Ministry of the Altar Servers - Parroquia de San Isidro Labrador - Talavera

Ministry of the Altar Servers - Parroquia de San Isidro Labrador - Talavera The Ministry of the Altar Servers Official Page

28/05/2026

OBS kasama si Bishop Bart Santos | 05.28.2026

Halina't matuto sa Salita ng Diyos ngayong Dakilang Kapistahan ng Santisima Trinidad (Year A) dito lamang sa OBS: Online Bible Study kasama sina Bishop Bart Santos at Bro. Emman Eden.

Mapapanood tayo sa ating page, Ang Batingaw, sa ating Youtube Channel, Ang Batingaw - Online, at sa ating mga Social Media Partners.

Magnilay tayo, mga ka-OBS!

15/05/2026

LIVE: Banal na Misa | Dakilang Kapistahan ni San Isidro Labrador | 15 Mayo 2026

UNANG PAGBASA: Mga Gawa 18, 9-18
SALMONG TUGUNAN:
Umasa ka sa D'yos ang mabuti'y gawin
At manahan kang ligtas sa lupain
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan
At pangarap mo ay makakamtan.
MABUTING BALITA: Filipos 4, 4-7






30/04/2026

OBS kasama si Bishop Bart Santos | 04.30.2026

Halina't matuto sa Salita ng Diyos ngayong Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (Year A) dito lamang sa OBS: Online Bible Study kasama sina Bishop Bart Santos at Bro. Emman Eden.

Mapapanood tayo sa ating page, Ang Batingaw, sa ating Youtube Channel, Ang Batingaw - Online, at sa ating mga Social Media Partners.

Magnilay tayo, mga ka-OBS!

29/04/2026
28/04/2026

Community Pantry Nagbukas sa Dambana ng Talavera sa Pamamagitan ng Kusina Ni Nana Marya

Nagbukas ngayong araw ang Community Pantry sa Dambana ng Talavera sa pamamagitan ng Kusina ni Nana Marya, bilang tugon sa mga panahong nakararanas tayo ng krisis gaya ng kasalukuyang krisis sa enerhiya.

Ngayong araw ay handog natin ang mga aning gulay sa mga namamasadang drayber na labis na naaapektuhan ng pagtaas ng petrolyo.

Sa gitna ng hamon sa kabuhayan, ang mga simpleng handog na ito ay nagsisilbing konkretong tanda ng malasakit at pagkakaisa ng komunidad.

Lubos ang pasasalamat sa mga magsasaka at tagapagtaguyod na patuloy na nag-aalay ng kanilang mga ani mula sa bukid upang maipamahagi sa higit na nangangailangan. Ang kanilang kabutihang-loob ay nagiging daluyan ng pag-asa para sa marami.

Inaanyayahan ang lahat ng deboto at mananampalataya na makiisa sa gawaing ito. Hinihikayat din ang mga kapatid nating simbahan na makapagbukas ng community pantry. Malaki man o maliit ay aabot sa langit!

Paalala:
Kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay nang may kabutihan ayon sa kakayahan.

24/04/2026

Halina't matuto sa Salita ng Diyos ngayong Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay dito lamang sa OBS: Online Bible Study kasama sina Bishop Bart Santos at Bro. Emman Eden.

Mapapanood tayo sa ating page, Ang Batingaw, sa ating Youtube Channel, Ang Batingaw - Online, at sa ating mga Social Media Partners.

Magnilay tayo, mga ka-OBS!

08/01/2025

Pabatid at paanyaya sa lahat.

Bilang pagtalima sa pagnanais at kapasyahan ng Kapulungan ng mga Obispo sa Pilipinas sa kanilang ika-126 Pagtitipon, ang ika-9 ng Enero ay itinalaga na taon-taon bilang KAPISTAHAN NG JESUS NAZARENO dahilan sa alab at katangi-tanging debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na P**n. Kung kaya nga’t sa kauna-unahang pagkakataon, tayo bilang isang sambayanan ay magkakaroon ng pamparokyang pagdiriwang sa Huwebes - Enero 9, 2025 sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa karangalan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa ganap na ika-5:30 ng hapon na susundan ng isang prusisyon.

Inaanyayahan po ang lahat na magsuot ng kulay pula/maroon. Magdala ng mga kandila at mga imahen o larawan ng Jesus Nazareno upang mabasbasan. Maraming salamat po.

VIVA NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO!

(August 04) Today is the 18th Sunday in Ordinary Time and St. John Baptiste Marie Vianney SundayHAPPY PRIESTS' DAY PO!Fa...
03/08/2024

(August 04) Today is the 18th Sunday in Ordinary Time and St. John Baptiste Marie Vianney Sunday

HAPPY PRIESTS' DAY PO!
Father Antonio Mangahas Jr.
Father Ceasar Bactol

---
Saint John Marie Vianney, patron of all priests, pray for us and pray for our priests! Amen.

Narito po ang palatuntunan ng mga gawain at gampanin para sa pagdiriwang ng Semana Santa sa Talavera. Mahalaga po na tay...
22/03/2024

Narito po ang palatuntunan ng mga gawain at gampanin para sa pagdiriwang ng Semana Santa sa Talavera. Mahalaga po na tayong lahat ay makiisa. Anyayahan po natin ang ating mga kaanak, kaibigan at kakilala upang sama-sama natin muling gunitain ang mapangligtas na gawa ng Panginoong Jesus sa Kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay.







07/12/2023

Isang paanyaya mula sa Dambanang Parokya ni San Isidro Labrador, Talavera, Nueva Ecija para sa pagdiriwang sa Biyernes, Disyembre 8, Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria, Pangunahing Pintakasi ng bansang Pilipinas. Ang Araw na iyon ay Pistang Pangilin (Holy Day of Obligation) kung kaya nga't inaatasang dumalo ang lahat ng mga binyagan sa mga pagdiriwang kaugnay nito.

Mangyaring pakibahagi upang malaman ng lalong nakararami.





Address

Talavera
3114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of the Altar Servers - Parroquia de San Isidro Labrador - Talavera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share