Kabutihan Ng Panginoon Christian Ministry.inc

Kabutihan Ng Panginoon Christian Ministry.inc God bless your heart. everyone..!!

๐‘บ๐‘ผ๐‘ต๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐‘บ๐‘ฌ๐‘น๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฌ | ๐‘ด๐‘จ๐’€ 25, 2026Todayโ€™s service reminded us that in every season of our lives, our goal is not only to star...
24/05/2026

๐‘บ๐‘ผ๐‘ต๐‘ซ๐‘จ๐’€ ๐‘บ๐‘ฌ๐‘น๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฌ | ๐‘ด๐‘จ๐’€ 25, 2026

Todayโ€™s service reminded us that in every season of our lives, our goal is not only to start strong, but to finish well, especially that we know that God is with us every step of our way.

Through the 2nd Timoteo 4:1โ€“2, we were reminded to remain faithful in fulfilling the calling and purpose that God has entrusted to us. Kahit may pagod, pagsubok, at mga pagkakataong gusto na nating sumuko, patuloy tayong pinalalakas ng Diyos upang magpatuloy at tapusin ang ating laban nang may pananampalataya. Natutunan natin sa preaching na eto na hindi natin kailangang harapin ang buhay nang mag-isa, sapagkat ang Diyos ay nananatiling kasama natin sa bawat hamon, tagumpay, at proseso ng ating paglalakbay.

Sa huli, ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasa kung paano tayo nagsimula, kundi kung paano tayo nanatiling tapat hanggang dulo kasama ang Diyos.

๐’๐ฎ๐ง๐๐š๐ฒ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž | ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” Ang ating preaching ngayong araw ay nagpaalala sa atin ng halaga at kahalagahan ng bawat i...
17/05/2026

๐’๐ฎ๐ง๐๐š๐ฒ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž | ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ang ating preaching ngayong araw ay nagpaalala sa atin ng halaga at kahalagahan ng bawat ina. Sa pamamagitan ni Eva, ang ina ng sangkatauhan, at ng kwento ng dakilang ina sa 1 Hari 3:16โ€“27, nakita natin ang pagmamahal, sakripisyo, at katatagan na taglay ng isang ina para sa kanyang mga anak.

Natutunan natin dito na ang isang dakilang ina ay nararapat lamang na respetuhin, alagaan, igalang, at pasayahin. Hindi natumbasan ang lahat ng pag-aaruga, pag-unawa, at pagmamahal na kanilang ibinigay sa kanilang pamilya, kaya nararapat lamang na masuklian natin ito ng pagpapahalaga at pagmamahal.

Sa bawat sakripisyo at walang sawang pag-aalaga ng isang ina, nakita natin ang tunay na larawan ng wagas na pagmamahal. At gaya ng ipinapaalala sa Kawikaan 6:20โ€“22, dapat nating pahalagahan at sundin ang mga aral at paggabay na nagmumula sa ating mga magulang, sapagkat ito ang magsisilbing gabay at ilaw sa ating buhay.

Today's preaching is all about Test of Faith. Sinusubok ng Panginoon Ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pro...
10/05/2026

Today's preaching is all about Test of Faith.

Sinusubok ng Panginoon Ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga problema, kabiguhan, brokenness, miracles, at sacrifices.

Minsan hindi madaling unawain ang mga pagsubok na ating pinagdaraanan, ngunit ipinaalala sa atin na sa bawat hirap ay may layunin ang Diyos. Ang ating mga problema ay maaaring maging daan upang makita natin ang Kanyang kapangyarihan, at ang ating pagkabigo ay maaaring maging simula ng mas matibay na pananampalataya.

At tulad ng ipinapakita sa Exodus 13:4, ang Diyos ay gumagawa ng mga himala sa tamang panahon at hindi Niya tayo iniiwan sa gitna ng ating mga laban. Kahit may mga pagkakataong kailangan nating magsakripisyo, alam nating may mas dakilang plano Siyang inihahanda para sa atin.

Laging tandaan na bilang mga anak ng Diyos, kaya tayo sinusubok ay dahil nais Niyang patibayin tayo sa buhay at sa pananampalataya, at gusto Niyang mapagtagumpayan natin ang bawat pagsubok ng kasama Siya.

Happy, Happy Motherโ€™s Day to all mothers, especially to our dear KPCM church mothers!Ngayong araw, espesyal nating pinap...
10/05/2026

Happy, Happy Motherโ€™s Day to all mothers, especially to our dear KPCM church mothers!

Ngayong araw, espesyal nating pinaparangalan ang bawat isa sa inyo. Ayon sa Mga Awit 139:13-14, ang bawat isa sa atin ay "kamangha-manghang nilikha" ng Diyos. Pero hindi Niya ito ginawa nang mag-isa bagkos ay pinili Niya kayong mga nanay para maging katuwang Niya.

Kayo ang naging unang tahanan namin habang kami ay "hinahabi" pa lamang ng Panginoon sa inyong sinapupunan. Sa loob ng siyam na buwan, at sa bawat taon na lumipas, kayo ang naging instrumento ng Kanyang pag-ibig, kalinga, at proteksyon. Kayo ang nagturo sa amin kung paano manalangin at kung paano magtiwala sa Kanya.

Salamat sa inyong walang sawang sakripisyo, sa mga puyat, at sa inyong matibay na pananampalataya na nagsisilbing gabay ng ating buong Pamilya sa pananampalataya. Kayo ay tunay na biyaya mula sa langit!

Grateful for todayโ€™s Sunday service as this serves as another reminder to us na Kahit malayo na, ay mas may ilalayo pa.M...
03/05/2026

Grateful for todayโ€™s Sunday service as this serves as another reminder to us na Kahit malayo na, ay mas may ilalayo pa.

