Sta.Ana De Taguig

Sta.Ana De Taguig This page is created to help spread the devotion to Saint Anne, our sworn patroness, mother of the Blessed Virgin Mary, and Grandmother of our Lord Jesus.

01/07/2023

Mahal na Poong Santa Ana, Ipanalangin mo kami!

Viva Po Ana!

25/05/2023

ORATIO IMPERATA: PANALANGIN PARA IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDAD LALO NA SA PAPARATING NA BAGYO

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan.

Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na.

Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- a***n at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.

Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus.

Amen.

Santa Ana at Batang Maria, ipanalangin ninyo kami!

“PAGDALAW NG APO SA LOLA”Pagdalaw ng Itim na Nazareno mula sa kaniyang Basilika sa Quiapo patungo sa ating ParokyaAPRIL ...
27/04/2023

“PAGDALAW NG APO SA LOLA”
Pagdalaw ng Itim na Nazareno mula sa kaniyang Basilika sa Quiapo patungo sa ating Parokya
APRIL 28-30, 2023

PABATID PARA SA DALAW NAZARENO:
Abril 28-30, 2023

Narito ang Balangkas ng mga Banal na Gawain para sa Unang Araw ng Pagdalaw ng Replika ng Itim na Nazareno ng Quiapo sa ating Basilika.

23/03/2023
07/03/2023

Ngayon po ay ang Unang Martes ng Buwang Pamimintuho kay Mahal na Poong Santa Ana.

PASASALAMAT SA DIYOS

Mapagmahal na Ama na puno ng kaluwalhatian, pinili mo si Santa Ana na maging dakilang ina ng Birheng Maria. Pinili mo siya sa pagtupad ng tungkulin na gabayan ang paglaki ng Birheng Maria sa kabanalan. Nagpapasalamat kami sa pagpili mo kay Santa Ana, na maging huwarang ina, banal na tagapag-alaga ng Ina ng Panginoong Hesus. Nagpapasalamat kami sa kabanalan ni Santa Ana na naging karapatdapat na kasangkapan sa paghirang kay Birheng Maria bilang piniling Ina ng aming Tagapagligtas.

Luwalhati sa Iyo Diyos Ama, pinupuri ka namin dahil sa dakila mong pagmamahal at pagkamaawain. Luwalhati sa iyo na tunay na minamahal ng mga banal sa langit. Ikaw ang aming dakilang Diyos, mapagmahal na Ama namin at ni Kristo, aming Tagapagligtas, kaisa ng Banal na Espiritu sa buhay na walang hanggan. Amen.

**Magkakaroon po tayo ng Prusisyon para sa Karangalan ni Mahal na Poong Santa Ana pagkatapos ng Banal na Misa sa 6:00 ng gabi. Ito ay lilibot sa Bukluran ng San Sebastian, Brgy. Wawa, Taguig City.

Blessed Ash Wednesday!
22/02/2023

Blessed Ash Wednesday!

“Remember You are Dust and to Dust You Shall Return”


21/02/2023

Ash Wednesday marks the first day of the Lent season. With this, the Minor Basilica & Archdiocesan Shrine Parish of St. Anne invites you to celebrate Ash Wednesday on February 22, 2023.

IKATLONG ARAW NG TRIDUUM | BISPERAS NG KAPISTAHANIkasiyam na Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Tagu...
18/02/2023

IKATLONG ARAW NG TRIDUUM | BISPERAS NG KAPISTAHAN

Ikasiyam na Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Taguig alay kay Santa Ana!

PAGHAHANDOG NG SIYAM NA ARAW NA PANANALANGIN BILANG PAGHAHANDA SA PAGDIRIWANG NG PISTANG BAYAN NA ALAY KAY MAHAL NA POONG SANTA ANA

IKASIYAM NA ARAW
(Bisperas ng Pistang Bayan)

Pinupuri naming Santa Ana, idulog mo sa iyong Kabanal-banalang Apo, ang aming Panginoong Hesukristo, at sa iyong Mapagmahal na anak na si Birheng Maria, ang aming mga panalangin para sa lahat ng mga pamilya na magkabuklod-buklod sa pagtutulungan at pagmamalasakit lalo na sa mga mahihirap at may mga dinadalang mabigat na krus sa landas ng buhay. Ipinapanalangin namin ang lahat na mga pamilya na manatiling nagkakaisa sa tunay na pagmamahalan at pananampalataya sa Diyos. Ang kabutihan at magandang halimbawa ng bawat pamilya ay patuloy na magliwanag sa lipunan. Sa tulong ng iyong mga panalangin sa langit, ang mga magagandang asal sa bawat pamilya ay patuloy na maibahagi sa iba’t-ibang komunidad na ninanais ng Diyos na manatili rin sa kabutihan at pagmamahal ayon sa itinuro ni Hesus sa ebanghelyo. Ipinapanalangin namin na ang lahat ng miyembro ng pamilya - ang mga mag-asawa, ang mga magulang, ang mga anak, at ang mga kamag-anak ay patuloy na magpakita ng magandang halimbawa ng pagsasabuhay ng ebanghelyo ng pagmamahal at pagpapatawad na itinuro ni Hesus. Kami ay nananalig sa tulong mo, O Santa Ana, at iniaalay rin namin ang aming mga dasal na may pagmamahal sa iyong Anak, ang Birheng Maria, at may pananampalataya sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo. Amen.

