Nuestra Señora de la Paz Baloc-Baloc Chapel

Nuestra Señora de la Paz Baloc-Baloc Chapel The Baloc-Baloc Chapel affiliated with St. John Evangelist Parish at Tanauan City, Batangas.

Halina’t magsama-sama tayo sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje sa darating na Enero 24,...
20/01/2026

Halina’t magsama-sama tayo sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje sa darating na Enero 24, 2026 8am. Sama-sama nating pasalamatan ang ating Mahal na Ina sa paggabay sa ating mga paglalakbay sa buhay.🙏🏻

30/04/2025

📣 ANUNSYO

Buwan na naman ng Flores de Mayo — panahon ng debosyon, pananampalataya, at pag-aalay.

Magsisimula na po ang ating “Alay sa Kapilya” mula Mayo 1 hanggang Mayo 31. Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa banal na tradisyong ito bilang paggalang at pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria.

Para sa mga nais magpaalay, mangyaring makipag-ugnayan sa ating mga BLC at mga tagapamagitan sa panalangin.

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Panginoon sa ating taimtim na pag-aalay.

Maraming salamat po, at Viva Maria! 🙏🏻

19/04/2025

Magandang gabi po!

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa 𝑷𝒂𝒔𝒌𝒐 𝒏𝒈 𝑴𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 ngayong 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨, 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥 20, 2025 sa ganap na 6:00 𝗔𝗠.

Hinihikayat din po ang lahat na 𝙢𝙖𝙜𝙙𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙙𝙞𝙡𝙖 na ating gagamitin sa misa bilang simbolo ng liwanag at muling pagkabuhay ng ating Panginoon.

Magsama-sama po tayo sa masayang pagdiriwang ng tagumpay ni Kristo!

🙏🏼 Maraming salamat po, at maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay!

Get ready for an egg-citing adventure! 🐣Join us at Nuestra Señora De La Paz Chapel on April 20, 2025, at 7:30 AM for our...
18/04/2025

Get ready for an egg-citing adventure! 🐣

Join us at Nuestra Señora De La Paz Chapel on April 20, 2025, at 7:30 AM for our fun-filled Easter Egg Hunt!

Open to kids ages 12 and below — bring your baskets, bring your smiles, and don’t miss out on the CASH PRIZES waiting to be found!

Let’s make this Easter one to remember — see you there! 🤍



12/04/2025

Magandang umaga po!

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa Linggo ng Palaspas bukas. Huwag pong kalimutang magdala ng palaspas para sa ating misa. Ang pagbabasbas ng mga palaspas ay gaganapin bago magsimula ang misa.

Mangyari lamang po na makarating tayo sa kapilya ng 5:45 AM upang sabay-sabay nating masalubong ang pagpasok ng Mahal na Araw.

Maraming salamat po, at pagpalain tayong lahat! 😇🙏🏻

05/04/2025

PABATID 📣

Magandang umaga po!

Ipinapaabot po namin na bagamat magkakaroon ng power interruption bukas, mula alas-5:00 ng umaga (5:00 AM) hanggang alas-5:00 ng hapon (5:00 PM), ang 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑴𝒊𝒔𝒂 sa ating kapilya ay 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 sa ganap na 𝐚𝐥𝐚𝐬-6:00 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 (6:00 𝐀𝐌).

Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi at dumalo sa ating pagdiriwang. Nawa’y magsilbing inspirasyon at lakas ito para sa bawat isa sa kabila ng aberyang teknikal.

Maraming salamat po, at nawa’y pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal! 😇🙏🏼

05/02/2025

ONLINE PRE-REGISTRATION | SPES 2025: "Spes Non Confundit" Basic Formation and Renewal Program

As members of the community centered on God’s Love and Compassion,the Committee on Altar Servers of Saint John the Evangelist Parish - TanauanCity will be conducting a Recruitment and Formation program for the year2025. This program aims to form an inclusive liturgical environment for theyoung faithful, in which young boys and girls that are interested in serving Godthrough liturgical functions and other religious activities are invited to join thecommittee. As we celebrate this year's jubilee “Pilgrims of Hope”, theRecruitment and Formation will be entitled as SPES 2025: “Spes NonConfundit” which means “Hope does not Disappoint”. This was from (Romans5:5) which states that, “and hope does not put us to shame, because God's lovehas been poured into our hearts through the holy spirit who has been given tous.”

