Queen of All Saints Parish

Queen of All Saints Parish Founded on May 10, 1955, QASP is located at
Balele, Tanauan City Batangas. It consists of 5 barangays
Brgy. Boot
Brgy. Natatas
Brgy. Wawa
Brgy. Maria Paz
Brgy.

Balele

Miyerkules, Mayo 27, 2026Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo📖UNANG PAGBASA1 Pedro 1, 18-25Pagbasa mula sa un...
26/05/2026

Miyerkules, Mayo 27, 2026
Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo

📖UNANG PAGBASA
1 Pedro 1, 18-25

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, alam ninyo kung ano ang itinubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang itinubos sa inyo’y di mga bagay na nasisira o nauubos, paris ng ginto o pilak, kundi ang buhay ni Kristong inihain sa krus. Siya ang Korderong walang batik at kapintasan. Itinalaga na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo, ipinahayag siya bago sumapit ang katapusan ng mga panahon. Dahil sa kanya, nanalig kayo sa Diyos na sa kanya’y muling bumuhay at nagparangal, anupat ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.

Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, anupat naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa’y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng tao kundi sa bisa ng buhay at walang kamatayang salita ng Diyos. Ayon sa Kasulatan,

“Ang lahat ng tao ay gaya ng damo,
Gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan.
Ang damo ay natutuyo, at nalalanta ang bulaklak,
Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi kailanman.”
At ito ang Mabuting Balitang ipinangaral sa inyo.

Ang Salita ng Diyos.

📖SALMONG TUGUNAN
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,
purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,
bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Kay Jacob n’ya ibinibigay ang balita at pabilin,
ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

ALELUYA
Marcos 10, 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain
Lingkod, manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

📖MABUTING BALITA
Marcos 10, 32-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nasa daan ang mga alagad patungong Jerusalem. Nauuna sa kanila si Hesus; nangangamba ang mga alagad at natatakot naman ang mga taong sumusunod sa kanya. Ibinukod ni Hesus ang Labindalawa at sinabi ang mangyayari sa kanya. Wika niya, “Ngayo’y paahon tayo sa Jerusalem. Ang Anak ng Tao’y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba. Kanilang hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siya’y tutuyain nila, luluran, hahagupitin, at papatayin. Ngunit muli siyang mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.”

Lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedro, at ang sabi, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.” “Ano yon?” tanong ni Hesus. Sumagot sila, “Sana’y makaupo kami katabi ninyo sa inyong kaharian – isa sa kanan at isa sa kaliwa.” “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Hesus sa kanila. “Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko? Pabibinyag ba kayo sa sa binyag na daranasin ko?” “Opo,” tugon nila. Sinabi ni Hesus, “Ang hirap na babatahin ko’y babatahin nga ninyo, at kayo’y bibinyagan sa binyag na daranasin ko. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan.”

Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya’t pinalapit sila ni Hesus at sinabi, “Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ay siyang pinapanginoon, at ang mga dinadakila ay siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo ang ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

cc : awitatpapuri. com

26/05/2026

Sa bawat LOVE OFFERING 💌nyo
Ngiti ng puso at dalangin sa MAHAL NA INANG MARIA
Ang aming balik-handog sa inyo❤️

MULI PO ang aming WALANG HANGGANG PASASALAMAT po sa ating mga minamahal na DONOR/BENEFACTORS para sa ating June FIESTA2026.
Marami pong SALAMAT sa inyong patuloy na pagbabahagi ng inyong BIYAYA NG PAG-IBIG ng DIYOS, tunay ngang kayo ang BUHAY na mga SAKSI ng PAG-IBIG ni HESUS.
Kasama po kayo sa bawat panalangin ng ating SIMABAHAN!

