SA APAT (4) NA ANGHEL O APAT (4) NA PANDAMDAM (TAINGA, ILONG, DILA AT BALAT) NA MAY KAKAYAHANG MATUNGO SA KALIGTASSAN O KAPAHAMAKAN ANG KALAGAYANG TAO

Ayon sa APOC. 7:2-3, Ang siyang Paalaala ng Panginoong Dios sa Apat (4) na Anghel na Huwag ipahamak ang Buhay Niyaong siyang Uunawa sa Salita ng Dios, ni ang siyang Dagat ng tubig ng Buhay na siyang maglilinis ng tuluyan sa Kaalamang mananahan sa Isipan, kahit na ang kanilang Katutubong gamit, ang Limang (5) Pandamdam sa pagsusuri at pagaaral ng Salita ng Dios na aangat ng antas ng gamit upang Makaunawa ng Espiritu ng Salita at Madama ang siyang Damdaming nakalakip dito.

Mga Patotoong Sita:
GEN. 2:10, ang isang Ilog na lumabas sa Eden: Gamit ang siyang MAtang Pangtingin, nahayag ang siyang Espiritu ng Salita sa mga nasusulat na Pangungusap ng Panginoon sa Banal na Kasulatan KJV.
GEN. 2:11-14, (1.)Ang PISON (TAINGA) - Ang Malinis ang PANDINIG ng Espiritu ng Salita, at nang mabigkis ang Maliit at Malaking Buhay at maging isang Tunay na Buhay
(2.) Ang GIHON (ILONG) Ang Malinis ang PANGLANGHAP ng Walang Hanggang Halimuyak ng Espiritu ng Salita at nang maipasok sa Ikabuturan ng Isipan at hindi manatili sa Butas ng Ilong,
(3.) ANG HIDDECEL (DILA) , Ang MALASA ng ESPIRITU NG SALITA NG DIOS at nang madama ang walang hanggang Kasiyahan na magpapaluha sa mga Mata at umagos ang isang likido mula sa ilong.
(4.) Ang EUFRATES (BALAT), Ang Malinis ang siyang PANDAMA at ng makaisa sa Damdamin ang Panginoon na siyang magbibigay nag Walang Hanggang Kapayapaan sa Kalagayang Tao.

3.) PAALAALA #74 - ANG BILANG NA "666"

Ayon sa APOC. 13:16-17, AT APOC. 13:18, Ang lahat nang hindi makakaunawa ng Salita ng Dios nang ayon sa Espiritu ng Salita, mayaman man o mahirap, ano mang lahi, o anomang kulay ng balat o lipi man, ay mayroong TANDA, SA MAKATUWID AY ANG PANGALAN O KAALAMAN NG HAYOP O ANG BILANG NA "666"; Sapagka't ang mga yaon ay walang Wastong Kaunawaan nang ayon sa Espiritu ng Salita ng Dios sa mga Pangungusap na nasusulat sa Banal na Kasulatn KJV; Ang taglay ng Isipan ay yaong Kaalamang ayon sa Diwang Laman na walang kapakinabangan kundi pagkapahamak at pagkatungo sa parusang pangkawala.

Ang Bilang na "666" ay sumisimbulo sa proseso ng pagbautismo sa Kalagayang tao o sa Isipan : Ang Bautismo sa Espiritu at Tubig, at Bautismo sa Espiritu; Ang kaganapan ng Tatlong Anim (6); Hindi naganap ang siyang Bautismo sa Apoy. Ang Pagbautismo sa ESPIRITU SANTO AT APOY na siyang isasagawa Niyaong Sinugo ng AMA, simula noong Marso 06, 2011 sa Paaralan ng Samahang Diwang Banal sa pamamagitan Niyaong mga HINDI UPAHANG MANGANGARAL.