ASPIRANT'S QUALIFICATIONS
- 12 to 21 years old
- Baptized Roman Catholic
- Has received 1st Holy Communion
- Willingness to Serve

To join, kindly sign-up through this Google Form: https://forms.gle/tYGvbDe4WoGWqX3p8
*Printable Application Form is also attached to this document.*

Online Pre-Registration Period: February 5-15, 2025

For inquiries and updates kindly visit our Official page: https://www.facebook.com/SJEAltarServer
or Contact Us through our E-mail Address: [email protected]

Thank you and God bless!
See you soon, Mga Kalakbay!🙏



📣 PAGPAPABATIDInaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa mga gawain bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestr...
19/01/2025

📣 PAGPAPABATID

Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa mga gawain bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje:

📅 Enero 24, 2025 (Biyernes)

⛪ Banal na Misa
⏰ 9:00 AM

🚶 Prusisyon
⏰ 3:00 PM - Pagtitipon
⏰ 4:00 PM - Simula ng Prusisyon

Ang sinuman po na gusto o nais magpamisa ay mangyari lamang po makipag-ugnayan sa mga BLC officers and members.

Halina’t magkaisa sa pananampalataya at debosyon sa Mahal na Ina. Sama-sama tayong magpasalamat, humiling ng patnubay, at ipagdiwang ang ating kapistahan.

MARAMING SALAMAT PO! 🙏🏻

📢 Anunsyo sa Misa 📢Isang mainit na paanyaya para sa lahat! 🙏Magkakaroon po tayo ng Misa sa darating na LINGGO, SETYEMBRE...
07/09/2024

📢 Anunsyo sa Misa 📢

Isang mainit na paanyaya para sa lahat! 🙏

Magkakaroon po tayo ng Misa sa darating na LINGGO, SETYEMBRE 8, 2024, ganap na ika-6 ng umaga (6:00 AM), sa ating chapel. ⛪

Ang Misa ay pangungunahan ni Rev. Fr. Chris De Guzman.

Inaanyayahan po ang bawat isa na makibahagi at sama-sama tayong magpasalamat sa ating Mahal na Panginoon.

MARAMING SALAMAT PO! 🌟

29/04/2024

Magandang buhay po mga kabaranggay.
Simula sa LINGO-MAYO 5, ganap na ika-6 ng umaga ay magsisimula na po ang MISANG PAM Barangay Pagaspas
ITO PO AY EVERY SUNDAY OF THE MONTH..
Kayo pong lahat ay inaanyayahang dumalo sa banal na gawain pong ito.

Marami pong salamat.

16/04/2024

📣 Magandang araw po sa lahat!!!

Malugod po namin kayong inaanyayahan na dumalo at makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa darating na 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼, 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟎, sa ganap na 𝟓:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧.

Ang sinuman po na gusto o nais magpamisa ay mangyari lamang po makipag-ugnayan sa mga BLC officers and members.

Si 𝙍𝙚𝙫. 𝙁𝙧. 𝙂𝙖𝙗𝙗𝙮 𝙂𝙤𝙣𝙯𝙖𝙡𝙚𝙨 po ang magmimisa sa atin.

Mangyari po lamang na ang lahat ay 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝟏𝟓 𝐦𝐢𝐧𝐮𝐭𝐨 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐬𝐚, maaga po kasi dumating at magsimula si Father.

Maraming salamat po. 🙏🏼

Address

Baloc-Baloc, Pagaspas
Tanauan

Opening Hours

6am - 7:30am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de la Paz Baloc-Baloc Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share