✨✨🙏Love Offering for Fiesta2026 DONORS✨✨✨
PRECILA S. OFRIN
JOCELYN MONCAYO
JOJO & EMMY BALCUEVA
VICKY MANIMTIM
FELY ARQUILLA
JANET CALPO
PRE-CANA TEAM
CRISTINA PITOGO
JULIET RAMOS
LILIA MACAHIA
BENILDA & JOY CAPEROSO
FLOREDA PAMPLONA
SERGIA PEREZ
AURING MERCADO
ROSIE & EMILIANO MACAHIA
LORENA & PAULO MACAHIA & FAMILY
MATIRA FAMILY
MAYETTE & EDMON GUZMAN & FAMILY
WINNIE TENORIO & FAMILY
EMIE SAMPANA & FAMILY
MR&MRS. BOY & LIZA ALCANTARA
AND FAMILY
JOEL & PEACHY PRENDA
ARLYNA TENORIO CARINGAL & FAMILY
KON. JERRY RAMIREZ & FAMILY
LUTHER & REMY TESORO & FAMILY
JERRY & EMMA TENORIO & FAMILY
CANDIDA T. PADILLA & FAMILY
TEMMA & ROMY QUIMIO & FAMILY
FLORINDA & ARNEDO MANALO & FAMILY
LETTY MANGUBAT & FAMILY
BENNY & CRESENCIA CASTILLO & FAMILY
MR&MRS. SIXTO & PRISING PLETE & FAMILY
BRO.BHOYET & SIS. MARY CANOSA & FAMILY
MR&MRS.AUGUSTO&NENE BEJO & FAMILY
MR&MRS. PETER PLATON & FAMILY
ROSS ANNE & BEN APOSTOL
ONIE SIMAN & FAMILY
ENAN & MILDRED SOFERA & FAMILY
CECILIO & ACHET CASTILLO
ARIES & LENIE CASTILLO
RUPING & AGNES SUMAGUE & FAMILY
PAGASPAS-GUMAPAC- TULLAS FAMILY
LUCY MARASIGAN & FAMILY
LINDA LAPIDANTE & FAMILY
TERESO & JOSIE LLANTO & FAMILY
CAPARAS & SUMAGUE FAMILY
EDDIE & BABY BARRION
DESMOND & JESSA MARASIGAN
LOUIE BURGOS & FAMILY
LINA SANCHEZ
EROY BURGOS
JENNIPHER S. PACHECO
AUREA MARASIGAN
MAGDARASAL ng MARIA PAZ
CELY TENORIO & FAMILY
Mr&Mrs. FREDDIE TENORIO & FAMILY
Mr&Mrs. ARIES MALLARI
ANGEL E. BATACAN
Mr.&Mrs. FORTUNATO & LILIAN MAGPANTAY & FAMILY
LAY SERVANTS OF JESUS & MARY
CATHOLIC CHARISMATIC COMMUNITY QASP GRP.
NANCY DE GUZMAN & FAMILY
FLOR ARABES & FAMILY
J.A.K DV PEST
ATTY. JUN PRECILLA & KEAN PRECILLA
DELA RAMA FAMILY
NORA PRECILLA
HERMAN & PURING SALISI & FAMILY
JOMARIE & DARWIN COLLADO
REYES & GONZALES FAMILY
NORMA SUMAGUE & FAMILY
NATIE & PEPING PAMPLONA
HARRY & TESSI PADILLA & FAMILY
ROSE SUAREZ
ROY LANDICHO & SIONY

❣️Ang inyong mga PAMISA po ay isasama sa ating pagdiriwang ng Banal na Misa mula sa Triduum (Hunyo 3-5) hanggang sa kapistahan ng ating baranggay sa Hunyo 6, 2026/Sabado.

❣️Love Offering Envelopes are still available for those who wants to offer prayer/Mass intention for June Fiesta.

🙏Pagpalain po kayo ng Panginoon sa tuwina!


