25/08/2026
Taos-puso pong nagpapasalamat ang Barangay Pastoral Council, sa pangunguna ni Gng. Cristy Lumbres sa lahat ng mga taong bukas-palad na nagbigay ng kanilang donasyon at suporta upang maisakatuparan ang pagdaraos ng ika-40 taong Anibersaryo ng Pagbabasbas ng ating Kapilya ng Sulpoc.
Lubos po naming pinasasalamatan ang mga naging “Food Sponsors”:
Cash Donations – ₱31,000
1. Agothe Natividad, Efren, Fely, Jay & Russel Olegario – ₱13,000
2. Fernan & Mabie Gonzalez– ₱5,000
3. Pol & Bella Mercado– ₱5,000
4. Cris Matundan – ₱2,000
5. Lyn Castillo– ₱1,000
6. Mary Jane Burgos– ₱1,000
7. Joe & Lea Bouchard– ₱2,000
8. Daisy Contreras– ₱1,000
9. Orly Libelo– ₱1,000
Mga Donasyong Pagkain at Inumin
1. Kapt. Rosiel Padilla – 2 trays of grapes
2. Paul Joseph Agojo– 2 boxes of bottled water
•3. Lorna Rodriguez– 1 bilao ng sinukmani
4. Mr. Mrs. Emiliano & Ponyang Llarena-1 bilao ng puto/suman
5. Milet & Oca Tapia– 2 malaking bibingka
Sa inyong kabutihang-loob, pagmamahal, at bukas-palad na pagtulong, naging mas makabuluhan at mas masaya ang ating pagdiriwang. Ang bawat ambag, maliit man o malaki, ay naging mahalagang bahagi upang matagumpay na maisakatuparan ang espesyal na paggunita na ito.
Lubos din po ang pasasalamat ng Pamunuan ng ating Kapilya sa inyong lahat na nakiisa, dumalo, at nagpakita ng walang sawang suporta sa pagdaraos ng ika-40 taong Anibersaryo ng Pagbabasbas ng ating Kapilya.
Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gabayan ng Poong Maykapal, at nawa'y lagi kayong ingatan sa tulong at pamamagitan ng ating mahal na patron, San Roque.
Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!
Mahal na patrong San Roque, ipanalangin mo kami.