Community Baptist Center-Talugtug

Community Baptist Center-Talugtug Church Community Baptist Center - Talugtug is a Bible - believing Church located at Brgy. Sta. Catalina, Talugtug, Nueva Ecija. Sunday service starts at 9:00 a.m.

Ipagpatuloy natin mga kapatid ang pagbabasa ng Biblia Chronologically ngayong Buwan ng Mayo! Enjoy!
01/05/2026

Ipagpatuloy natin mga kapatid ang pagbabasa ng Biblia Chronologically ngayong Buwan ng Mayo!

Enjoy!

Mas paigtingin natin ang ating pagkakilala sa Diyos sa pamamagita ng ng pag-aaral ng Kanyang salita ngayong Mayo! Enjoy!
30/04/2026

Mas paigtingin natin ang ating pagkakilala sa Diyos sa pamamagita ng ng pag-aaral ng Kanyang salita ngayong Mayo!

Enjoy!

VBS is Back! ✨Taong 2012 nang unang isinagawa ang ating Vacation Bible School, at ang huli ay noong 2019 bago tayo pansa...
14/04/2026

VBS is Back! ✨

Taong 2012 nang unang isinagawa ang ating Vacation Bible School, at ang huli ay noong 2019 bago tayo pansamantalang nahinto dahil sa pandemya.

Miss mo na ba ang VBS? 🤔

Inaanyayahan ka naming magpalista at dumalo sa Vacation Bible School sa darating na Abril 28 – Mayo 01, 2026 8:00-11:00am sa CBC-Talugtug!

Ang ating tema ngayong taon ay:
🌼 Hope Garden – Thriving in God’s Care

Sa loob ng apat na araw, ating pag-aaralan kung paano maging masigasig, mapamaraan, at mapagpasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa atin ng Panginoon.

📚 Mga Klase:
- Ages 4–6
- Ages 7–9
- Ages 10–12
- Youth
- Adults

📢 Magpalista na at makibahagi sa Hope Garden!
Tuklasin kung paano tayo maaaring lumago at mamulaklak sa pag-aaruga ng Diyos.

Kita-kits sa CBC-Talugtug! 🫰

Ang Linggo ng Pagkabuhay ay paalala na ang liwanag ay laging magtatagumpay sa kadiliman. ✨Sa bawat sakit ay may pag-asa....
05/04/2026

Ang Linggo ng Pagkabuhay ay paalala na ang liwanag ay laging magtatagumpay sa kadiliman. ✨

Sa bawat sakit ay may pag-asa.
Sa bawat luha ay kagalakan.
Sa bawat pagtatapos ay may bagong simula.

Dahil si Hesus ay nabuhay, tayo rin ay may buhay.
Ang Kanyang tagumpay laban sa kamatayan ay tagumpay ng lahat ng nagtitiwala at sumasampalataya sa Kanya.

He is risen for us.
May pag-asa, kapatawaran, at buhay na walang hanggan para sa bawat sumasampalataya.

Salamat Hesus, sa kaligtasan, sa biyaya, at sa buhay na walang hanggan. ✨

Si Cristo ay nagdusa nang minsan para sa lahat ng tao dahil sa kasalanan, upang tayo’y madala sa Diyos. Siya ay namatay ...
02/04/2026

Si Cristo ay nagdusa nang minsan para sa lahat ng tao dahil sa kasalanan, upang tayo’y madala sa Diyos. Siya ay namatay sa laman bilang tao, ngunit binuhay sa espiritu—patunay ng Kanyang tagumpay laban sa kamatayan.

Mga kapatid, sama-sama po tayo sa pagbabasa ng buong Biblia sa loob ng isang taon gamit ang ating reading guide.Araw-ara...
01/04/2026

Mga kapatid, sama-sama po tayo sa pagbabasa ng buong Biblia sa loob ng isang taon gamit ang ating reading guide.

