07/06/2026
Sunday Celebration l June 7, 2026
Title : Rooted in Christ
Text : Colossians 2:6–7
Speaker : Ptr. Fernan Vitug
Key Takeaways:
1. Ang tunay na spiritual growth ay nagsisimula sa personal na relasyon kay Cristo.
◦ Hindi sapat ang pagiging religious; kailangang nakaugat tayo kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.
2. Ang bawat Kristiyano ay tinatawag na patuloy na lumago. Kailang palalimin ang ugat.
◦ Walang graduate sa spiritual growth. Habang nakikilala natin si Cristo, mas lumalalim ang ating pananampalataya.
3. Ang buhay na nakaugat kay Cristo ay namumunga.
◦ Makikita ito sa ating character, good works, at pagsunod sa kalooban ng Diyos.
4. Mas malalim ang ugat, mas matatag na pananampalataya.
◦ Kapag dumating ang pagsubok, ang taong nakaugat kay Cristo ay hindi madaling matinag.
5. Lumalalim ang ugat sa pamamagitan ng spiritual disciplines na nagpapalakas bg ating spiritual roots.
◦ Babad sa Salita ng Diyos
◦ Prayer and Fellowship with God
◦ Obedience (sundin ang sinasabing mensahe ng Panginoon)
◦ Fellowship and ministry involvement
6. A grateful heart is a sign of a rooted believer.
◦ Kapag nakikita natin ang kabutihan at katapatan ng Diyos, natural na nag-o-overflow tayo sa pasasalamat.
The deeper our roots in Christ, the stronger our faith, the greater our growth, and the more fruitful our life will be for God's glory.