Mga Patotoong Sita:
ECLE 3:18-19, Ang Pagsasabi ng Panginoong Dios na marapat na mahigitan ng Tao ang isang Hayop na mayroong isang Hininga, Kinakailangan na ang HININGA NG BUHAY na nasa Butas ng Ilong ay maipasok sa Kaibuturan ng isipan sa pamamagitan ng pagsusuri at pagaaral na ginaganap sa Paaralan ng Samahang Diwang Banal.
LUC. 3:16, Ang pagpapatotoo ni Juan Bautista na marapat na maisakatuparan ang Bautismo sa ESPIRITU SANTO AT APOY, upang madama ang siyang WASTONG KARUNUNGAN NA MAY LAKIP NA WALANG HANGGANG KAPANGYARIHAN NG DIOS.

4.) PAALAALA #75 - ANG BILANG NA "144,000"

Ayon sa APOC. 14:1, Ang siyang Tagapagligtas na sumasa Isipan ng Kalagayan (Bundok ng Sion) na mayroong bilang na "144,000"; Sapagka't silang mga nagsumikap na umunawa ng Salita ng Dios ng ayon sa Espiritu ng Salita gamit ang Aklat na "Mag Butil na Ginto sa banal na Kasulatan (1,045 na mga Piling Sita mula sa Banal na Kasulatn KJV) sa Paaralan ng Samahang Diwang Banal na ibinabahagi Niyaong mga Hindi upahang Mangangaral; Kaya nangagsisiawitan ng Himig ng Bagong Musika ng Panginoon, ang ayon sa Tunog ng Diwa ng Espiritu ng Salita o Tunog ng Tinig ng Amang Banal sa Ikatlong Langit.

Ayon sa APOC. 14:3, Ang siyang nakaunawa ng ESPIRITU NG SALITA ng mga Pangungusap ng Panginoon na nasusulat sa banal na Kasulatn KJV. Kilala ang siyang Apat na Nilalang na Buhay (Ang Ako Yaon at Kakapwa/ Ang Mabuting Espiritu at Masamang Espiritu, Ang Ako Nga at ang Kakapwa / Ang Amang Banal at Amang Diablo) dahil ang siyang Lumang Kaalaman ng Isipan ay Bago na o naiaangat ng Antas mula sa Diwang Laman naging ayon sa Diwang Banal.

Mga Patotoong Sita :
APOC. 7:4, Ang Bilang na "144,000" ay ang siyang ginanap ng Kalagayang Tao na pagsisikhay na Tig-aapat na gabi na pagpupuyat o ang pagsusumikap na umunawa ng Salita ng Dios nang ayon sa Espiritu ng Salita. Ang taglayin ng Isipan ang Karungunag ng Ama ukol sa Buhay, Ang Kawastuan ng Anak ukol sa Ilawa at Ang Kapangyarihan ng Espiritu Santo sa Espiritu. Ang bagong Kaalamang Espiritu na may WASTONG KARUNUNGAN LAKIP ANG WALANG HANGGANG KAPANGYARIAHAN NG AMANG BANAL SA IKATLONG LANGIT.
ROMAN 11:26-27, Ang Makilala ang siyang Tagapagligtas na nasa Bundok ng Sion upang mahiwalay sa kalikuan ng Aral at Turo.
MAR. 16:16, Ang kaganapan ng APAT NA BAUTRISMO (BAUTISMO SA ESPIRITU AT TUBIG, AT ANG BAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY) kaya naligtas at may bilang na "144,000" sa kanang kamay o noo.

MARAMING SALAMAT PO, ESPIRITU SANTO

PAALAALA BILANG PITOMPU 'T LIMA  (  75  ) :  ANG ESPIRITU NG BILANG NG HAYOP (  BILANG NG ISANG TAO  )  NA  666  (  ANIM...
05/09/2026

PAALAALA BILANG PITOMPU 'T LIMA ( 75 ) : ANG ESPIRITU NG BILANG NG HAYOP ( BILANG NG ISANG TAO ) NA 666 ( ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU ' T ANIM ) AT ANG ESPIRITU NG BILANG NG MAY PANGALAN NA 144, 000 ( ISANG DAAN AT APAT NA PU ' T APAT NA LIBO ) NA SIYA RING BILANG NG MATUTUTONG UMAWIT O UMAAWIT .