(Dasalin ang “Ama Namin”, “Aba Ginoong Maria”, at “Luwalhati”)

IKALAWANG ARAW NG TRIDUUMIkawalong Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Taguig alay kay Santa Ana!
18/02/2023

IKALAWANG ARAW NG TRIDUUM

Ikawalong Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Taguig alay kay Santa Ana!

PAGHAHANDOG NG SIYAM NA ARAW NA PANALANGIN BILANG PAGHAHANDA SA PAGDIRIWANG NG PISTANG BAYAN NA ALAY KAY MAHAL NA POONG SANTA ANA

IKAWALONG ARAW
(Ikalawang Araw ng Triduum)

Pinupuri naming Santa Ana, idulog mo sa iyong Kabanal-banalang Apo, ang aming Panginoong Hesukristo, at sa iyong Mapagmahal na anak na si Birheng Maria, ang aming mga panalangin para sa lahat ng mga nag-aalaga sa mga matatanda at mga maysakit. Tulungan mo sa pamamagitan ng iyong mga panalangin ang lahat na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga matatanda at maysakit upang sila ay mabigyan ng kaginhawahan at tamang tulong sa mga paghihirap na kanilang dinaranas. Ipanalangin mo sa langit na gabayan ang lahat na nag-aalaga ng mga matatanda at maysakit. Ipinapanalangin din namin na ang kanilang pag-aalaga ay may kalakip ng tunay na pagmamahal at paglilingkod. Ang kanilang pagbabantay at pag-aaruga sa mga matatanda at maysakit ay maging bahagi ng kanilang pakikiisa sa sakripisyo ng Panginoong Hesukristo. Ang kanilang kapaguran at pagpapasensiya sa paglilingkod at pagpapasensya sa mga nanghihina, dahil sa katandaan at karamdaman, ay mabasbasan nawa ng biyaya ng Panginoon, na may tunay na pagmamalasakit sa mga nag-aalay ng sakripisyo sa buhay. Ang kagalakan ng paglilingkod ay mapasa-kanilang puso. Maramdaman nawa nila ang presensya ni Kristo sa mga matatanda at mga maysakit. Ito ay aming hinihiling nang may pagmamahal sa iyong anak, ang Birheng Maria, at may pananampalataya sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo. Amen.

(Dasalin ang “Ama Namin”, “Aba Ginoong Maria”, at “Luwalhati”)

UNANG ARAW NG TRIDUUMIkapitong Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Taguig alay kay Santa Ana!
16/02/2023

UNANG ARAW NG TRIDUUM

Ikapitong Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Taguig alay kay Santa Ana!

PAGHAHANDOG NG SIYAM NA ARAW NA PANALANGIN BILANG PAGHAHANDA SA PAGDIRIWANG NG PISTANG BAYAN NA ALAY KAY MAHAL NA POONG SANTA ANA

IKAPITONG ARAW
(Unang Araw ng Triduum)

Pinupuri naming Santa Ana, idulog mo sa iyong Kabanal-banalang Apo, ang aming Panginoong Hesukristo, at sa iyong Mapagmahal na anak na si Birheng Maria, ang aming mga panalangin para sa lahat ng mga matatanda, mga lolo at lola. Ipinapanalangin namin ang lahat ng mga matatanda, na maramdaman nila ang mapagmahal na pag-aaruga sa kanila ng mga minamahal nila sa buhay. Sa tulong ng iyong mga panalangin, banal na Santa Ana, maramdaman nawa ng mga matatanda ang patuloy na pag-aalaga sa kanila sa estado ng kanilang katandaan at kahinaan ng katawan. Ipinapanalangin namin ang lahat ng mga lolo at lola sa kanilang pagsusumikap na maging mapagpanalangin at mapagmahal. Manatili sana sila sa biyaya ng kabanalan bilang paghahanda sa maluwalhating pagtanggap sa kanila sa ikalawang buhay. Tulungan mo ang mga matatanda sa kanilang mga paghihirap, lalo na iyong mga maysakit at nanghihina na dahil sa katandaan. Maialay rin nila sa kanilang panalangin ang kanilang mga kahinaan at paghihirap bilang pakikiisa sa sakripisyo ni Kristo. Makamtan nawa nila ang banal na kagalakan sa puso sa estado ng kanilang buhay na patuloy na nananalig sa pagmamahal ng Birheng Maria at ng Diyos Ama, Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

