RLC Aya

RLC Aya Its All About Christ

29/10/2025
Pastors Day
24/10/2025

Pastors Day

27/09/2025
06/08/2023

Ang Sampung Utos Ng Panginoong Diyos

Exodo 20:1-17

Exodo 20:1 “At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi, Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin,

na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan;

sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.

Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.

Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios:

sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae,

ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan:

Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw;

na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.

Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

Huwag kang papatay. Huwag kang mangangalunya. Huwag kang magnanakaw. Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.

Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa,

ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang a**o, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.”

I. Ang utos ng Panginoong Diyos ay kinakailangan nating sundin.

II. Ang Sampung Utos Ng Panginoong Diyos:

1. Huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos maliban sa Akin. V3

Exodo 20:3 “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.”

2. Huwag kang magkakaroon ng larawang inanyuan o rebulto. Vv4-5

Exodo 20:4 “Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila;

sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”

Exodo 27:15 “Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim.

At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa.”

3. Huwag babanggitin ang Pangalan ng Panginoong Diyos sa walang kabuluhan. V7

Exodo 20:7 “Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan;

sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.”

4. Ipangilin ang Araw ng Sabbath (Linggo). Vv8-11

Exodo 20:8 “Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.

Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.

Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios:

sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae,

ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan:

Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw;

na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.”

5. Igalang mo ang iyong ama at ina. V12

Exodo 20:12 “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.”

6. Huwag kang papatay. V13

Exodo 20:13 “Huwag kang papatay.”

7. Huwag kang mangangalunya o makikiapid. V14

Exodo 20:14 “Huwag kang mangangalunya.”

8. Huwag kang magnanakaw. V15

Exodo 20:15 “Huwag kang magnanakaw.”

9. Huwag kang magbibintang. V16

Exodo 20:16 “Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.”

10. Huwag mong iimbutin o pagnanasahan ang pag-aari ng iyong Kapuwa. V17

Exodo 20:17 “Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa,

ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang a**o, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.”

24/04/2022

Paghahanda Part I
Mateo 24:1-30

Mateo 24:1 “At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak. At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan? At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan. Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas. Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea: Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay: At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal. Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon! At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man: Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon. Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo. Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak. Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”
‭‭Mateo‬ ‭24:1-30‬ ‭TLAB‬‬‬‬‬‬‬‬‬‬‬‬‬‬

I. Kailangang tayo ay laging nakahanda.

II. Bakit kailangan tayong maghanda? Nasa sanlibutan na ang mga tanda ng pagbabalik ng Panginoong Jesus at ng wakas ng sanlibutan:

1. Meron nang nagpapanggap na siya ang Cristo.
2. Merong digmaang nagaganap.
3. Meron ding alingawngaw ng digmaan.
4. Nagaganap sa iba’t ibang dako ang lindol.
5. Iba’t ibang calamidad ang nagaganap.
6. Nagaganap na ang “genocide” maramihang pagpatay.
7. Maraming bulaang propeta ang lumilitaw.
8. Nagaganap na rin ang sinabi ng Panginoong Jesus sa vv 17-18

Mateo 24:17 “Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay: At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.”
‭‭Mateo‬ ‭24:17-18‬ ‭TLAB‬‬ “stay home”‬‬‬‬‬‬‬‬

III. Konklusyon: Magpatuloy tayo sa ating pananampalataya, hindi tayo pababayaan ng ating Diyos.

06/02/2022

NASA PUSO ANG BUHAY

Kawikaan 4:20-27

v20Anak ko, makinig ka sa aking mga salita;
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.

v21Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata;
Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.

v22Sapagka't buhay sa nangakakasumpong,
At kagalingan sa buo nilang katawan.

v23Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap;
Sapagka't dinadaluyan ng buhay,

v24Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig,
At ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.

v25Tuminging matuwid ang iyong mga mata,
At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.

v26Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa,
At mangatatag ang lahat ng iyong lakad.

v27Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man:
Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.

INTRO: Buwan ng mga Puso

II. ANONG DAPAT NATING ISAPUSO UPANG MAGING MAAYOS ANG ATING BUHAY.

1. Laging makinig sa Salita ng Diyos. v. 20

v20Anak ko, makinig ka sa aking mga salita;

2. Buksan ang pandinig sa Salita ng Diyos. v. 20b

v. 20b Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.

3. Isapuso ang Salita ng Diyos. v.21

v21Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata;
Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.