TUNGHAYAN NATIN ANG DALAWANG SITA SA AKLAT NG APOCALIPSIS MULA SA BAGONG TIPAN NG BANAL NA KASULATAN , KJV. :

APOC. 14: 1 --- AT TUMINGIN AKO , AT NARITO , ANG CORDERO AY NAKATAYO SA BUNDOK NG SION , AT ANG KASAMA NIYA ' Y ISANG DAAN AT APAT NA PU ' T APAT NA LIBONG MAY PANGALAN NIYA , AT PANGALAN NG KANIYANG AMA , NA NASUSULAT SA KANIKANIYANG NOO .

TUNOG :

AT TUMINGIN AKO ( JUAN ) , AT NARITO , ANG CORDERO , ANG BUHAY NA SALITA AY NAKATAYO SA ISANG BAHAGI NG ISIPAN ( BUNDOK NG SION ) , AT ANG KASAMA NIYA AY ANG MGA MAY LUBOS NA PANGUNAWA SA KAALAMANG NAUUKOL SA ESPIRITU AT SA KATOTOHANAN SA LOOB NG CIENCIA NG ESPIRITU SANTO , ANG ISANG DAAN AT APAT NA PU 'T APAT NA LIBO , NA SIYANG KAALAMANG ESPIRITU NG ESPIRITUNG DIOS AY NASUSULAT SA KANIKANIYANG NOO AT SIYANG NANANAHAN SA KAIBUTURAN NG KANILANG MGA ISIPAN .
DAGDAG KAALAMAN : ANG NASUSULAT SA KANIYAKANIYANG NOO DAHIL NAHAHAYAG SA KANILANG GALAW AT SALITA .

APOC. 14: 3 --- AT SILA ' Y NANGAGAAWITAN NA WARI ' Y ISANG BAGONG AWIT SA HARAPAN NG LUKLUKAN , AT SA HARAP NG APAT NA NILALANG NA BUHAY AT MATATANDA : AT SINOMAN AY HINDI MAARING MATUTO NG AWIT KUNDI ANG ISANG DAAN AT APAT NA PU ' T APAT NA LIBO LAMANG , SA MAKATUWID AY SIYANG MGA BINILI MULA SA LUPA .

TUNOG :

AT SILANG MGA NAKAUNAWA NG LUBOS SA KAALAMANG NAUUKOL SA ESPIRITU AT SA KATOTOHANAN , ANG ISANG DAAN AT APAT NA PU 'T APAT NA LIBONG ( 144, OOO ) MAY KAALAMAN SA SALITA NG DIOS SA LOOB NG CIENCIA MORAL AT CIENCIA ESPIRITU O NG KARUNUNGAN NG AMA UKOL SA BUHAY , KAWASTUAN NG ANAK UKOL SA ILAW AT KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO UKOL SA ESPIRITU NA SIYANG KAALAMANG MABIBIGKIS SA ISIPAN NA SIYANG IBIG NA AMANG BANAL ; ANG SIYANG NASUSULAT SA NOO , AT NANANAHAN AT TINANGKILIK NG ISIPAN , AT ISINASABUBHAY . SILA ' Y NANGAGAAWITAN NA PARANG ISANG BAGONG AWIT SA MGA NANGAKIKINIG ; SAPAGKA ' T SILA LAMANG NA MAY BILANG NA 144,000 ANG SIYANG MATUTO NANG SIYANG HIMIG NG DAMDAMIN NG PANGINOON , SILANG MGA BUMILI NG WALANG BAYAD AT NAKABAHAGI NG MATUWID NA BAGAY UKOL SA BUHAY AT SA AMANG BANAL .

DAGDAG KAALAMAN : AYON SA ESPIRITU NG BILANG , ANG 144, 000 AY SUMISISMBULO NG : ANG DALAWANG APAT AY ANG TIG-APAT NA PAGPUPUYAT O MASINOP AT MATIYAGANG PAG-AARAL NG DIWA NG TITIK O LETRA NG SALITA NG DIOS AYON SA TUNOG NG KANIYANG PANGUNGUSAP SA PAMAMAGITAN NG SIYANG KAALAMAN NG AMA , NG ANAK , AT NG ESPIRITU SANTO AT MABUO ANG SIYAM NG BILOG NG BUHAY ( 0 ) UPANG MAKILALA ANG ISANG ( 1 ) DIOS NA TUNAY SA KANIYANG ESPIRITUNG KALAGAYAN SA KANIYANG ESPIRITUNG KINAROROONAN .