Martes, Mayo 26, 2026Paggunita kay San Felipe Neri, pari📖UNANG PAGBASA1 Pedro 1, 10-16Pagbasa mula sa unang sulat ni Apo...
25/05/2026

Martes, Mayo 26, 2026
Paggunita kay San Felipe Neri, pari

📖UNANG PAGBASA
1 Pedro 1, 10-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, tungkol sa kaligtasang ito, masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang humula sa kaloob na itong nakalaan sa inyo. Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Kristo na sumasakanila nang paunang ipahayag sa kanila ang hirap na titiisin ni Kristo at ang parangal na tatamuhin niya. Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila’y sa kapakinabangan ninyo – at hindi sa kanila. Ang mga katotohanang ito’y narinig ninyo ngayon sa mga tagapangaral ng Mabuting Balita ng Diyos. Nagsalita sila sa inyo sa kapangyarihan ng Espiritu Santong sinugo sa kanila buhat sa langit. Ang mga katotohanang ito’y pinanabikang maunawaan ng mga anghel sa langit.

Kaya nga ihanda ninyo ang inyong mga isipan. Magpakatatag kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Hesukristo. Bilang mga anak, sundin ninyo ang Diyos at huwag ang masasamang hilig tulad ng ginagawa ninyo noong kayo’y wala pang tunay na pagkaunawa. Yamang ang Diyos na humirang sa inyo ay banal, dapat kayong magpakabanal anuman ang inyong ginagawa, ayon sa nasusulat: “Magpakabanal kayo, sapagkat ako’y banal.”

Ang Salita ng Diyos.

📖SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa P**n ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
Ang P**n ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Ang D’yos na rin ang naghayag
ng handog n’yang pagliligtas.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

📖MABUTING BALITA
Marcos 10, 28-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsalita si Pedro kay Hesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” Sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

cc : awitatpapuri. com

God is Good all the Time!Isang pagpapala po MULI sa ating parokya, Parokya ng Reyna ng Lahat ng Mga Banal na mapagbigyan...
25/05/2026

God is Good all the Time!
Isang pagpapala po MULI sa ating parokya, Parokya ng Reyna ng Lahat ng Mga Banal na mapagbigyan sa IKALAWANG PAGKAKATAON na makatanggap ng biyaya ng KAGALINGAN sa tulong ng ating minamahal nating Healing priest na REB.PAD. WILLIAM BUSTAMANTE

Sapagkat Marami po ang mga nagnanais na magkaroon MULI ng healing mass, magkakaroon po tayo MULI sa May 27 | Miyerkules. Sisimulan po ito ng Banal na Misa sa ganap na ika-9 ng unaga.

Ang Healing Mass po na ito ay Isang regalong handog ng ating kura paroko, Reb. Pad Richard Hernandez, para sa mga may dinadalang karmdaman, pisikal man o espiritwal lalot higit sa ating ESP, PWD, WIGO, L3s at VIPs. Sapagkat naniniwala po Tayo na tanging Kay Hesus, ang tunay na Manggagamot, at sa panalangin ang tunay na Kagalingan. Kaya't ang pananampalatayang lubos at totoo lamang ang nakakagaling.

Nagpapasalamat tayo sa bumubuo po ng team ni Fr William sa kanilang pagpapaunlak sa gawaing ito. Marami pong salamat!
🙏Pagpalain po kayo ng ating Panginoon.


Lunes, Mayo 25, 2026Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan📖UNANG PAGBASAGenesis 3, 9-15. 20Pagbasa mula ...
24/05/2026

Lunes, Mayo 25, 2026
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan

📖UNANG PAGBASA
Genesis 3, 9-15. 20

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Pagkakain ni Adan sa bunga ng puno, tinawag siya ng Panginoon at tinanong,
“Saan ka naroon?”
“Natakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat ako’y hubad,” tugon ng lalaki.
“Sinong may sabi sa iyong hubad ka?” tanong ng Diyos. “Bakit kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”
“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.
“Bakit mo naman ginawa iyon?” tanong ng Diyos sa babae.
“Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” tugon naman niya.
At sinabi ng Panginoon sa ahas:
“Sa iyong ginawa’y may parusang dapat,
na tanging ikaw lang yaong magdaranas;
ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad,
at alikabok ang pagkaing dapat.
Kayo ng babae’y laging mag-aaway, binhi mo’t binhi niya’y laging maglalaban.
Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.”
Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan.

