Our Mother of Perpetual Help Parish Talugtug

Our Mother of Perpetual Help Parish Talugtug Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Our Mother of Perpetual Help Parish Talugtug, Catholic Church, Poblacion, Talugtug.

The official page of the Roman Catholic Parish in Talugtug, Nueva Ecija established in 1955 under the jurisdiction of the Diocese of San Jose Nueva Ecija

FLORES DE MARIABilang isang sambayanang lubos na sumisinta kay Maria, tayo bilang Pueblo amante de Maria, ay muli nanama...
30/04/2026

FLORES DE MARIA

Bilang isang sambayanang lubos na sumisinta kay Maria, tayo bilang Pueblo amante de Maria, ay muli nanamang pagyayamin ang tradisyon at payayabungin ang mga bulaklak ni Maria sa sama-samang pagdiriwang ng Flores de Maria.

Kaugnay nito, inaanyayahan ang mga kabataang nais lumahok at makiisa sa ating Flores de Maria. Magsisimula ang mga paghuhubog at sama-samang pagdarasal ng rosary sa Mayo 5, 2026 sa ating Parokya.

Makipag-ugnayan lang tayo sa ating mga katekista para sa pagpapatala.

Maraming salamat po.






26/04/2026

IKAAPAT NA LINGGO SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY
Abril 26, 2026

19/04/2026

IKATLONG LINGGO SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY
Abril 19, 2026

12/04/2026

IKALAWANG LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY
Abril 12, 2026

๐™‡๐™„๐™‰๐™‚๐™‚๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™–Abril 5, 2026Sa Linggo ng Muling Pagkabuhay, buong galak nating ipinagdiwang an...
06/04/2026

๐™‡๐™„๐™‰๐™‚๐™‚๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™”
๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™–
Abril 5, 2026

Sa Linggo ng Muling Pagkabuhay, buong galak nating ipinagdiwang ang Banal na Misa bilang pasasalamat sa dakilang tagumpay ni Hesukristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa araw na ito, ipinapaalala sa atin na ang muling pagkabuhay ng Panginoon ang pundasyon ng ating pananampalataya at pag-asa bilang mga Kristiyano. Tayo ay tinatawag na mamuhay bilang mga taong muling nabuhay kasama ni Kristo, namumuhay sa liwanag, pagmamahal, pagpapatawad, at pananampalataya.

Nawa ang kagalakan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ay manatili sa ating puso at makita sa ating mga gawa sa araw-araw.

Siya ay muling nabuhay! Aleluya! Aleluya!







LINGGO NG MULING PAGKABUHAYSalubong EncuentroAbril 5, 2026Sa bukang-liwayway ng Linggo ng Muling Pagkabuhay, ginanap ang...
06/04/2026

LINGGO NG MULING PAGKABUHAY
Salubong Encuentro
Abril 5, 2026

Sa bukang-liwayway ng Linggo ng Muling Pagkabuhay, ginanap ang Salubong, isang natatanging kaugaliang Pilipino na sumasagisag sa masayang pagtatagpo ng muling nabuhay na si Kristo at ng Kanyang Mahal na Ina, ang Birheng Mariang nagagalak (Alegria). Sa gawaing ito, inaalis ang lambong ng dalamhati ni Maria bilang tanda ng pagtatapos ng pagdurusa at pagsilang ng kagalakan dahil sa tagumpay ng buhay laban sa kamatayan.

Tunay ngang ang Salubong ay paalala sa ating lahat na matapos ang dilim ay may liwanag, at matapos ang lungkot ay may galak na dulot ng muling pagkabuhay ng Panginoon.

VIVA RESURREXIT! MABUHAY SI KRISTONG MULING NABUHAY!







๐™Ž๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐˜ฟ๐™Š ๐˜ฟ๐™€ ๐™‚๐™‡๐™Š๐™๐™„๐˜ผ ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐™„๐™๐™„๐™’๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™†๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™”๐™„๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ช๐™œ๐™ฉ๐™ค: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™–๐™œ๐™ƒ๐™ช๐™ก๐™ž...
06/04/2026

๐™Ž๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐˜ฟ๐™Š ๐˜ฟ๐™€ ๐™‚๐™‡๐™Š๐™๐™„๐˜ผ
๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐™„๐™๐™„๐™’๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™†๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™”
๐™„๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ช๐™œ๐™ฉ๐™ค: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™—๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™–๐™œ
๐™ƒ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ช๐™œ๐™ฉ๐™ค: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™€๐™ช๐™ ๐™–๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฎ๐™–
Abril 4, 2026

Ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay sa Sabado de Gloria ang pinakabanal at pinakadakilang pagdiriwang sa buong taon ng Simbahan, sapagkat dito natin ginugunita ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo, ang tagumpay ng buhay laban sa kamatayan at liwanag laban sa dilim. Sa banal na gabing ito, tayo ay nagtitipon bilang isang pamayanang sumasampalataya upang muling sariwain ang kasaysayan ng ating kaligtasan at makibahagi sa bagong buhay na hatid ng muling nabuhay na Kristo.