ANG ATING TINALAKAY SA ITAAS AY ANG KAHALAGAHAN NG " ESPIRITU NG BILANG " , ANG HAMBINGAN NG BILANG NA 666 AT ANG BILANG NA 144, 000 , ANG TATAK SA NOO ( ISIPAN ) NG TAO NA 144, 000 AY ANG MGA MALILIGTAS SA PARUSA NG DIOS NA PAGKA-WALA AT PIHONG NAKAKABAHAGI SA " BUHAY NA WALANG HANGGAN NG PANGINOONG DIOS " , SAMANTALA , ANG TATAK SA NOO ( ISIPAN ) NG TAO NA 666 AY ANG MGA PARURUSAHAN SA DAGATDAGATANG APOY AT NAGBABAGANG ASUPRE SA KAKULANGAN NG KAALAMANG ESPIRITU NG DIOS .

SURIIN AT PAG-ARALANG MABUTI ANG MGA ESPIRITUNG PALIWANAG SA ITAAS , ITO ANG GIGIYA SA TAO KUNG PAANO ANG " TAMANG TATAK NG BILANG SA NOO " NA SIYANG BATAYAN PARA SA TAMA AT MATUWID NA KAALAMANG ESPIRITU NG DIOS MULA SA SALITA NG DIOS NA NAPASULAT SA BANAL NA KASULATAN , KJV. .

MARAMING SALAMAT PO , ESPIRITU SANTO .....

PAALAALA BILANG PITUMPU ' T APAT  (  74  ) :  ANG BILANG NG HAYOP  (  BILANG NG ISANG TAO  ) :  ANIM NA RAAN AT ANIM NA ...
04/09/2026

PAALAALA BILANG PITUMPU ' T APAT ( 74 ) : ANG BILANG NG HAYOP ( BILANG NG ISANG TAO ) : ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU ' T ANIM ( 666 ) . TUNGHAYAN NATIN ANG ISANG SITA SA AKLAT NG APOKALIPSIS :

APOC. 13: 16-17 --- AT ANG LAHAT , MALILIIT AT MALAKI , AT MAYAYAMAN AT MGA DUKHA , AT ANG MGA LAYA AT ANG MGA ALIPIN AY PINABIGYAN NG ISANG TANDA SA KANILANG KANANG KAMAY , O SA NOO ; AT NANG HUWAG MAKABILI O MAKAPAGBILI ANG SINOMAN , KUNDI SIYANG MAYROONG TANDA , SA MAKATUWID AY NG PANGALAN NG HAYOP O BILANG NG KANIYANG PANGALAN .

ANG TUNOG AYON SA ESPIRITU :

ANG LAHAT NA WALANG PANGUNAWANG LUBOS SA KAALAMANG NAUUKOL SA ESPIRITU AT KATOTOHANAN , WALANG PINIPILING LAHI AT KULAY , MALIIT AT MALAKI , MAYAYAMAN AT DUKHA , AT ANG MGA LAYA SA ANOMANG NAIS AT ANG MGA ALIPIN NA SUMUSUNOD SA UTOS NG DI NAKIKILANG PANGINOON AY PINAGBIGYAN NG ISANG TANDA SA KANILANG KAMAY , UPANG HINDI NA MAKADAMA NG SIYANG MATUWID AT WASTONG DAMDAMIN MULA SA PANGINOON , O SA NOO AT NANG MASULAT AY ANG DIWANG LAMAN NA SIYANG MANANAHAN SA ISIPAN ; AT SA GAYON AY HUWAG MAKABAHAGI O MAKAPAGBAHAGI ANG SINOMAN NG ESPIRITU NG SALITA NG DIOS , KUNDI SIYANG MAYROON TANDA , SAMAKATUWID AY NG PANGALAN , O PANG-ALAM , O KAALAMAN NG HAYOP , ANG KAALAMANG WALANG KAPAKINABANGAN KUNDI KAPAHAMAKAN NA SIYANG LAMAN O TINATANGKILIK NG ISIPAN NA SIYANG PAGKAKAILANLAN SA KALAGAYAN , ANG KANIYANG PANGALAN O PANG-ALAM , ANG AYON SA TITIK O SA LETRA .

