09/08/2026
ANUNSYO NG PAGKAKANSELA NG GAWAIN
Petsa: Linggo, Agosto 9, 2026
Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat.
Dahil po sa tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan kagabi at pabugso-bugso pa ring pag-ulan ngayong umaga, pinasok po ng tubig ang ating bahay-panambahan mula sa mga tulo sa bubong, ikalawang palapag, at kusina. Kasalukuyan po itong nililinis at pinapatuyo ng ating mga manggagawa.
Dahil dito, minabuti po ng pamunuan na IKANSELA MUNA ANG ATING GAWAIN NGAYONG ARAW para sa kaligtasan ng bawat isa, lalo na ng ating mga bata sa Sunday School.
Samahan niyo po kami sa panalangin para sa proteksyon at kaligtasan ng bawat pamilya, at sa mabilis na paghupa ng masamang panahon.
Manatili po tayong ligtas at tuyo sa ating mga tahanan. Pagpalain po tayong lahat ng ating Poong Maykapal.