Ang Salita ng Diyos.

📖SALMONG TUGUNAN
Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Sa Bundok ng Sion,
itinayo ng Diyos ang banal na lungsod,
ang lungsod na ito’y higit niyang mahal
sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Kaya’t iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay,
O lungsod ng Diyos.
At tungkol sa Sion, yaong sasabihin’y,
“Ang lahat ng bansa ay masasakupan,
siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Ang P**n ay gagawa,
ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan,
ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

ALELUYA

Aleluya, Aleluya!
Birheng Mariang mapalad,
dapat magpuri ang lahat
sa iyo at sa ‘yong Anak.
Aleluya, Aleluya!

📖MABUTING BALITA
Juan 19, 25-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila raw ang araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

cc : awitatpapuri. com

The Holy Spirit is the soul of the Church!
24/05/2026

The Holy Spirit is the soul of the Church!

PENTECOST SUNDAYBday of the ChurchThey were filled with the Holy Spirit.“Seeing What Others Don't" by Gary Klein delves into the process of insight and how i...

🙏John 15:16 : "You did not choose me, but I chose you and appointed you so that you might go and bear fruit—fruit that w...
23/05/2026

🙏John 15:16 : "You did not choose me, but I chose you and appointed you so that you might go and bear fruit—fruit that will last—and so that whatever you ask in my name the Father will give you."
𝐁𝐀𝐍𝐍𝐒 𝐅𝐎𝐑 𝐓𝐇𝐄 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐓𝐎 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐀𝐂𝐑𝐄𝐃 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐎𝐅 𝐏𝐑𝐈𝐄𝐒𝐓𝐇𝐎𝐎𝐃
With great joy, we announce to the faithful that Reverend ADRIAN ALLAN GELERA CARAOS of the 0Parish of the Immaculate Conception, Bauan, Batangas, is scheduled to be ordained for the 𝗦𝗮𝗰𝗿𝗲𝗱 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗼𝗳 𝗣𝗿𝗶𝗲𝘀𝘁𝗵𝗼𝗼𝗱 on June 04, 2026 | Thursday at 9:00 AM at the same parish.
Reverend ADRIAN ALLAN GELERA CARAOS is 46 years old, born on August 21, 1979, in Bauan, Batangas. His parents are +Carmelo Caraos and Marina Gelera Caraos, and currently resides in Bauan, Batangas. He was ordained to the diaconate on February 24, 2025.
As part of the canonical process of ordination, we ask the community that if anyone is aware of any 𝗶𝗺𝗽𝗲𝗱𝗶𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗼𝗿 𝗰𝗶𝗿𝗰𝘂𝗺𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲𝘀 that would prevent him from being ordained to the priesthood, kindly inform our Parish Priest, Rev. Fr. Richard A. Hernandez, or our Parish Office at 📞0967 478 1188.
Let us pray for 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗿𝗲𝗻𝗱 ADRIAN ALLAN GELERA CARAOS as he prepares to fully offer himself to the service of God and His Church. May God guide him.


23/05/2026

LIVE | May 24, 2026 | 7:00 AM

Linggo ng Pentekostes (A)

Come and join us in our HOLY MASS for the end of the pandemic, peace on earth, conversion of sinners and reparation for the sins of the world.
or your Mass Intentions and Prayer Requests, you can Private Message us in our FB account.
Stay in touch for our Online Masses by giving a Like & Follow, on our FB page.
Thank you and God bless!
👉Let us be good Evangelizers via Social Communication (ESC).