DAGDAG KAALAMAN : ANG SIYANG NASULAT SA APOC. 13: 18 , DITO ' Y MAY KARUNUNGAN . ANG MAY PAGKAUNAWA AY BILANGIN ANG BILANG NG HAYOP ; SAPAGKA ' T SIYANG BILANG NG ISANG TAO : AT ANG KANIYANG BILANG AY ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU ' T ANIM ( 666 ) . AYON SA ESPIRITU NG SALITA , ANG SIYANG TUNOG NG DIWA NITO : TUNAY NA MAY TAGLAY DIN NAMANG KARUNUNGAN ANG GAYON , AYON SA DIWANG LAMAN NA ANG TUNGO NG BUHAY AY SA KAPARUSAHANG WALANG HANGGAN , ANG KAGULUMIHANAN SA PUSO AT ISIPAN , AT ANG SIYANG PAGKAWALA , ANG PAGKATUNAW AT ANG MAUWI SA ABO SA PAMAMAGITAN NG DAGATDAGATANG APOY AT NAGBABAGANG ASUPRE , TULAD NG HAYOP NA WALANG KAKAYAHANG MAKILALA ANG SARILI NA NALAKIPAN NG BILANG NA ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU 'T ANIM ( 666 ) : ANG SUMISIMBULO SA KAKULANGAN NG ARAL AT KALIKUAN NG TURO DI NADALISAY NG APOY UPANG HUMAYAG ANG PAGIGING PUSPOS , DALISAY , MALINIS ,PERFECTO , WALANG BAHID NI KAUNTING MATERIA AT SUMUSUNOD AT MANGYAYARI , AY WALANG KAPINTASAN .

AYON SA ESPIRITU NG BILANG : 1. ) ANG UNANG 6 : ANG SIYANG BAUTISMO SA ESPIRITU . ANG MAKILALA ANG SIYANG ESPIRITUNG KAHAYAGAN NG KALAGAYAN . 2. ) ANG IKALAWANG 6 : ANG SIYANG BAUTISMO SA TUBIG ; ANG MAIHANDA ANG KALAGAYAN SA PAG-ANGAT NG ANTAS NG PAGKAKILALA SA SARILI . 3. ) ANG IKATLONG 6 : ANG SIYANG BAUTISMO SA ESPIRITU ; ANG AYON SA DIWANG NAKALAKIP AYON SA TUNOG NG PAGKAKILALA SA ANGAT NA ANTAS NG SARILI ; KUNG ANG MAHAGIP AY ANG DIWANG LAMAN , ANG TUNGO AY SA KAPAHAMAKAN AT WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN ; AT KUNG ANG MAHAGIP AY ANG DIWANG AYON SA TUNOG NG PAGKAKABIGKAS NG PAHAYAG , ANG TUNGO AY SA LALONG PAGDADALISAY NITO SA APOY . 4. ) ANG SIYANG IKA-APAT NA 6 : ANG BAUTISMO SA APOY NA ANG TANGING MAKAKASUMPONG NITO AY ANG SIYANG TUNAY NA MANANAMBA NG AMA SA ESPIRITU AT SA KATOTOHANAN ; ANG MGA KALAGAYANG WALANG HUMPAY NA NAGLILINANG NG BUHAY NA SALITA NG DIOS , AT ANG PATULOY NA NAGIIPON NG KAALAMAN NG ESPIRITUN SANTO SA KANILANG ISIPAN . SILA , ANG NABAUTISMUHAN SA ESPIRITU AT SA TUBIG , AT SA ESPIRITU AT SA APOY , AY HINDI KABILANG SA MGA TAO NA ANG KANILANG BILANG AY 666 .