Sa Magdamagang Pagdiriwang na ito, ang Ikatlong Yugto ay ang Pagdiriwang ng Pagbibinyag, kung saan binabasbasan ang tubig at pinapanibago ng mga mananampalataya ang kanilang pangako sa binyag. Ito ay paalala na tayo ay nakibahagi sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, at tinatawag tayong mamuhay bilang mga anak ng liwanag, tinalikuran ang kasalanan at namumuhay sa biyaya ng Diyos.

Sa Huling Yugto naman ay ang Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, rito tayo nakikibahagi sa hapag ng Panginoon at tinatanggap si Kristong muling nabuhay sa Banal na Komunyon. Sa pamamagitan nito, tayo ay pinalalakas sa pananampalataya at ipinapaalala sa atin na ang muling pagkabuhay ni Kristo ay nagbibigay sa atin ng bagong buhay, bagong pag-asa, at bagong simula. Aleluya! Siya ay muling nabuhay!Tunay ngang ito ang gabi ng liwanag, pag-asa, at bagong buhay para sa ating lahat.

SI HESUKRISTOโ€™Y MULING NABUHAY, SIYAโ€™Y ATING KALIWANAGAN! ALELUYA! ALELUYA!






๐™Ž๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐˜ฟ๐™Š ๐˜ฟ๐™€ ๐™‚๐™‡๐™Š๐™๐™„๐˜ผ ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐™„๐™๐™„๐™’๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™†๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™” ๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ช๐™œ๐™ฉ๐™ค: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™—๐™–๐™—๐™–๐™จ๐™—๐™–๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™– ๐™จ๐™– ๐™„๐™ก๐™–...
06/04/2026

๐™Ž๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐˜ฟ๐™Š ๐˜ฟ๐™€ ๐™‚๐™‡๐™Š๐™๐™„๐˜ผ
๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐™„๐™๐™„๐™’๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™†๐™Š ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™๐™‡๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™ƒ๐˜ผ๐™”
๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ช๐™œ๐™ฉ๐™ค: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™—๐™–๐™—๐™–๐™จ๐™—๐™–๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™œ๐™๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™– ๐™จ๐™– ๐™„๐™ก๐™–๐™ฌ
๐™„๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™”๐™ช๐™œ๐™ฉ๐™ค: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™ž๐™ฎ๐™ค๐™จ
Abril 4, 2026

Sa Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, mahalaga ang unang dalawang yugto na nagpapahayag ng liwanag at Salita ng Diyos sa gitna ng kadiliman ng gabi. Sa Unang Yugto, ang Pagbabasbas at Paghahanda sa Ilaw, sinisindihan ang bagong apoy at ang kandilang Paskwal bilang tanda na si Kristo ang ating Ilaw na nagtagumpay sa kadiliman ng kasalanan at kamatayan. Mula sa isang liwanag ay unti-unting nagliliwanag ang buong simbahan, tanda ng liwanag ni Kristo na kumakalat sa buong mundo.

Sa Ikalawang Yugto naman, ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, ating pinakikinggan ang mga pagbasa na nagsasalaysay ng kasaysayan ng kaligtasan, mula sa paglikha ng mundo, sa paglaya ng bayan ng Diyos, hanggang sa katuparan ng pangako sa muling pagkabuhay ni Kristo. Sa pakikinig sa Kanyang Salita, pinapaalalahanan tayo ng Diyos na Siya ay tapat sa Kanyang pangako at patuloy na gumagabay sa atin mula sa dilim tungo sa liwanag at mula sa kamatayan tungo sa bagong buhay.






๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™จ๐™ ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ!Sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ni Hesukristo, muling nabuhay ang ating pag-asa...
05/04/2026

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™จ๐™ ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ!

Sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ni Hesukristo, muling nabuhay ang ating pag-asa at pananampalataya. Ang Kanyang tagumpay laban sa kamatayan ay paalala na sa bawat pagdurusa ay may muling pagkabuhay, at sa bawat kadiliman ay may liwanag na darating.

Nawaโ€™y ang kagalakan ng Pasko ng Pagkabuhay ay maghari sa ating mga puso at magbigay sa atin ng bagong lakas, pag-asa, at pananampalataya sa Panginoon.

VIVA RESURREXIT! MABUHAY SI KRISTONG MULING NABUHAY! ALELUYA! ALELUYA






04/04/2026

MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON.

Address

Poblacion
Talugtug
3118

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm
2pm - 5pm

Telephone

+639456970732

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Mother of Perpetual Help Parish Talugtug posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share