Araw-araw, sama-sama tayong lalago sa pananampalataya sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. 🙏

Simulan na natin ngayong Abril! 💛

Mga kapatiran, sama-sama po tayong magbasa ng Biblia araw-araw!Sundan po natin ang ating Bible Reading Guide para sa buw...
01/04/2026

Mga kapatiran, sama-sama po tayong magbasa ng Biblia araw-araw!

Sundan po natin ang ating Bible Reading Guide para sa buwan ng Abril at hayaang gabayan tayo ng Salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay.

Kahit ilang minuto lang bawat araw, malaking bagay na ito sa ating paglago sa pananampalataya.

Tara na at magsimula na tayo!

Mas pag-alabin pa natin ang ating pagnanais at ipagpatuloy ang pagbabasa ng Bibliya ngayong Marso! 📖✨
01/03/2026

Mas pag-alabin pa natin ang ating pagnanais at ipagpatuloy ang pagbabasa ng Bibliya ngayong Marso! 📖✨

Sa lahat ng pagkakataon unahin natin ang Diyos at sumunod sa Kanyang kalooban. Kapag Siya ang inuuna mo at namumuhay ka ...
28/02/2026

Sa lahat ng pagkakataon unahin natin ang Diyos at sumunod sa Kanyang kalooban. Kapag Siya ang inuuna mo at namumuhay ka nang tama, Siya ang bahala sa iyong mga pangangailangan.

Ang pagbabasa at pag-aaral ng Biblia ay nagbibigay ng mas malalim na pagkakilala sa Diyos, gabay sa tamang pamumuhay, ka...
28/02/2026

Ang pagbabasa at pag-aaral ng Biblia ay nagbibigay ng mas malalim na pagkakilala sa Diyos, gabay sa tamang pamumuhay, kapayapaan at pag-asa sa gitna ng problema, paglago ng pananampalataya, at mas mabuting pakikitungo sa kapwa. Kaya, manatili tayo sa Kanyang Salita araw-araw.

Pinapaalala ng talatang ito na ang buhay natin sa mundo ay hindi permanente. Ang bawat araw na ating ginugugol ay kaloob...
05/01/2026

Pinapaalala ng talatang ito na ang buhay natin sa mundo ay hindi permanente. Ang bawat araw na ating ginugugol ay kaloob ng Diyos at maaaring hindi na maibalik kapag lumipas na. Kaya hinihikayat tayo ng Salita ng Diyos na matutong pahalagahan ang oras at huwag itong sayangin sa mga bagay na walang kabuluhan.

Kapag nauunawaan natin na limitado ang ating panahon, mas nagiging maingat tayo sa ating mga desisyon—sa mga salita na binibigkas natin, sa mga gawaing ginagawa natin, at sa mga taong pinipili nating mahalin at pahalagahan. Natututo tayong unahin ang tama, ang mabuti, at ang may kabuluhan kaysa sa pansamantalang kasiyahan.

Ang pagkakaroon ng pusong marunong ay nangangahulugang marunong tayong gumamit ng oras para sa Diyos, sa pamilya, at iba pa na nakakalugod sa Diyos. Sapagkat sa huli, hindi ang haba ng buhay ang mahalaga, kundi kung paano natin ito ginamit ayon sa kalooban ng Diyos.

Ang Biblia ay isang kuwento ng pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa atin. Kapag binasa natin ito ayon sa tamang pa...
04/01/2026

Ang Biblia ay isang kuwento ng pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa atin. Kapag binasa natin ito ayon sa tamang pagkakasunod ng mga pangyayari, mas malinaw nating makikita kung paano Siya kumilos mula sa simula ng paglikha hanggang sa Kanyang mga dakilang pangako.

Sa pagbabasang ito, mas makikilala natin ang Diyos, mas mauunawaan ang Kanyang plano para sa ating buhay, at mas lalalim ang ating pagmamahal at pagtitiwala sa Kanya.

Halina’t sabay-sabay nating simulan ang pagbabasa ng buong Biblia ngayong taong 2026 ✨

Address

Sta. Catalina
Talugtug
3118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Community Baptist Center-Talugtug posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Community Baptist Center-Talugtug:

Share