ANG ATING TINALAKAY SA ITAAS AY ANG ISANG SITA TUNGKOL SA BILANG NG HAYOP ( BILANG NG ISANG TAO ) O ITO AY ANG BILANG NA 666 . ITO AY ANG KAGANAPAN KAPAG ANG TAO AY MAYROONG KAKULANGAN SA BAUTISMO O ARAL AYON SA ESPIRITU . AYON SA ESPIRITU NG BANAL NA KASULATAN , KJV. , ANG TATLONG ( 666 ) AY SUMISIMBULO SA LAMANG SA TATLONG ( 3 ) BAUTISMO ; BAUTISMO SA ESPIRITU , BAUTISMO SA TUBIG AT BAUTISMO MULI SA ESPIRITU NA MAYROONG KANI-KANIYANG IBIG SABIHIN AYON SA ATING TINALAKAY SA ITAAS . PARA MAABOT ANG BUONG KAALAMANG ESPIRITU NG DIOS , KAILANGAN AY APAT NA ( 6666 ) O APAT NA BAUTISMO , ANG IKA-APAT AY ANG BAUTISMO SA APOY . BAKIT ANG 666 AY BILANG NG HAYOP ?? , SA MATA NG DIOS , KAPAG HINDI NAABOT NG TAO ANG TUNAY NA KAALAMANG ESPIRITU NG DIOS , SIYA AY KINIKILALANG BILANG ISANG HAYOP . PAANO ?? , KAPAG NAMATAY ANG TAO AY GAYA RIN NG ISANG HAYOP NA ANG PARUSA NG DIOS SA TAO AY ANG " PAGKA-WALA " O WALA NG " IDENTITY " NA PARANG ISANG BULA NA KAPAG SUMABOG AY WALA NG PAG-HAHANAPAN .

SURIIN AT PAG-ARALANG MABUTI ANG MGA ESPIRITUNG PAHAYAG SA ITAAS , KAILANGANG ANG ESPIRITUNG ARAL AT TURO NG TAO AY KUMPLETO NG APAT ( 4 ) NA BAUTISMO , KAPAG KULANG , PARA LAMANG ISANG HAYOP NA MAWAWALA KAPAG NAMATAY . AYON SA CIENCIA NG TAO , ANG TAO AY BAHAGI NG " ANIMAL KINGDOM " , KAYA ' T SINASABI NG DIOS SA BANAL NA AKLAT , KAILANGANG PAHIGITAN NG TAO ANG KANIYANG KAALAMANG ESPIRITU NG HIGIT SA ISANG HAYOP . ANG LAHAT NG HAYOP AY WALANG KAKAYAHANG MAKILALA ANG DIOS NA LUMIKHA SA KANIYA .

MARAMING SALAMAT PO , ESPIRITU SANTO .....

Ika-338 PakikipagTIPAN ng ESPIRITU SANTO sa pamamagitan ng Makabagong Teknolohiya, Ang ZOOM, Ika-30 AGOSTO 2026, simula ...
03/09/2026

Ika-338 PakikipagTIPAN ng ESPIRITU SANTO sa pamamagitan ng Makabagong Teknolohiya, Ang ZOOM, Ika-30 AGOSTO 2026, simula Ika-3:00 ng Hapon hanggang Ika-6:00 ng Gabi

MGA DUMALO:
MGA KAISANG TOTOO
Jesse O Laurena, Rebecca Naga, Myrna Salisi Gonzales, Rhodora Micosa Rimando, Mel Mabesa, Mely Lirio Perez, Ed Samson

ANG TALAKAY:
1.) PAALAALA # 70 - ANG PAGPAPAKILALA SA PITONG (7) PANDAMDAM NA SUMASA KALAGAYANG NILIKHANG TAO NG PANGINOONG DIOS

Ito nga ang siyang kinakailangan sa pag-aaral ng Kaalamang Espiritu ng Dios sa Paaralan ng Samahang Diwang Banal, ANG PITONG (7) PANDAMDAM na nagmula sa Limang (5) Pandamdam ng Tao na sumasa Kalagayan na simula pa ng Nilikha at Nilalang ng Panginoon sa sinapupunan ng ina sa laman.

