Jesus Christ Our Almighty God Church

Jesus Christ Our Almighty God Church JCAGC
affiliated with Jer. 33:3 Church
Christian and non-denominational church Christian church. Non-denominational.

Affiliated with Jeremiah 33:3 Church

VISION
“To become a thriving, disciple-making church — united in the Father’s love, empowered by the Holy Spirit, and faithfully carrying the hope and mission of Jesus Christ to the nations.”

MISSION
Proclaim His Word, make disciples, and strengthening every family in God—serving others with His love and compassion and fulfilling God’s mission for His glory through a life and ministry fully centered on Jesus Christ.

31/05/2026
Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad ni...
30/05/2026

Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.” - Mateo 19:14

28/05/2026

Efeso 5:19

Exclusive for JCAGC Community only...
25/05/2026

Exclusive for JCAGC Community only...

Lubos na natutuwa ang kaibigan mo sa pagdalo mo sa kanilang birthday, kasal, at sa gala ninyo nakaraan. Gaano pa ang Pan...
23/05/2026

Lubos na natutuwa ang kaibigan mo sa pagdalo mo sa kanilang birthday, kasal, at sa gala ninyo nakaraan. Gaano pa ang Panginoon kapag ikaw ay aktibo sa kanyang gawain? May take out ka pa, dahil kapag dinala mo ang kanyang Salita mula sa natutunan mo sa gawain, e ikaw pa ay mabubusog sa espiritwal. Magkakaroon ka ng Maka-Diyos na prinsipyo at direksyon sa buhay. Saan ka pa?

Mahalaga ang pagdalo at ang atikbong partisipasyon sa gawain ng Panginoon.
Ang ating pakitungo sa gawain ng Panginoon ay nagsasabi kung paano natin Siya pakitunguhan at kung paano ang pakitungo natin sa mga kasama natin sa gawain. Ang ating sinasabing pag-ibig at katapatan ay hindi hihigit sa ating ipinapakita.

Dadalo ka sa birthday, kasal o ano mang espesyal na okasyon ng kaibigan mo dahil pinapahalagahan mo ang tagapagdiwang. Tayo ba, pinapahalagahan ba natin ang Dakilang Panginoon? at kumusta naman ang pagaalaga natin sa ating buhay espiritwal?

Sabi ni Hesus, Ang Panginoon ang unang ibigin at pangalawa ay ang kapwa natin. Kapag ang inuna natin ang Panginoon, mama...
21/05/2026

Sabi ni Hesus, Ang Panginoon ang unang ibigin at pangalawa ay ang kapwa natin. Kapag ang inuna natin ang Panginoon, mamahalin rin natin ang ating kapwa tulad ng ating pamilya, ngunit kapag inuna natin ang ating kapwa, hindi natin masasabi na mahal nga natin ang Panginoon.

Ang pagmamahal na may reserbasyon o bahagi ay hindi tunay na pagmamahal sa Panginoon dahil ang kanyang pamantayan ay pagmamahal sa kanya ng BUONG buhay.

Kaya matutunan natin mahilin ang Panginoon ng buong puso, kaluluwa, isip, at lakas. Pagising sa umaga, siya ang sambahin. Magdasal bago kumain. Bago matulog, pagdasal niyo ang inyong mga anak. Kapag may alitan, ang Katarungan ng Diyos ang mauna at hindi ang relasyong kaibigan o kapamilya (kinship bias).

Una ang Panginoon at pangalawa ang kapwa. Ito ang tamang pagkakaayos ng ating relasyon sa Panginoon at sa kapwa.

21/05/2026

Ang pangangalunya ay hindi tatak na katangian ng isang taong ligtas.
Hindi natin ito kinukunsinti at ito ay ating itinutuwid dahil ito ay kasalanan sa Diyos. Bigyan ng halaga at respeto ang Panginoon at sa kanyang disenyo sa kanyang pinagbuklod ng kanyang Pag-ibig.

Kailangan natin ang Panginoong Hesus dahil Siya ang buhay at ang dahilan kung bakit tayo ay nabubuhay at may pagkatao. H...
21/05/2026

Kailangan natin ang Panginoong Hesus dahil Siya ang buhay at ang dahilan kung bakit tayo ay nabubuhay at may pagkatao. Hindi tayo sadyang nabuhay o lumitaw na lang sa mundong ito. Tayo ay nilikha ng Diyos, sa kanyang intensyon, pagmamahal, at kapangyarihan.

Kapag sumama ka sa mga malungkutin, magiging malungkutin ka rin. Kapag sumama ka sa miserable ang buhay, magiging misera...
20/05/2026

Kapag sumama ka sa mga malungkutin, magiging malungkutin ka rin. Kapag sumama ka sa miserable ang buhay, magiging miserable ka rin. Kapag sumama ka sa mga sumusuway sa batas, ikaw rin ay susuway at mapaparusahan pa.

Hindi ito ang plano ng Panginoon sa tao kaya nais Niya na makisama tayo sa mga tao na nabubuhay sa Kanyang pag-ibig. Sila ay walang tinatago, magpakumbaba, may kontrol sa sarili, mapayapa, masaya, magaan ang loob at marunong makisama. Malalaman at mararandaman mo na hindi pangkaraniwan ang mga lumaki sa pag-ibig ng Panginoon. Tayo ay lalago kapag kasama natin ang mga taong ito.

Ang Panginoon ay hindi vending machine o isang genie na taga-tupad ng ating mga kahilingan. Siya ang Diyos, ang nagbibig...
19/05/2026

Ang Panginoon ay hindi vending machine o isang genie na taga-tupad ng ating mga kahilingan. Siya ang Diyos, ang nagbibigay direksyon sa ating buhay. Ang kanyang mga utos na dapat natin sundin ay ilaw upang tayo ay makalakad ayon sa kung paano tayo nilikha. Siya ay sinasamba at sinusunod. Hindi lamang Siya ang taga bigay ng blessings o mga pangangailangan natin.

Ang totoong may relasyon sa Panginoon ay sumusunod sa kanya at hindi "thank you" lang ang pakitungo sa kanya. Siya ang Diyos na Dakila at karapat-dapat sambahin. Baka nakalimutan na rin natin mag sabi ng "sorry" sa kanya? Humingi ng tawad sa ating mga nagawang kasalanan.

Ating ayusin ang relasyon natin sa kanya bilang Panginoon ng ating buhay. Hindi ba napakabuti Niya sa atin?

Address

PALAR SOUTHSIDE
Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus Christ Our Almighty God Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share