Marami na tayong pinagdaanan sa buhay na mga pagsubok, tagumpay, at kabiguan. Ngunit ang mensahe ng Diyos ay malinaw na nagsasabing hindi pa tapos ang Kanyang plano. Kahit malayo na ang ating narating, may ilalayo pa Siya sa atin tungo sa mas mataas na layunin.

Natutunan natin dito na dapat ay limutin na ang nakaraan at magfocus sa hinaharap dahil ang nakaraan ay hindi dapat maging hadlang sa ating paglalakbay. Bagamaโ€™t malayo na tayo mula sa ating dating buhay, may ilalayo pa ang Diyos tungo sa mas malalim na relasyon sa Kanya.

Ipinakita rin satin na dapat tayo ay magsumikap sa pag abot sa gantimpala ng ating Panginoon dahil ang buhay pananampalataya ay hindi paghinto kundi tuloy-tuloy na paglakad. Ang gantimpala ng Diyos ay higit pa sa anumang tagumpay na ating nakamtan, kaya kahit malayo na ang ating progreso, may ilalayo pa dahil ang pinakamabuti ng Diyos ay nasa hinaharap pa.

Lagi nating tatandaan na ang buhay Kristiyano ay isang paglalakbay, kaya namna hindi sapat na masabi lang nating โ€œmalayo na,โ€ sapagkat ang Diyos ay may mas dakilang plano. Kaya patuloy tayong maglakad, magtiwala, at magsumikap, dahil tunay na malayo na, ngunit may ilalayo pa.

WISDOM IN CORRECTION, a reminder to us that not all correction is meant to hurt us, but to make us grow.Last Sunday, nat...
27/04/2026

WISDOM IN CORRECTION, a reminder to us that not all correction is meant to hurt us, but to make us grow.

Last Sunday, natutuhan natin na dapat nating tanggapin ang pagsaway bilang isang regalo, at matutong magpasalamat sa mga taong ginagamit ng Diyos para itama tayo. Hindi madali ang masabihan, pero dito tayo hinuhubog.

Kawikaan 15:32 reminds us to refuse self-destruction sa pamamagitan ng pagtitigil sa pagsisisi ng iba at sa pagdadahilan, matutong akuin ang ating pagkukulang, piliing tumanggap ng pagsaway, at makita ang disiplina bilang patunay na tayo ay inaalagaan at tinuturuan ng Diyos upang tayo ay mahubog bilang matalinong anak ng Diyos.

Minsan masakit ang proseso, ngunit tulad ng isang operasyon, tinatanggal ng Diyos ang mga bagay sa ating puso na hindi na nakabubutiโ€”mga maling pag-iisip, ugali, at kasalananโ€”upang tayo ay gumaling, lumago, at maging mas maayos sa Kanyang paningin.

Ayon nga sa Kawikaan 15:33, ang tunay na karunungan ay nagsisimula sa pagpapakumbaba, kaya piliin nating maging mapagpakumbaba sa bawat pagtutuwid na ating natatanggap.

Jobโ€™s story reminds us na dapat ang ating pananampalataya ay hindi lamang naka-base sa kung anong mayroon tayo sa ngayon...
19/04/2026

Jobโ€™s story reminds us na dapat ang ating pananampalataya ay hindi lamang naka-base sa kung anong mayroon tayo sa ngayon, but it must be based on Godโ€™s unchanging character. Ang buhay ni Job ay isang paalala na ang tunay na pananampalataya ay nananatiling tapat kahit sa gitna ng pinakamabigat na pagsubok.

Todayโ€™s service taught us na ang pagtitiwala sa Diyos sa kalagitnaan ng ating mga pinakamabibigat na pagsubok ay hindi kailanman magtatapos sa isang pagsisisi, kundi sa pagpapakita sa atin na Siya ang magbabangon sa atin mula sa ating mga pagsubok at magbabalik ng alinman na nawala sa atin nang mas siksik, liglig, at nag-uumaapaw sapagkat Siya ay tapat at mabuti.

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐›๐ž๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž๐ ๐ ๐ซ๐š๐๐ฎ๐š๐ญ๐ž ๐Ÿ๐ซ๐จ๐ฆ ๐Š๐๐‚๐Œ ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ข๐œ ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ!Your KPCM family is deeply proud of you and grateful fo...
14/04/2026

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐›๐ž๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž๐ ๐ ๐ซ๐š๐๐ฎ๐š๐ญ๐ž ๐Ÿ๐ซ๐จ๐ฆ ๐Š๐๐‚๐Œ ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ข๐œ ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ!

Your KPCM family is deeply proud of you and grateful for your faithful service in the ministry. Your commitment, dedication, and willingness to serve have been a blessing and encouragement to everyone.

As you step into this new chapter of your life, may the Lord continue to guide your path, strengthen your heart, and open doors of purpose and opportunity.

What a powerful Sunday morning in Godโ€™s presence! ๐Ÿ™ŒHearts lifted in worship, lives touched by His word, and faith streng...
12/04/2026

What a powerful Sunday morning in Godโ€™s presence! ๐Ÿ™Œ
Hearts lifted in worship, lives touched by His word, and faith strengthened together as a church family.๐Ÿฉต

Our hearts are full after todayโ€™s Sunday Service. ๐Ÿ’™Thank you to everyone who joined us in worship, prayer, and the Word....
05/04/2026

Our hearts are full after todayโ€™s Sunday Service. ๐Ÿ’™

Thank you to everyone who joined us in worship, prayer, and the Word.
May Godโ€™s blessings go with you throughout this week.

Address

Talugtug
3118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabutihan Ng Panginoon Christian Ministry.inc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share