Sta. Ana de Taguig

Sta. Ana de Taguig ARCHDIOCESSIAN SHRINE OF ST.ANNE

"SA MGA SAKUNA'T KARAMDAMAN, KAMI'Y 'YONG PATNUBAYAN. "   ~Himno kay Santa Ana.πŽπ‘π€π“πˆπŽ πˆπŒππ„π‘π€π“π€:ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 πˆππ€π†-π€πƒπ˜π€...
09/11/2025

"SA MGA SAKUNA'T KARAMDAMAN, KAMI'Y 'YONG PATNUBAYAN. "
~Himno kay Santa Ana.

πŽπ‘π€π“πˆπŽ πˆπŒππ„π‘π€π“π€:

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 πˆππ€π†-π€πƒπ˜π€ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πŠπ€π‹π€πŒπˆπƒπ€πƒ

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan.

Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na.

Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, paglindol, at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- a***n at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.

Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus, Amen.

Santa Ana, aming Dakilang Patrona, Ipanalangin mo kami.

28/07/2025

PISTANG ILOG ALAY KAY SANTA ANANG BANAK.

Tuwing ika-26 ng Hulyo, ipinagdiriwang ang liturhikal na kapistahan sa karangalan nina San Joaquin at Santa Ana. Mga magulang ng Mahal na Birheng Maria. Ulirang Impo ni Hesus. Ang Dakilang Patrona ng Taguig.

Santa Ana, salamat at patuloy mo kaming ipanalangin.

Viva Santa Ana!🎏

27/07/2025

Ana (sa Hebreo, β€œbiyaya”) ang pangalan ng naging asawa ni Joaquin na galing sa tribo ni Juda at sa lahi ni Haring David. Ang pinakamalaking biyaya dulot ni Santa Ana ay ang kanyang anakβ€” ang Mahal na Birheng Maria, ang ina ng ating Panginoong Hesukristo.

PASASALAMAT SA DIYOS

Mapagmahal na Ama na puno ng kaluwalhatian, pinili mo si Santa Ana na maging dakilang ina ng Birheng Maria. Pinili mo siya sa pagtupad ng tungkulin na gabayan ang paglaki ng Birheng Maria sa kabanalan. Nagpapasalamat kami sa pagpili mo kay Santa Ana, na maging huwarang ina, banal na tagapag-alaga ng Ina ng Panginoong Hesus. Nagpapasalamat kami sa kabanalan ni Santa Ana na naging karapatdapat na kasangkapan sa paghirang kay Birheng Maria bilang piniling Ina ng aming Tagapagligtas.

Luwalhati sa Iyo Diyos Ama, pinupuri ka namin dahil sa dakila mong pagmamahal at pagkamaawain. Luwalhati sa iyo na tunay na minamahal ng mga banal sa langit. Ikaw ang aming dakilang Diyos, mapagmahal na Ama namin at ni Kristo, aming Tagapagligtas, kaisa ng Banal na Espiritu sa buhay na walang hanggan. Amen.

Santa Ana, salamat at patuloy mo kaming ipanalangin.

27/07/2025

Papurihan naman natin ngayon ang ating mga ninuno,
Ang mga lalaking natanyag noong kani-kanilang panahon.
Narito ang mga lalaking tunay na may takot sa Diyos,
Ang kanilang ginawa'y hindi pa nalilimutan.
Patuloy na mamanahin ng kanilang mga inapo
Ang kanilang magandang pangalan,
At ito ang kanilang magiging mahalagang kayamanan.
Dahil sa tipan sa kanila ng Panginoon,
Nananatiling matatag ang kanilang angkan.
At alang-alang pa rin sa kanila
Ay magpapatuloy hanggang sa kani-kanilang kaapu-apuhan.
Hindi mapuputol ang kanilang lahi,
Hindi maglalaho ang kanilang katanyagan.
Malaon ng nalibing ang kanilang bangkay,
subalit mananatili pa ring buhay ang kanilang pangalan,
Matatanyag sa mga bansa ang kanilang katalinuhan,
At patuloy silang pararangalan ng buong sambayanan.

-Sirac 44 :1, 10-15

Santa Ana, salamat at patuloy mo kaming ipanalangin.

ANG NGALAN MONG MATIMYAS,HABANG SINASAMBIT,NAGBIBIGAY LUNAS,SA DUSA NG HAPISSANGA ANANG MAHAL NAMINKAMI'Y IYONG IDALANGI...
25/07/2025

ANG NGALAN MONG MATIMYAS,
HABANG SINASAMBIT,
NAGBIBIGAY LUNAS,
SA DUSA NG HAPIS

SANGA ANANG MAHAL NAMIN
KAMI'Y IYONG IDALANGIN

Ika Siyam na Araw

Pagninilay tungkol sa Kapalad palarang kamatayan ni San Joaquin at Santa Ana

PANALANGIN KAY SANTA ANA

Mahabagin naming tagapag ampon, ang lalong kinakailangan ng aming kaluluwa ay ang manatili sa kabanalan, sapagka't kung gayon, ay makakamtan namin ang lahat ng kagalingan, kaginhawaan, at kaluwalhatiang walang hanggan, at maliligtas kami sa lahat ng kasamaan, kahirapan at karalitaang wala ring hanggan.
Laking kapalaran namin kung makamtan itong lubhang dakilang kagalingan at mga biyaya.
Datapuwat, pagkasaliwang palad namin,
kundi namin makamtan ang kagalingan ito,
sapagkat ang kasasapitan namin ay ang walang katapusang sakit sa apoy sa in****no.

Maluwalhating Santa Ana,
huwag mo pong likatan ang mga pagdalangin sa kamahal- mahalan mong apong si Hesus at kalinis linisan at walang bahid dungis sa birheng pinakaiibig mong anak,
na papanalilihan kami sa kabanalan;
at ang santong pag ibig sa kaniya'y margdagan at magningas sa aming mga loob ng lalo at lalo, na pagpilitan namin na makilala't sintahin ng lahat ang kamahal- mahalang puso ni Hesus at Maria, at ng sa pamamagitan ng aming mga panalangin, mga pag aayuno, paglilimos, pagsupil ng masasama naming kaugalian, lalung lalo na ang pinaghihurapan naming supilin, ng makamtan namin;
kauna unaha'y ang pagkagaling naming walang hanggan,
at ang ikapagbabalik loob ng mga makasalanan,
ang ikapapanatili ng mga banal,
at ang ikahahango't ikapagpapahingala'y ng mga kaluluwa sa purgatoryo, ng kaming lahat ay makasama mo po,
totoong mapagpala naming pintakasi,
diyan sa kaluwalhatiang magpsawalang hanggan. Siya nawa

(magdasal ng Tatlong Ama Namin,
Aba Ginoo at Luwalhati para sa mga kaluluwa sa Purgatoryo)

Address

Liwayway Street, Sta. Ana
Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta. Ana de Taguig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share