31/08/2022
โAng ating pananampalataya ang ating mga ugat...kung bakit ka nakakatayo ay dahil sa iyong mga ugat" -Ptr. Roger
Marahil hindi man umaayon sa mga plano mo ang nangyauari ngayon pero sana'y piliin mo pa ring manampalataya.
Tayo ay mga puno at ang ating pananampalataya ang ating mga ugat. Ito ang magpapanatili sa ating nakatayo dumaan man ang maraming bagyo at panahon.
Mateo 13:18โญ-โฌ23 RTPV05
18 โPakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga tungkol sa manghahasik.
19 Kapag ang isang tao ay dumirinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan.
20 โAng katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong dumirinig ng mensahe. Kaagad at masaya niya itong tinanggap
21 ngunit hindi tumimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nanatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.
22 โAng binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon.
23 โAt ang katulad naman ng binhing napahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.โ
Iisang uri ng binhing inihasik ngunit magkakaiba ang pinaghasikan.
Iisang uri ang binhing inihasik ngunit magkakaiba ang sitwasyon.
Iisang uri ng binhing inihasik ngunit magkakaiba ang naging bunga.
Ikaw kapatid, saan mo pipiliing lumago ang binhing inihasik saโyo?