(Dasalin ang “Ama Namin”, “Aba Ginoong Maria”, at “Luwalhati”)

Ika-Anim na Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Taguig alay kay Santa Ana!
16/02/2023

Ika-Anim na Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Taguig alay kay Santa Ana!

PAGHAHANDOG NG SIYAM NA ARAW NA PANALANGIN BILANG PAGHAHANDA SA PAGDIRIWANG NG PISTANG BAYAN NA ALAY KAY MAHAL NA POONG SANTA ANA

IKAANIM NA ARAW

Pinupuri naming Santa Ana, idulog mo sa iyong Kabanal-banalang Apo, ang aming Panginoong Hesukristo, at sa iyong Mapagmahal na anak na si Birheng Maria, ang aming panalangin para sa lahat ng mga anak sa pamilya na ninanais ng Diyos na manatili sa biyaya ng tunay na pagmamahalan. Dakila ang iyong ginawang paggabay sa paglaki ng iyong banal na anak na si Birheng Maria. Kaya naman puno siya ng pasasalamat sa iyo bilang isang huwaran na ina ng pinagpalang pamilya. Ipinapanalangin namin na ang lahat ng mga anak ay magpakita rin ng kanilang buong-pusong pasasalamat sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa mga iniuutos ng mga magulang na ayon sa ikabubuti nila at nararapat din ayon sa kalooban ng Diyos. Sa tulong mo, ipinapanalangin din namin na ang mga anak ay magsumikap sa pagtulong sa kanilang mga kapakanan ng buong pamilya. Manatili nawa na nagkakaisa ang mga anak kasama ang kanilang mga magulang sa pagpapahalaga ng tamang disiplina at pagmamahalan sa loob ng tahanan. Tulungan mo po kami sa aming mga kahilingan na aming iniaalay sa Diyos na pinakadakila sa pag-ibig sa Kaha***n na walang hanggan. Amen.

(Dasalin ang “Ama Namin”, “Aba Ginoong Maria”, at “Luwalhati”)

Ikalimang Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Taguig alay kay Santa Ana!
15/02/2023

Ikalimang Araw ng Nobena para sa Pistang Pasasalamat ng Bayan ng Taguig alay kay Santa Ana!

PAGHAHANDOG NG SIYAM NA ARAW NA PANALANGIN BILANG PAGHAHANDA SA PAGDIRIWANG NG PISTANG BAYAN NA ALAY KAY MAHAL NA POONG SANTA ANA

IKALIMANG ARAW

Pinupuri naming Santa Ana, idulog mo sa iyong Kabanal-banalang Apo, ang aming Panginoong Hesukristo, at sa iyong Mapagmahal na anak na si Birheng Maria, ang aming panalangin para sa lahat ng mga ama at esposo ng mga tahanan. Tulungan mo sa pamamagitan ng iyong mga panalangin, ang lahat ng mga pagsasakripisyo ng mga ama para sa kanilang pamilya. Ipinapanalangin namin na mabigyan ng sapat na kakayahan at lakas ang mga ama para sa kanilang mga gawain ng pagmamahal sa loob o sa labas man ng kanilang tahanan. Makamtan nawa nila ang biyaya ng paggabay ng Diyos sa kanilang mga trabaho para matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Naramdaman ng iyong asawa, si San Joaquin, ang iyong taos-pusong pag-ibig at pag-aasikaso sa kanyang pang araw-araw na pangangailangan. Maramdaman din nawa ng mga esposo sa tahanan ang tamis ng tunay na pagmamahal at pag-aalaga ng mga esposa sa kanila. Ipinapanalangin namin na matupad ng lahat ng esposo at ama ng mga pamilya, sa tamang pamamaraan, ang kanilang mga tungkulin. At makamtan din nila ang tugon ng pagmamahal ng kanilang mga anak. Ito ang aming hinihiling na may pananalig sa iyong mga panalangin sa langit na kung saan ikaw ay lubos na nagagalak sa pagmamahal ng Birheng Maria at sa kaluwalhatian ng Diyos Ama, Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

(Dasalin ang “Ama Namin”, “Aba Ginoong Maria”, at “Luwalhati”)

Address

Taguig
1637

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta.Ana De Taguig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share