22/06/2026
Ikadalawampu't tatlong Araw - Pakiki -Ulayaw sa Kamahal Mahalang Puso ni Hesus.
Hunyo 23, 2025
IDALANGIN NATIN NGAYON SA MAHAL NA PUSO NI JESUS ANG MGA NAGKUKULANG SA PANANAMPALATAYA NA HINDI TUMUTUPAD NA MGA BINYAGAN .
Lahat tayo'y nilikha ng Diyos sa Kanyang larawan, tinubos ng mahal na Dugo ng Diyos, nakalaang maghari sa langit ngunit, marami ang nagbubulagbulagan sa liwanag ng ganitong mga katotohanan, lumalayo sa pananampalataya, nagtutulug tulugan Sa katigasan ng kanilang loob, na nagpapabayang malayo sa Diyos. Ito ang mga nagkukulang sa pananampalataya. Ilan ang mga ganito sa gitna ng ating lipunan. Ilan sa ating mga sariling mga kaibigan at kakilala, mga kamag-anak, ang hindi nababahala sa mga bagay ng Diyos at Kanyang banal na mga kautusan. Natutulad sila sa mga taong tila hindi man lamang nakarinig ng mga aral ng Krus! Idalangin natin ngayon sila, sa Mahal na Puso ni Jesus, upang mahango sila sa ka- lagimlagim na kalagayan ng kanilang mga kaawawang kaluluwa
Oh Jesus, Panginoon namin! Paano at nansgyayari pa ngayon, natapos na ang 19 na daan-taon magbuhat nang mangaral Ka, at mayroon pang ayaw kumilala sa lyo? Idilat Mo, Panginoon, ang mga mata ng kanilang kaluluwa! Ikaw, Panginoon, na nagpadilat ng mga bulag sa katawan ! Panginoon, uulitin namin ang pakiusap ng bulag sa Ebanghelyo : Panginoon, ipagkaloob Mo na sila ay makakita! Ipagkaloob Mo na sila ay makadama, na sila ay makalasap ng katotohanan ng Iyong mga aral, ng alalay ng Iyong nga utos, ng tamis ng Iyong pag-ibig. Ipagka- loob Mo, na Ikaw ay kanilang makilala, itong mga kaawa-awang mga kaluluwa, sapagkat sila ay nadadaya ng maling akala, na sila'y maliligtas sa sariling lakas o sapat na ang pakikisamang nakikipagkasundo, subalit ang ito ay Iyong itinakwil. Tanggalin mo, Panginoon, ang nakatatakip sa kanilang mga pag-iisip, na nakapipigil upang maunawaan nila ang lalim ng kadaliman na kanilang kahuhulugang tuluyan. Kaawaan Mo sila, maawaing Jesus. Tanggapin Mo ang aming mga dalangin, Pusong Mahal, yamang ang puso namin ay nagpapakumbaba sa lyo.
(Magnilay-nilay ng ilang sandali.)
Bukod sa hindi sumasampalataya mayroon naman mga nanalig na, datapwat hindi tumutupad. Mga binyagan anya sila at tinatawag na mga katoliko, subalit patuloy sa mga gawaing hindi kanais-nais at kulang na kulang sa kabanalan. Ano ang mapapala nila sa kanilang pananam- palataya, kung hindi naman nila isinasagawa sa kanilang buhay, Ah, lalo lamang bibigat ang kanilang sagutin sa hukuman ng Diyos!
Idinadalangin din namin, maibiging Puso ni Jesus, ang mga nagpapabayang mga binyagan na nabubuhay lumalabag
sa Iyong mga utos. Dahil dito'y pinagtatawanan Ka tuloy ng Iyong mga kaaway at sa masama nilang halimbawa nagbubulid pa ng iba! Anong uri ito ng utang na loob! Naniniwala sila sa Iyo, ngunit ayaw Ka nilang paglingkuran. Tinatanggap nila ang Iyong kautusan subalit kanilang ni yuyurakan. Natatakot sila sa in****no datapwat hindi sila nagsisikap upang maligtasan ang mga apoy na kahuhulugan!
Panginoon, gisingin Mo ang nga nag tulug-tulugang ito sa kulog ng Iyong nga parusa! Hugasan Mo ang lepra ng masa- sama nilang asal. Tawagin Mo ang mga Lazarong patay sa kanilang mga masesa- mang gawain! Ipakita Mo ang Iyong awa at kapangyarihan. Marami ang mga ma- kasalanan na nagbago sa Iyong awa at ka pangyarihan, ngayon, sila ay mga tala ng kabanalan at hiyas ng mga uliran sa Sim- bahan.
Mahal na Puso ni Jesus, para sa mga hindi pa sumasampalataya, para sa mga makasalanan, para sa mga matitigas na mahihinang-loob, idinadalangin namin ng
yon, ang Iyong liwanag, grasya,kapatawaran !
Magnilay-nilay at hilingin ang tanging biyaya sa araw na ito.
Kamahal Mahalang Puso ni Hesus
Maawa ka sa amin.(.3Γ)
Hesus na Maamo at Mababang Loob
Gawin mo na ang aming puso ay matulad sa Iyo.