14/12/2025
KEEP YOUR EYES ON JESUS
(drawn from Pastor Tony Lacar's message today based on Hebrews 12:2 and Matthew 14:28-31)
Minsan sa buhay, parang ang lakas ng hangin. Parang alon na sunod-sunod—
problema, pressure, takot, pagod.
Tapos tinatanong mo sarili mo, “Lord, kaya ko pa ba?”
Sabi sa Hebrews 12:2, “Fix your eyes on Jesus…”
Hindi sa problema.
Hindi sa ingay.
Hindi sa mga boses na nagsasabing, “Sumuko ka na.”
Kay Jesus.
The Author.
The Finisher.
Hindi lang Siya nagsimula ng faith mo—
Siya rin ang tatapos.
Pero aminin natin. Minsan parang si Peter tayo sa Matthew 14.
Sumigaw ka, “Lord, kung Ikaw ‘yan, tawagin Mo ako.” Ang tapang mo nung una.
One step.
Two steps.
Naglalakad ka na sa tubig, akala mo strong ka na, akala mo kaya mo na.
Pero biglang lumakas ang hangin. Biglang bumigat ang dibdib. Biglang napatingin ka sa alon instead na sa Kanya.
At doon ka nagsimulang lumubog.
Hindi dahil mahina si Jesus kundi dahil nalihis ang tingin mo.
Pero alam mo kung anong nakakagaan ng puso? Hindi ka Niya pinabayaan lumubog.
Sabi ng Bible, “Immediately, Jesus reached out His hand.” Hindi later. Hindi kapag okay ka na ulit. Immediately.
Kahit konti ang faith mo.
Kahit nanginginig ka.
Kahit umiiyak ka na lang at sinasabing,
“Lord, save me.”
Hindi Niya sinabi, “Sabi ko sa’yo eh.”
Hindi Niya sinabi, “Ayusin mo muna sarili mo.”
Inabot ka Niya.
Kaya kung pagod ka ngayon fix your eyes on Jesus.
Kung natatakot ka fix your eyes on Jesus.
Kung feeling mo lulubog ka na fix your eyes on Jesus.
Hindi mawawala ang hangin. Hindi titigil ang alon. Pero may Savior na mas malakas
kaysa sa lahat ng ‘yan.
At habang nakatingin ka sa Kanya,
matututunan mong maglakad muli kahit sa gitna ng bagyo.
Kaya kapit lang.
Tingala lang.
Eyes on Jesus, always.