Ayon sa Espiritu ng Salita ng pangungusap ng Panginoon sa APOC. 17:9-10, Ang Pitong Ulo na ito nga ay ang Pitong Bundok na siyang kinaroroonan ng Babae (Maliit na Buhay) na siyang naghahari sa Kalagayan ay ang siyang noo'y nalilihim na Pitong (7) Pandamdam sapagka't wala pang kamuangan ang Kalagayang Tao sa siyang Wasto gamit ng Limang Pandamdam; Sapagka't ang nasabing Limang Pandamdam ay kinakailangang Umangat ng Antas ng gamit sa sandaling nagsusuri at nag-aaral ng Salita ng Dios na nasusulat sa Banal na Kasulatan KJV upang madama ang siyang nasusulat din naman na pagkabuwal ng Lima (Limang Pandamdam), na ang isa'y narito (Pangunawa), at ang isa ay hindi pa dumarating (Pangdamdam). Ito ang siyang naging proseso sa pagangat ng antas ng Limang Pandamdam, na ang Matang Pangkita ng titik o letra ng Salita ng Dios ay maging Matang Pangtingin upang makakita ng Espiritu ng Salita, at nang sa gayo'y Maunawaan ang Espiritu ng Salita ng Panginoon at Madama ang siyang Mensahe o Damdamin ng Panginoon na nais ipadama sa Kaniyang Mabuting makakasama sa Kaniyang Kaharian sa Ikatlong Langit. At, sa sandaling ito ay hindi nga nagkaroon ng kaganapan sa kalagayan, ay matutulad sa isang hayop na napahamak at natungo sa walang hanggang kaparusahan at pagkawala, na siyang nasusulat din naman sa APOC. 11:12, ang humigit sa siyang nararapat, ang ayon sa Diwang Laman na siyang ika walo na ang dapat na mahagip ay ang Damdamin nang ayon sa Tunog ng Diwa ng Salita na siyang Ika Pito at siyang Tagumpay ng Kalagayang Tao kung siyang mahahagip; Subali't hindi nga ang gayaon kaya ang tungo ay sa kapahamakan at pagkawala na tila usok ng paghihirap na magpailanglang magpakailan man. Ang Sampung Sungay na siyang Sampung Hari na marapat na maghari sa kalagayan ay hindi naganap, Sapagka't ang kabuuang Espiritung Aral at Espiritung Turo ng nasusulat sa "Mga Butil na Ginto sa Banal na Kasulatan" ang 1,045 na mga Piling Sita ay hindi napagtagumpayan. Hindi naunawaan ang bawa't Espiritu ng Sampung Hari, datapuwa't nagsitanggap ng naaayon sa kanilang gawa (sariling haka at sariling kuro), ang paghahari ng tulad sa hayop na may hangganan at kasukdulan, hindi tulad ng paghaharing walang hanggan dahil taglay ng Isipan ang isang Kaalamang Espiritu ng Dios na Walang bahid ni kaunting materia, walang kapintasan kaya di kayang pulaan nino man, malinis, dalisay, walang samang laman, ang lahat ng gawa at salita ay ayon sa Batas ng Pamantayan ng Dios, hindi karumaldumal at hindi nakakahiya sa mata ng Amang Banal sa Ikatlong Langit.

Mga Patotoong Sita:
Gen. 2:2-3, Ang nalihim na pagkakasulat ng Tatlong Ulit na IKAPITONG ARAW na siyang TAGUMPAY NG DIOS sa PAGKABUO NG PITONG (7) PANDAMDAM sa sandaling umangat ng gamit ang Limang (5) Pandamdam sa pag-aaral at pagsusuri ng Salita ng Dios na nasusulat sa Banal na Kasulatan KJV. Ang Unang Ikapitong Araw - Ang pagkabuo ng Limang (5) Pandamdam sa isang sanggol sa sinapupunan ng ina sa laman sa loob ng 28 Linggo o 7 Buwan. Ang Ikalawang Ikapitong Araw, ang sandaling dumating na ang kalagayan sa Ika Pitong Tao kung kailan ang Kalagayan ay may kakayahan ng tumanggap ng Utos at Paalaala o ito nga ang sanadaling maghahayag ng isang Matuwid na Kapangyarihan ng Kapasiyahan upang magsuri at mag-aral ng Salita ng Dios na nasusulat sa Banal na Kasulatn KJV. At, ang Ikatlong Ikapitong Araw, ay ang siyang sandaling napagtagumpayan ng Kalagayan na Maunawaan ng Lubos ang Salita ng Dios nang Ayon sa Espiritu ng Salita kaya Nakita at Nakilala ang Espiritung Dios sa Kaniyang Espiritung Kinaroroonan, at nadama ang Tunay na Kapahingahan sa Piling ng Amang Banal sa Ikatlong Langit.

