DPBEC Page

DPBEC Page A page of the pastoral accompaniment of BECs in the Diocese of Pasig

PASIG BEC MONTHLY MEETING DONE
29/07/2026

PASIG BEC MONTHLY MEETING DONE

28/06/2026
28/06/2026
To all our family and friends, please support Moss and Flame by purchasing their organic candles. Proceeds will go to th...
20/06/2026

To all our family and friends, please support Moss and Flame by purchasing their organic candles. Proceeds will go to the ICC BEC projects and Hapag-Tulungan!

Sa bawat kandila ay may tulong sila sa ICC BEC.

Bakit organic candles at bakit mas mahal ng kaunti vs ordinary?

Kasi hindi lang presyo ang tinitingnan natin, kundi kalidad at layunin đź’ś

Mas mahal ng kaunti kasi:
Mas malinis, mas ligtas - Walang paraffin, walang toxic fumes, walang lead wick. Soy wax, coconut wax, o beeswax + cotton/wood wick lang. Safe kahit sa may asthma, bata, at seniors. Pwede magdamag sa altar o kwarto.

Mas matagal, mas tipid - Mabagal matunaw ang organic wax. Mas mahabang burn time = mas kaunting palit. Sa katagalan, mas nakakatipid ka pa.

Walang amoy na nakakasakal - Natural scent lang from essential oils. Mas tahimik, mas prayerful ang dasal.

Alaga sa kalikasan = Alaga sa kapwa - Biodegradable, renewable, walang black soot sa dingding. Tumutulong ka rin sa farmers at sa kalikasan. Laudato Si’ in action.

Bagay sa diwa ng BEC - Simple, mapagkumbaba, may malasakit.

Hindi lang kandila ang binibili mo — pagmamalasakit din sa proyekto ng ating ICC BEC.

Kaya kung para sa dasal, sa pamilya, at sa pagtulong sa kapwa... sulit ang kaunting dagdag. 🕯️

Please buy and support my 82 years old Mommy Zeny! God bless the works of her hands! Siya po and my sister May ang gumagawa ng candles. At first, it was just a bonding time for them, until they decided to produce many for a noble cause. Thank you

Unwind. Breathe. Let the calm set in. đź’ś

Our Moss & Flame Lavender Candle is crafted to bring comfort and serenity into your space. With its soft lavender aroma and warm glow, it’s perfect for quiet evenings, prayer moments, or simply slowing down after a long day.

Infused with natural botanicals and designed with intention, each candle is more than a scent—it’s a peaceful experience especially these are made with care for the ICC BEC Sunday on June 27, 2026.

Let the calm bloom in your souls. 🪽

Bishop Mylo: Ang Pusong Nagmamalasakit, Naghahanap, at Nakikinig ang Pag-asa ng Sugatang DaigdigPASIG CITY, June 13, 202...
13/06/2026

Bishop Mylo: Ang Pusong Nagmamalasakit, Naghahanap, at Nakikinig ang Pag-asa ng Sugatang Daigdig

PASIG CITY, June 13, 2026 — Pinangunahan ni Most Rev. Mylo Hubert C. Vergara, D.D., Obispo ng Pasig, ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa ika-20 Pasig BEC Post Pentecost Assembly na ginanap sa Sta. Clara de Montefalco Parish noong Hunyo 13, 2026. Dinaluhan ito ng mga pari, seminarista, mga taong nakatalaga sa buhay-konsagrado, at mga kasapi ng iba't ibang Basic Ecclesial Communities (BECs) mula sa buong Diyosesis ng Pasig.

Kasama ni Bishop Vergara sa pagdiriwang sina Rev. Fr. Darwin Calderon, Parish Priest ng Sta. Clara de Montefalco Parish; Rev. Fr. Lito Jopson, Pasig BEC Priest Coordinator, Rev. Fr. John Glen Avila, Assistant BEC Priest Coordinator ng Diyosesis; Rev. Jomari Agno; mga seminarista; at mga relihiyoso at relihiyosa.

Ang taong ito ay nagmamarka ng ika-20 taon ng Pasig BEC Post Pentecost Assembly na may temang “BEC as Locus of Synodality: Hope for a Wounded World.”

Sa kanyang homiliya, inugnay ni Bishop Vergara ang tema ng pagtitipon sa kasalukuyang kalagayan ng mundo na patuloy na nasusugatan ng digmaan, hidwaan, at pagkakahati-hati.

“Patuloy ang digmaan sa Ukraine at sa Gitnang Silangan. Maraming tao ang nagdurusa at nasasaktan,” ani ng Obispo. “Ngunit hindi lamang sa pandaigdigang antas umiiral ang mga sugat. Maging sa ating mga pamilya, pamayanan, at maging sa puso ng bawat tao ay may mga sugat na dulot ng alitan, politika, at pagkakawatak-watak.”

Nagkataong ipinagdiriwang din ng Simbahan sa araw na iyon ang Memorial ng Kalinis-linisang Puso ni Maria. Dahil dito, hinikayat ni Bishop Vergara ang mga BEC workers na tularan ang puso ng Mahal na Birhen sa kanilang paglilingkod sa mga kawan at pamayanan.

