Church of God's Miracles Cabanatuan Talavera Gapan

Church of God's Miracles Cabanatuan Talavera Gapan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Church of God's Miracles Cabanatuan Talavera Gapan, Religious organisation, Talavera.

📣📣📣A N N O U N C E M E NT 📣📣📣
02/03/2026

📣📣📣A N N O U N C E M E NT 📣📣📣

01/02/2026

Efeso 1:3-14
Magandang Balita Biblia
Mga Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo

3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal na nagmumula sa langit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. 4 Bago pa likhain ang sanlibutan ay pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo at upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5 pinili niya tayo upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa kanyang layunin at kalooban. 6 Sa gayon ay purihin ang kaluwalhatian ng kanyang kagandahang-loob na sagana niyang ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak! 7 Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo at pinatawad ang ating mga kasalanan. Ganoon kasagana ang kanyang kagandahang-loob 8 na ibinuhos niya sa atin. Ayon sa kanyang karunungan at kaalaman, 9 ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban ayon sa kanyang layunin na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo 10 pagdating ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.

11 Kami ay pinili ng Diyos mula pa sa simula na maging kanya sa pamamagitan ni Cristo, ayon sa kanyang plano. Ang Diyos ang gumagawa sa lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12 Kaming mga unang umasa sa kanya ay pinili niya at hinirang upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian.

13 Sa pamamagitan ni Cristo, kayo rin na nakarinig ng salita ng katotohanan, ng Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan, at sumampalataya sa kanya, ay pinagkalooban ng ipinangakong Espiritu Santo bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. 14 Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin nang lubos ang lahat ng pangako ng Diyos sa atin, at sa gayon ay pupurihin ang kanyang kaluwalhatian.

19/12/2025

Christ is the only way to heaven.
Jesus Himself declared it clearly:

“I am the way, the truth, and the life. No one comes to the Father except through Me.”
— John 14:6

  Every Sunday 4pm -6pmWorship Service & Kid’s Discipleship   Every Sunday 9:00-10:30am
16/11/2025



Every Sunday 4pm -6pm
Worship Service & Kid’s Discipleship



Every Sunday 9:00-10:30am

16/11/2025

Mga Kawikaan tungkol sa Buhay at Pag-uugali

16 Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula,
ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.
2 Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos,
ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos.
3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,
at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.
4 Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan,
at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan.
5 Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang,
at sila'y tiyak na paparusahan.
6 Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran,
ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan.
7 Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh,
maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati.
8 Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan
ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.
9 Ang tao ang nagbabalak,
ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.
10 Ang bibig ng hari ay bukal ng mga pasyang kinasihan,
hindi siya namamali sa lahat niyang kahatulan.
11 Ang nais ni Yahweh ay tamang timbangan,
at sa negosyo ay katapatan.
12 Di dapat tulutan ng isang hari ang gawang kasamaan,
pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan.
13 Ang nais pakinggan ng hari ay ang katotohanan,
at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan.
14 Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari;
kapag nagalit ang hari, may buhay na masasawi.
15 Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal,
may dalang ulan, may taglay na buhay.
16 Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan,
at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa.
17 Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan;
ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay.
18 Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak,
at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.
19 Higit na mabuti ang mapagpakumbaba kahit na mahirap,
kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.
20 Ang sumusunod sa payo ay mananagana,
at mapalad ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala.
21 Ang matalinong tao ay nakikilala sa kanyang pang-unawa,
ang matamis niyang pangungusap ay panghikayat sa iba.
22 Ang karunungan ay bukal ng buhay para sa matalino,
ngunit mahirap maturuan ang mangmang na tao.
23 Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin,
kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin.
24 Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan,
matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.
25 May daang matuwid sa tingin ng tao,
ngunit kamatayan ang dulo nito.
26 Dahil sa pagkain ang tao'y nagsisikap;
upang ang gutom ay bigyan ng lunas.
27 Ang laman ng isip ng tampalasan ay puro kasamaan,
ang kanyang mga labi ay parang nakakapasong apoy.
28 Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan,
at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.
29 Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa,
at ibinubuyo sa landas na masama.
30 Mag-ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat;
pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak.
31 Ang mga uban ay putong ng karangalan,
ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay.
32 Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan,
at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan.
33 Isinasagawa ng tao ang palabunutan,
ngunit si Yahweh lang ang huling kapasyahan.

26/10/2025

📣📣 📣 A N N O U N C E M E N T 📣📣 Worship Service at WalterMart Cabanatuan
will start @5:30pm to 7pm
Only this Sunday - October 26, 2025

Every Sunday
WalterMart Talavera 9:00am to 11:30qm

See you ! ♥️♥️♥️
God Bless everyone! 🙏🙏🙏

13/10/2025

Deuteronomio 5:6-21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 “ ‘Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto kung saan kayo inalipin.

7 “ ‘Huwag kayong sasamba sa ibang mga dios maliban sa akin.

8 “ ‘Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan na anyo ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig. 9 Huwag ninyo itong paglilingkuran o sasambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios ay ayaw na may sinasamba kayong iba. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin. 10 Pero ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa napakaraming henerasyon na nagmamahal sa akin at sumusunod sa mga utos ko.

11 “ ‘Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Dios, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.

12 “ ‘Sundin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at gawin ninyo itong natatanging araw para sa akin, ang Panginoon na inyong Dios, ayon sa iniutos ko sa inyo. 13 Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw, 14 pero ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay ilaan ninyo para sa akin, ang Panginoon na inyong Dios. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na ito pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga baka, mga a**o at iba pang mga hayop, o ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Sa ganitong paraan ay makakapagpahinga ring katulad ninyo ang inyong mga alipin. 15 Alalahanin ninyo na mga alipin din kayo noon sa Egipto, at ako ang Panginoon na inyong Dios ang naglabas sa inyo roon sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan. Kaya ako, ang Panginoon na inyong Dios ay nag-uutos sa inyo na sundin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.

16 “ ‘Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina, ayon sa iniutos ko sa inyo para mabuhay kayo nang matagal at maging mabuti ang inyong kalagayan sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.

17 “ ‘Huwag kayong papatay.

18 “ ‘Huwag kayong mangangalunya.

19 “ ‘Huwag kayong magnanakaw.

20 “ ‘Huwag kayong sasaksi ng hindi totoo laban sa inyong kapwa.

21 “ ‘Huwag ninyong pagnanasahan ang asawa ng inyong kapwa o ang kanyang bahay, lupa, mga alipin, mga baka o mga a**o, o alin mang pag-aari niya.’

Marcos 12:30-31
Ang Salita ng Diyos
30 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo at nang buong lakas mo. Ito ang unang utos. 31 Ang ikalawang utos ay tulad nito ay: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad sa iyong sarili. Walang ibang utos na higit na dakila pa sa mga ito.

09/10/2025

Mga Kawikaan 10:19-21
Magandang Balita Biblia
19 Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala,
ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala.
20 Ang dila ng matuwid ay tulad ng pilak na mahalaga,
ngunit ang puso ng mangmang ay basura ang kagaya.
21 Ang labi ng matuwid sa marami ay pakinabang,
ngunit ang mangmang ay namamatay nang walang karunungan.

Address

Talavera
3114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Church of God's Miracles Cabanatuan Talavera Gapan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share