2.) PAALAALA #71 - ANG LIMANG (5) PANDAMDAM NA SUMASA KALAGAYANG TAO NA KINAKAILANGANG MAIANGAT NG ANTAS NG GAMIT SA PAGSUSURI AT PAGAARAL NG SALITA NG DIOS

Ang napakalahalagang Limang (5) Pandamdam na gamit ng Kalagayang Tao sa kaniyang pagkabuhay sa mundong lupa, lalo't higit sa pagkakaroon ng Buhay na Walang Hanggan.

Ang Limang (5) Pandamdam na nakaligid sa Isipan ng Tao, at itong Isipan ng Tao ay ang siyang luklukan naman ng Isip ng Panginoon. Kaya sa sandaling Ipanganak ng Ama ang SALITA sa pamamagitan ng BULONG sa Isipan ng Tao, madadama ang siyang Damdamin ng Panginoong Dios, at ito naman ay mahahayag sa SALITA at GAWA niyaong Kalagayang nakadinig ng Bulong (Diwa ng Pagiisip sa Isipan ng Tao). At ang kaganapang ito din naman ang siyang nawika ng Kristo ng Panginoon kung kaya ang kaniyang gawa ay hindi sa kaniya, kundi sa manag Banal na sa kKaniya ay nagsugo.

Ang ISIPAN ng TAO ay makikita sa kalooban ng ulo ng tao sa pamamagitan ng Pineal Gland na siyang Landmark o Palatandaan. At ang siyang Kinaroroonan ng Espiritung Isipan ng Tao ay nasa likod ng Ilong, sa Pagitan ng Dalawang tainga, at sa pagitan ng Mata at Bibig.

At, ang pag-aangat nga ng antas ng gamit nito ay ang sandaling ang nakitang Titik o Letra sa Salita ng Dios ay yaong ESPIRITU NG SALITA sa pamamagitan ng Matang Pangtingin, kaya tataglayin ng Isipan ang siyang Pangunawa sa Espiritu ng Salita at sa kalaunan ay Madama ang siyang Damdaming nakalakip dahil sa pakikiisa ng Damdamin ng Panginoon. ito na nga ang siyang pagangat ng antas ng gamit ng Limang (5) Pandamdam, ang sandaling nagkaroon ng Pang-Unawa sa Espiritu ng Salita at Pang-Damdam sa Naunawaang Espiritu ng Salita.

Mga Patotoong Sita:
APOC. 1:12, Gamit ang Pitong Kandelerong Ginto (Pitong Pandamdam sa paghagip ng mga Butil na Ginto (Espiritu ng Salita)sa Banal na Kasulatan KJV, upang Makita at Makilala ang Tinig ng Amang Banal.
APOC. 1:20, Ang Pitong Kandelero ay ang Pitong Pandamdam kung saan dumadaloy ang lahat ng Mensahe ng Panginoon patungo sa Kalagayang Tao.
APOC. 2:1, Ang Patotoo na sa GITNA NG PITONG KANDELERO, naroroon ang Panginoong Dios na siyang nakakaalam ng siyang GAWA ng Kalagayang Tao, kaya't hindi maaring maglihim ni magtago; Nalalaman nga ang siyang Kaalamang tatangkilikin at mananahan sa Isipan na siyang magiging gabay sa pagkabuhay sa mundong lupa.

MARAMING SALAMAT PO, ESPIRITU SANTO.

Address

171 J. V. Pagaspas Street Barangay 4 . ( Province Of Batangas )
Tanauan
4232

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Diwang Banal, INC. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share