Linggo, Mayo 24, 2026Linggo ng Pentekostes📖UNANG PAGBASAMga Gawa 2, 1-11Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga ApostolNang suma...
23/05/2026

Linggo, Mayo 24, 2026
Linggo ng Pentekostes

📖UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2, 1-11

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang wari’y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

May mga Judiong buhat sa iba’t-ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba Galileo silang lahat? Bakit ang atin-ating katutubong wika ang naririnig natin sa kanila? Tayo’y mga taga-Partia, mga taga-Media, mga taga-Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocia sa Ponto, at sa Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng Libia na sakop ng Cirene, at mga nakikipanirahan mula sa Roma, maging mga Judio at mga naakit sa Judaismo. May mga taga-Creta at Arabia pa rito. Paano sila nakapagsasalita sa ating-ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

📖SALMONG TUGUNAN
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34

Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin.

o kaya: Aleluya!

Pinupuri ka P**ng Diyos nitong aking kaluluwa,
O Panginoong Diyos, kay dakila mong talaga!
Sa daigdig ikaw roon, kay rami ng iyong likha.
Sa daming nilikha mo’y nalaganapan ang lupa.

Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin.

Natatakot mangamata’y kung kitlin mo ang hininga;
Mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin.

Sana ang ‘yong karangala’y manatili kailanman,
sa lahat ng iyong likha ang madama’y kagalakan.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,
habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal.

Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin.

📖IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 12, 3b-7. 12-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Hindi masasabi ninuman, “Panginoon si Hesus,” kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo.

Iba’t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba’t iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon. Ang bawat isa’y binigyan ng kaloob na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat.

Sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Halina, Espiritu,
sa sinag buhat sa ‘yo
kami’y liwanagan mo.

Ama ng maralita,
dulot mo’y pagpapala
upang kami’y magkusa.

Kaibiga’t patnubay,
sa amin mananahan
ang tamis ng ‘yong buhay.

Ginhawang ninanais,
lilim namin sa init,
kapiling bawat saglit.

Lubhang banal na ilaw,
kami’y iyong silayan
ngayon at araw-araw.

Kapag di ka nanahan
ay walang kaganapan
ang buhay nami’t dangal.

Marumi’y palinisin,
lanta’y panariwain,
sakit nami’y gamutin.

Kami’y gawing matapat,
sa pag-ibig mag-alab,
lagi sa tamang landas.

Tugunin aming luhog,
kami’y bigyang malugod
ng ‘yong pitong kaloob.

Gantimpala’y ibigay,
sa hantungan ng buhay
ligayang walang hanggan.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Espiritung aming Tanglaw,
kami’y iyong liwanagan
sa ningas ng pagmamahal.
Aleluya! Aleluya!

📖MABUTING BALITA
Juan 20, 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

cc : awitatpapuri. com

"But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, forbearance, kindness, goodness, faithfulness, gentleness and self-con...
23/05/2026

"But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, forbearance, kindness, goodness, faithfulness, gentleness and self-control. Against such things there is no law" --Galatians 5:22-23

MAY 24 | PENTECOST SUNDAY
✨❣️ Join us as we celebrate PENTECOST SUNDAY on May 24 |
Sunday.

Together let's witness and celebrate how God has love us, let's praise and thank HIM for the gift of the HOLY SPIRIT.

Come and join us!
Let's praise and thank God for His Love and ask for forgiveness for our weaknesses.
✨For your Mass Intentions and Prayer Request you may send us a message at our FB page.
🙏Mama Mary, Queen of All Saints, pray for us!



“Life is a gift from God, the Author of Life.Continue to be His gift to QASP and to the world.”
23/05/2026

“Life is a gift from God, the Author of Life.
Continue to be His gift to QASP and to the world.”

Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube.

Address

Balele
Tanauan
4232

Opening Hours

Wednesday 8:30am - 12pm
1:30pm - 4pm
Thursday 8:30am - 12pm
1:30pm - 4pm
Friday 8:30am - 12pm
1:30pm - 4pm
Saturday 8:30am - 12pm
1:30pm - 4pm
Sunday 9am - 12pm
1:30pm - 4pm

Website

https://youtube.com/@fr.richarda.hernandez1960, https://tinyurl.com/QA

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Queen of All Saints Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Queen of All Saints Parish:

Share