4. Ang nagsasapuso ng Salita ng Diyos ay nakasusumpong ng buhay at kagalingan ng buong katawan. v22-23

v22Sapagka't buhay sa nangakakasumpong,
At kagalingan sa buo nilang katawan.

v23Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap;
Sapagka't dinadaluyan ng buhay,

5. Ang nagsasapuso ng Salita ng Diyos ay walang masusumpungang kasamaan sa kanya. v24

v24Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig,
At ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.

6. Ang nagsasapuso ng Salita ng Diyos ay namumuhay at nakatingin sa katwiran ng Diyos. v25

v25Tuminging matuwid ang iyong mga mata,
At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.

7. Ang nagsasapuso ng Salita ng Diyos ay may kapanatagan. v.26

v26Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa,
At mangatatag ang lahat ng iyong lakad.

8. Ang nagsasapuso ng Salita ng Diyos ay hindi lumilihis sa kaliwa mo man o sa kanan. v. 27

v27Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man:
Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.

30/01/2022

Magfocus Kay Cristo-Jesus

Mateo 14:22-33

Mateo 14:22 “At pagdaka'y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong,

at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo, hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan.

At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siya'y nagiisa doon.

Datapuwa't ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon; sapagka't pasalungat sa hangin.

At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat.

At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot.

Datapuwa't pagdaka'y nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: huwag kayong mangatakot.

At sumagot sa kaniya si Pedro, at nagsabi, Panginoon, kung ikaw nga, ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig. At sinabi niya, Halika.

At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus.

Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako.

At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan?

At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin. At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.”

I. Si Jesus ang kailangan natin sa bawa't saglit ng ating buhay at Siya ay sapat na.

II. Paano tayo makakafocus sa Panginoong Jesus?

1. Huwag tayong pumunta saan mang lugar na hindi Siya kasama. V 22

Mateo 14:22 “At pagdaka'y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong,

at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo, hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan.”

2. Manalangin tayong kasama ang Panginoong Jesus. V 23

Mateo 14:23 “At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siya'y nagiisa doon.”

3. Kilalanin at hanapin natin ang Panginoong Jesus sa anumang pangyayari sa ating buhay. Vv 24-25

Mateo 14:24 “Datapuwa't ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon;

sapagka't pasalungat sa hangin. At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat.”

4. Tiyakin sa sariling kilala ang Panginoong Jesus. V26

Mateo 14:26 “At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot.”

5. Sa panahong marami tayong agamagam ay huwag matakot lumapit o tumawag sa Panginoong Jesus. Vv 24-27

Mateo 14:24 “Datapuwa't ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon;

sapagka't pasalungat sa hangin. At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat.

At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila,

na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot.

Datapuwa't pagdaka'y nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: huwag kayong mangatakot.”

6. Alalahanin sa tuwinang nakahanda ang Panginoong Jesus na tayo ay tanggapin kahit na nakalimutan at iniwan natin Siya. Vv 26-29

Mateo 14:26 “At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot.

Datapuwa't pagdaka'y nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: huwag kayong mangatakot.

At sumagot sa kaniya si Pedro, at nagsabi, Panginoon, kung ikaw nga, ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig.

At sinabi niya, Halika. At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus.”

7. Ituon ang pansin sa Panginoong Jesus anumang nangyayari sa buhay natin at sa kapaligiran. Vv 29-30

Mateo 14:29 “At sinabi niya, Halika. At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus.

Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako.”

8. Sa lahat ng panahon, maging sa panahong sa palagay natin ay wala na tayong pag-asa ay huwag magatubiling lumapit at humingi ng tulong sa Panginoong Jesus.

Vv30-33
Mateo 14:30 “Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya,

at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako.

At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan?

At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin. At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.”

Marcos 7:7-9 (TLAB)7Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga ut...
25/12/2021

Marcos 7:7-9 (TLAB)

7Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.

8Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao.

9At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi.

Mark 7:7-9 (KJV)

7Howbeit in vain do they worship me, teaching for doctrines the commandments of men.

8For laying aside the commandment of God, ye hold the tradition of men, as the washing of pots and cups: and many other such like things ye do.

9And he said unto them, Full well ye reject the commandment of God, that ye may keep your own tradition.

The history of a powerful Christmas symbol.

Address

National Road
Tanauan
4220

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RLC Aya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share