New Life Community of Christ -Talavera

New Life Community of Christ
-Talavera Knowing Jesus and Making Him Known

29/06/2024
Nawa'y unawaain natin ito
20/05/2024

Nawa'y unawaain natin ito

29/04/2024

Nakaka-bless

Mga Awit 39:4-7Maikli lang ang buhay, totoo yan mabilis lang lumipas ang panahonMay nagsasabi magpakasarap na habang nab...
27/04/2024

Mga Awit 39:4-7

Maikli lang ang buhay, totoo yan mabilis lang lumipas ang panahon
May nagsasabi magpakasarap na habang nabubuhay, gawin na ang gusto, kainin ang maibigan. Well mukhang ok naman pero at the end of the day aminin natin iba nanaman ang gusto natin bukas or next week, next month or year.
Siguro dapat isipin din natin how long will I live? What kind of life am I living? sabi sa Bible anuman ang ating gawin habang tayo'y nabubuhay ay ipagsusulit natin pagharap natin sa Panginoon at sabi sa Awit 39 ang pag-asa ko'y nasa Iyo O aking Diyos
So habang tayo'y nabubuhay may pag-asa, may pagkakataon tayong gawin ang tama at nakalulugod sa Diyos upang sa ating pagharap sa Kanya ang makikita Niya ay kung paano tayo naglingkod sa pamamagitan ng pakikitungo natin sa kapwa, pag tugon sa pangangailangan ng Kanyang Iglesya, higit sa lahat kung paanong naparangalan ang Diyos sa buhay mo na handang magtiis, magpagod alang-alang kay Cristo
So mabuhay ka lang, matulog gumising kumain magtrabaho pero gawin mo ang role mo ibalik ang parangal at papuri sa lumikha sa iyo

Maraming nagsasabi na sila'y Christian, umattend ng worship service, may ministry sa churchpero natitisod at ang iba'y n...
25/04/2024

Maraming nagsasabi na sila'y Christian, umattend ng worship service, may ministry sa church
pero natitisod at ang iba'y nawawala
Ang totoong Christian kahit ano ang nakikita sa paligid hindi nagigiba ang pananampalataya sa Diyos. Mayroon kasing ilan na tinitingnan ang pagkakamali ng kapwa, wala kay Lord ang focus, wag pansinin ang tao para hindi matisod bagkus palaging tingnan ang kabutihan ng Diyos, ipagpasalamat kung ano meron ka ng wala sa iba. Kapag ang nakikita lang natin ay kung ano ang wala tayo na meron sa iba ito na ang simula ng pagdududa sa kapangyarihan ng Diyos, kapag nag focus tayo sa mali ng kapwa, kapag hinanap natin ang kung ano ang inaasahan natin sa kanila madidis-appoint tayo at parang sinasabi na natin sa Diyos "bakit ganon?" well, alam ng Diyos ang ginagawa Niya kung tayo'y totoong Christian gawin natin ang ating part maglingkod tayo sa Diyos no questions asked dahil Siya na nakakabatid ng lahat ang gagawa ng paraan para maiayos ang lahat.
Ang Diyos na makapangyarihan at makatarungan ang siyang kikilos para sa Kanyang kapurihan.,
If you're a true Christian let the Him used you to glorify our God.

Awit 37:3-5Umasa sa Diyos at magtiwalaNalalaman Niya ang makabubutipara sa iyo. Kung buong pusong magtitiwala sa Kanya a...
22/04/2024

Awit 37:3-5

Umasa sa Diyos at magtiwala
Nalalaman Niya ang makabubuti
para sa iyo. Kung buong pusong magtitiwala sa Kanya asahan mo na gagawin Niya ang desire ng puso mo
ito'y ipagkakaloob Niya ngunit kailangang Siya lang ang pinagtitiwalaan mo wala nang iba.
Dapat tanggapin na mayroon Siyang dahilan kaya nagaganap ang lahat walang makapipigi sa Kanya, gayunman Siya'y Diyos na mahabagin at tumutugon sa panalangin ng lahat ng sa Kanya'y
nagmamahal at nagtitiwala ng walang pag-aalinlangan.,.

How to respond to God's goodnessRomans 12:1-2
14/04/2024

How to respond to God's goodness

Romans 12:1-2

Mateo 3:13-15Nagpabautismo si Jesus upang matupad ang kalooban ng Diyos AmaSi Jesus na Panginoon natin ay nagpabautismo ...
11/04/2024

Mateo 3:13-15

Nagpabautismo si Jesus upang matupad ang kalooban ng Diyos Ama
Si Jesus na Panginoon natin ay nagpabautismo upang sumunod sa Ama. Ang bautismo ay tanda ng pagsunod. Ang kaligtasan ay nakamtan natin ng sumampalataya tayo sa bugtong na Anak ng Diyos na si Jesus (Juan3:16)pero ang pananampalataya ay kailangang may pagsunod at ang munang tanda ng pagsunod ay pagsunod sa tubig ng Bautismo, hindi maaaring sabihin na ayaw kong magpabautismo kasi nabautismuhan na ako nung baby ako. Ang bautismo o binyag ay ginagawa sa lahat ng sumasampalataya kay Jesu-Cristo
(Gawa8:36-37) tinatanong ang babautismuhan kung sumasampalataya siya kay Jesu-Cristo at kailangang ipahayag ng kanyang bibig na si Jesus ang kanyang Panginoon (Roma10:9)
kaya naman ang binabautismuhan ay may sapat na gulang upang mabigkas niya na siya'y sumasampalataya at si Jesus ang kanyang Panginoon para siya maligtas (Marcos 16:16)kailangang
sumampalataya at magpabautismo
para masunod ang kalooban ng Diyos Ama na maligtas ang lahat ng tao sa lahat ng bansa(Mateo28:19-20).

Address

Purok Pagkakaisa Brgy Baluga Talavera Nueva Ecija
Talavera
3114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Life Community of Christ -Talavera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share