SÑR. DUKHA - ANPON Taguig

SÑR. DUKHA - ANPON Taguig Isa sa Replika ng Grupo ng ANAK NG POONG NAZARENO

24/12/2025

Maligayang Araw ng Kapanganakan ni Niño Hesus, ang ating tagapaglitas🌲

Merry Christmas🌲🌲🌲

Mga KaDeboto! Narito ang Opisyal na Logo at Tema para sa Pambansang Kapistahan ng Mahal na Poong Jesus Nazareno 2026.NAZ...
28/10/2025

Mga KaDeboto! Narito ang Opisyal na Logo at Tema para sa Pambansang Kapistahan ng Mahal na Poong Jesus Nazareno 2026.

NAZARENO 2026 (Debosyon • Traslacion • Misyon)
𝐓𝐄𝐌𝐀: "𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐒𝐈𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐬𝐬, 𝐚𝐭 𝐀𝐊𝐎 𝐧𝐚𝐦𝐚'𝐲 𝐁𝐔𝐌𝐀𝐁𝐀." 𝐉𝐮𝐚𝐧 𝟑:𝟑𝟎

*****

***𝐏𝐀𝐋𝐈𝐖𝐀𝐍𝐀𝐆 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐄𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐆𝐈𝐒𝐀𝐆***

Ang sagisag ng Nazareno 2026 na may temang “Dapat Siyang Tumaas at Ako nama’y Bumaba” (Juan 3:30), ay masasalamin sa tatlong mahahalagang pagpapahalaga: Pagpupuri (Praise), Kababaang-loob (Humility), at Pananampalataya (Faith).

Ipinapakita ng bawat elemento kung paanong nararapat na maitaas natin si Kristo, hindi lamang sa Traslacion, kundi sa ating mga buhay sa pamamagitan ng pananampalataya at kababaang-loob.

***𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐑𝐈 (𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐚𝐬…)
Sa pinakasentro ng logo ay makikita ang imahe ng Poong Hesus Nazareno na literal na itinataas—isang malinaw na pahayag na Siya lamang ang nararapat itanghal at papurihan. Siya ay itinataas ng mga mananampalataya bilang tanda ng pagpupuri, na hindi lamang natatapos sa debosyon at panalangin, kundi sa pagtulong at paglilingkod sa kapwa.

Ang liwanag na nagmumula sa Kanya ay tanda ng Kanyang walang hanggang kaluwalhatian, na bagama’t madalas ay natatabunan ng bigat ng ating krus at suliranin, ay patuloy na nagbibigay gabay at pag-asa sa mga mapagpakumbabang puso.

Sa Traslacion, si Kristo ay ‘dapat tumaas,’ upang Siya ay mapapurihan at upang Siya ay makita ng mas marami pang mga deboto. Itinuturo nito na sa ating buhay, sa tuwing ating itinataas si Kristo, lalu siyang mas nakikilala ng iba.

***𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐀𝐍𝐆-𝐋𝐎𝐎𝐁 (…𝐚𝐭 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚’𝐲 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚)
Ang mga katagang “at ako nama’y maibaba” ay nagpapakita ng intensiyonal na ‘pagbaba’ o pagpapakung-baba upang si Kristo ay maitaas. Ito ay makikita sa sagisag sa pamamagitan ng dalawang deboto na may buhat sa andas ng Poong Hesus Nazareno.

Sa Traslacion, ang pagtataas sa Poong Nazareno ay nagaganap sa pamamagitan ng mga taong handang bumabá at magpakumbaba. Ang pagbuhat ng mga deboto ay malinaw na tanda ng pagbababa ng sarili- isang mahalagang katangian na tinataglay ng isang tagasunod ng Poong Hesus.

Ang katangian ng kababaang loob na nagtataas sa Poong Nazareno ay ang karunungan na maging instrumento upang mas higi na makilala si Hesus. Ang sakripisyo, pagod, at pagtitiis ng mga deboto sa kabila ng mga kanya kanyang pasanin sa buhay ay lalu pang nagtataas at nakapagbibigay papuri sa Diyos.

Ang batang nasa imahe ay isang buhay na paalala ng Ebanghelyo, “Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit (Mateo 18:4.)”

***𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐌𝐏𝐀𝐋𝐀𝐓𝐀𝐘𝐀 (𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐚𝐬 𝐚𝐭 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚’𝐲 𝐁𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚)
Ang buong tema ng Traslacion 2026 ay lubos na nakaugat sa pananampalataya. Ang malaking puting tela na bumabalot sa buong sagisag ay sumisimbolo sa lahat ng panyo na pinapahid ng mga deboto sa Poong Hesus Nazareno. Ang tradisyonal na pagdadampi ng mga deboto ng puting tela o panyo sa imahen ay malalim na tanda ng pananampalataya at nagpapahayag ng marubdob na panalangin at pag-asa ng bawat isang deboto.

Ang lubid naman na nakapaikot sa puting tela ay nagpapakita kung paanong ang pananampalataya ay lalung napagtitibay sa sama-samang pagdedebosyon at pagsasalya.
Sa bandang likuran ng sagisay ay nakatayo ang Simbahan ng Quiapo na nagsisilbing sagisag ng matatag na pananampalatayang Pilipino na nakaugat sa kababaang loob at pagpupuri sa Diyos.

Ang logo ay naglalaman ng malinaw na mensahe ng tema: “Dapat Siyang tumaas at ako nama’y bumaba.” Sa bawat elemento ay naipapakita na ang ating debosyon sa Poong Hesus Nazareno ay umiikot sa pagpupuri, kababaang-Loob, at pananampalataya – mga pagpapahalagang isinasabuhay ng bawat deboto hindi lamang sa Traslacion kundi sa buhay disipulo.

*****

Para sa ilang gawain at paghahanda manatiling nakatutok lamang sa mga opisyal na Social Media Platform ng simbahan upang makaiwas sa anumang pagkalito o fake news na madalas gamitin ng ilang mapagsamantala.


25/10/2025
Nagaganap ang pagrorosaryo ng mga misteryo ng Luwalhati 12:00am🙏🏻🙏🏻🙏🏻
25/10/2025

Nagaganap ang pagrorosaryo ng mga misteryo ng Luwalhati 12:00am🙏🏻🙏🏻🙏🏻






PAANYAYA!ISANG MAPAGPALANG ARAW PO SA INYO MGA KAPATID NAMIN SA PANANAMPALATAYA, KAMI PO ANG ANPON TAGUIG AY MAGDARAOS N...
24/10/2025

PAANYAYA!

ISANG MAPAGPALANG ARAW PO SA INYO MGA KAPATID NAMIN SA PANANAMPALATAYA, KAMI PO ANG ANPON TAGUIG AY MAGDARAOS NG IKA-10 TAON NA ANIBERSARYO NA GAGANAPIN SA BLOCK 10 COVERED COURT CAMACHILE ST, BARANGAY WESTERN BICUTAN TAGUIG CITY SA DARATING NA (OCTOBER 26 2025) SA GANAP NA 3:00pm NA PANGUNGUNAHAN NG BANAL NA SANTO ROSARYO AT SUSUNDAN NG PRUSISYON NG MAHAL NA SENIOR BOSS & SENIOR DUKHA NGAYON PA LAMANG PO KAMI AY LUBOS NA NAGPAPASALAMAT SA INYONG MASIDHING SUPORTA AT PANANAMPALATAYA!!!

📍Block10 Covered Court BlueprincePH
📍BlueprincePH

SENIOR BOSS
SENIOR DUKHA

Nagaganap ang pagrorosaryo ng bawat kawan ng Ina ng mga Dukha Parish🙏🏻🙏🏻🙏🏻
24/10/2025

Nagaganap ang pagrorosaryo ng bawat kawan ng Ina ng mga Dukha Parish🙏🏻🙏🏻🙏🏻






Nagaganap ang pagrorosaryo ng bawat kawan ng Ina ng mga Dukha Parish🙏🏻🙏🏻🙏🏻
23/10/2025

Nagaganap ang pagrorosaryo ng bawat kawan ng Ina ng mga Dukha Parish🙏🏻🙏🏻🙏🏻






Nagaganap ngayon ang banal na pag rorosaryo ng kawan St. Camillus
22/10/2025

Nagaganap ngayon ang banal na pag rorosaryo ng kawan St. Camillus






20/10/2025
04/04/2025

Kwaresma sa Kawan✝️✝️✝️

SR. AMA sa Arbor Lanes Community pa balik sa Parokya ng Ina ng mga Dukha Parish 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

SR. AMA
Parokya ng Ina ng mga Dukha
ANPON-Taguig

Address

Sampaloc Street, Western Bicutan
Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SÑR. DUKHA - ANPON Taguig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share