25/05/2026
ANG PAG-AAYUNO SA YAWMUL ARAFAH
Sinabi ng Rasulullah ﷺ:
"Kapatawaran sa taon na lumipas at sa taon na darating."
Iniulat ni Muslim 1162.
*****
ARAW NG ARAFAH
Dhul Hijjah 9 / May 26, 2026
الحمد لله رب العالمين، وبعد:
◾Ang araw ng Arafah ay ang ika-9 na araw sa buwan ng Dhul Hijjah. At ito ay kabilang sa mga araw na lubos na kaibig-ibig kay Allah (Subhanahu wa taala) ang mga magagawang pagsamba dito. Sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam):
«مَا مِنْ أيَّامٍ العَمَلُ الصَّالِحُ فَيْهَا أَحَبُّ إِلَى اللهِ مِنْ هَذِهِ الأَيَّامِ.» -يَعْنِي أَيَّامَ العَشْرِ-، قَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ، وَلَا الجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللهِ؟ قَالَ: «وَلَا الجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللهِ، إِلَّا رَجُلٌ خَرَجَ بِنَفْسِهِ وَمَالِهِ فَلَمْ يَرْجِعْ مِنْ ذَلِكَ بِشَيْءٍ.» [صحيح أبي داود: 2107]
“Walang mga araw, na ang mabuting gawain sa mga ito ay lubos na kaibig-ibig kay Allah, maliban sa mga araw na ito (ang unang sampung-araw ng Dhul Hijjah).” Kanilang sinabi: O Rasulullah, maging ang Jihad para sa landas ni Allah (ay mas mainam ang mabuting gawain sa mga araw na ito)? Kanyang sinabi: “Maging ang Jihad para sa landas ni Allah, maliban sa lalaking inilabas ang sarili niya at yaman niya, at hindi na nakabalik mula doon kasama ang mga ito.”
At ang pinakamainam na gagawin ng muslim sa araw na ito, ay ang PAG-AAYUNO.
Nang tanungin ang Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) hinggil sa pag-aayuno sa Araw ng Arafah, ay Kanyang sinabi:
«يُكَفِّرُ السَّنَةَ الْمَاضِيَةَ وَالْبَاقِيَةَ.» [مسلم: 1162]
“Kapatawaran sa taon na lumipas at sa taon na darating.”
◾Gayundin, na ang Araw ng Arafah ay araw na maraming maililigtas mula sa apoy ng Impyerno. Sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam):
«مَا مِنْ يَوْمٍ أَكْثَرَ مِنْ أَنْ يُعْتِقَ اللهُ فِيهِ عَبْدًا مِنَ النَّارِ مِنْ يَوْمِ عَرَفَةَ.» [مسلم: 1348
]
“Walang araw na maraming ililigtas si Allah dito na alipin mula sa Apoy (ng Impyerno) maliban sa Araw ng Arafah.”
◾Gayundin, na ang Araw ng Arafah ay araw na napakainam ang magparami dito ng du-ah (o panalangin). Sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam):
«خَيْرُ الدُّعَاءِ دُعَاءُ يَوْمِ عَرَفَةَ.» [الترمذي: 3585، وحسنه الألباني في صحيح وضعيف سنن الترمذي: 8/85]
“Mainam na du-ah ang du-ah sa Araw ng Arafah.”
◾Gayundin, na ang Araw ng Arafah ang siyang pinakamainam na araw sa loob ng taon, ayon sa ilang Ulama, tulad ni Imam Nawawiy.
[Yundhar: Al-minhaj: 9/117]
◾Gayundin, na ang Araw ng Arafah ay siyang araw na pupunta ang mga nagsasagawa ng Hajj sa Arafah upang manatili doon, o ang sinasabing “Wuquf”. At iyan ay kabilang sa haligi ng Hajj, na sinuman ang hindi niya ito maisagawa ay hindi wasto ang kanyang Hajj.
📌USAPIN:
◾Hindi makakapag-ayuno sa Araw ng Arafah dahil sa pagkakaroon ng dahilan o hadlang. Tulad kung nagkasakit, o nasa paglalakbay, o babaeng dinatnan ng buwanang-bisita.
👉 Kung ang isang muslim ay kaugalian niyang isinasagawa ang isang pagsamba, at nagkaroon ng dahilan o hadlang upang hindi maisagawa ang pagsambang nakaugalian, ay makakamit parin niya ang gantimpala ng pagsambang yaon in sha Allah.
Halimbawa niyan ay nakasanayang mag-ayuno sa Araw ng Arafah kada-taon, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasakit, o nakapaglakbay at nahirapang mag-ayuno, o babaeng dinatnan ng buwanang-bisita, ay makakamit parin ang gantimpala ng ayuno sa Araw ng Arafah in sha Allah.
Sinabi ng Rasullullah (SallAllahu alayhi wa sallam):
«إِذَا مَرِضَ العَبْدُ، أَوْ سَافَرَ، كُتِبَ لَهُ مِثْلُ مَا كَانَ يَعْمَلُ مُقِيمًا صَحِيحًا.» [البخاري: 2996]
“Kung nagkasakit ang alipin, o naglakbay, ay isusulat (o igagawad) parin sakanya ang tulad ng kanyang (nakaugaliang) ginagawa (na pagsamba) kapag siya ay hindi naglalakbay o walang sakit.”
Sinabi ni Ibn Hajr (Rahimahullah):
«وَهُوَ فِي حَقِّ مَنْ كَانَ يَعْمَلُ طَاعَةً فَمُنِعَ مِنْهَا وَكَانَتْ نِيَّتُهُ لَوْ لَا الْمَانِعُ أَنْ يَدُومَ عَلَيْهَا.» [فتح الباري: 6/136]
“At iyan ay sa sinumang gumagawa ng pagsamba, at nahadlangan siya mula dito, na ang kanyang ntension ay kung wala ang hadlang na ito ay kanyang ipagpapatuloy (ang pagsambang) ito.”
PAALA-ALA:
◾Ang pag-aayuno sa Araw ng Arafah ay hindi ipinapahintulot sa kasalukuyang nagsasagawa ng Hajj.
◾Lubos na napakainam kung ang buong-pamilya ay nagpapahalaga sa araw na ito, tulad kung lahat sila mag-aayuno sa araw na ito.
والله أعلم، وصلى الله على نبينا محمد.
✍️: Shk. Amer Ibn Ali Pundogar حفظه الله
*****