Pusong Nag-aalala

Binigyang-diin ng Obispo ang unang katangian ng puso ni Maria: ang pusong nag-aalala.

Tinukoy niya ang tagpo sa Ebanghelyo kung saan nabalisa sina Maria at Jose nang mawala si Hesus sa Jerusalem. Ayon sa Obispo, ang pag-aalalang ito ay hindi lamang bunga ng pagmamahal kundi tanda rin ng malalim na malasakit.

Hinamon niya ang mga lider ng BEC na suriin ang kanilang konsensya: “Nag-aalala pa ba tayo sa ating kapwa?”

Binalaan niya ang mga mananampalataya laban sa tinatawag na “globalization of indifference” o pagiging manhid sa paghihirap ng iba. Ang tunay na lingkod ng BEC, aniya, ay marunong makinig sa hinaing ng mga miyembro ng kawan at may malasakit sa mga mahihirap, hikahos, at mga taong madalas na napapabayaan sa pamayanan.

Pusong Naghahanap

Ikalawang katangian ng puso ni Maria ang pagiging pusong naghahanap.

Ipinaalala ni Bishop Vergara na bumalik sina Maria at Jose upang hanapin ang nawawalang si Hesus. Ang paghahanap, aniya, ay nangangailangan ng pagkukusa, sakripisyo, at pagtitiyaga.

“Ganyan din ang tungkulin ng ating mga BEC workers,” aniya. “Hindi tayo dapat makuntento sa mga nasa loob na ng Simbahan. Kailangan nating hanapin ang mga napalayo sa pananampalataya, ang mga kulang sa kaalaman sa Diyos, at ang mga nangangailangan ng pag-akay pabalik sa buhay ng Simbahan.”

Hinimok niya ang mga lider na maging masigasig sa pag-anyaya sa mga tao na makilahok sa mga kawan at maliliit na pamayanang Kristiyano upang higit silang mapalapit kay Kristo.

Pusong Nakikinig

Pangatlong katangian ng puso ni Maria ang pagiging pusong nakikinig.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang pakikinig ay mahalagang bahagi ng synodality—ang sama-samang paglalakbay bilang Simbahan.

Tulad ni Maria na nagtanong at nakinig kay Hesus sa Templo, ang mga lingkod ng BEC ay tinatawagan ding makinig sa mga karanasan, kwento, at paghihirap ng mga tao.

“Kapag nakikinig tayo sa mga tao, natututo rin tayo,” ani Bishop Vergara. “Sa kanilang mga kwento at pagsubok, lumalalim ang ating pananampalataya at lumalawak ang ating pananaw sa buhay.”

Dagdag pa niya, ang mga taong marunong makinig ay tumatanggap ng biyaya at lakas mula sa Diyos upang magpatuloy sa kanilang paglilingkod sa kabila ng mga hamon.

Pag-asa para sa Sugatang Daigdig

Sa pagtatapos ng kanyang homiliya, binigyang-diin ni Bishop Vergara na ang pusong nagmamalasakit, naghahanap, at nakikinig ay maaaring maging instrumento ng paghilom sa mga sugat ng mundo.

“Sa tulong ng awa ng Diyos,” wika niya, “ang pusong nag-aalala, pusong naghahanap, at pusong nakikinig ang magiging daan upang muling mamuno ang Diyos sa ating mga pamayanan at magbigay ng pag-asa sa ating sugatang mundo.”

Ang ika-20 Pasig BEC Post Pentecost Assembly ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Diyosesis ng Pasig na palakasin ang mga Basic Ecclesial Communities bilang mga sentro ng pakikinig, pakikibahagi, at misyon sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon./ Fr. Lito Jopson, Pasig Soccom

Mga Larawan nina: Veron Futalan Villanueva at Archie Rebosa Llamado

19/05/2026

Bibliarasal para Mayo 24, 2026, Linggo ng Pentekostes
No Pd. Lito Jopson

Mga Pagbasa:
Gawa 2:1-11 / 1 Corinto 12:3b-7, 12-13 / Juan 20:19-23

“Ang Espiritu Santo ang nagbibigay-buhay at nagbubuklod sa Sambayanan ng Diyos.”

SEE – Pagmasdan ang Buhay

Marami tayong nakikitang pagkakawatak-watak ngayon—sa pamilya, pamayanan, pulitika, at maging sa Simbahan.
May mga taong nawawalan ng pag-asa, takot magsalita ng katotohanan, o nananatiling nakakulong sa sarili.

Parang mga alagad sa Ebanghelyo: nakasara ang pintuan dahil sa takot. Ngunit nang dumating ang Espiritu Santo, nabuksan hindi lamang ang pintuan kundi pati ang kanilang puso. Ang dating takot ay naging tapang; ang dating tahimik ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita.

JUDGE – Liwanagin sa Salita ng Diyos

Sa unang pagbasa, bumaba ang Espiritu Santo na parang malakas na hangin at apoy. Ang mga alagad ay nagsalita sa iba’t ibang wika ngunit nagkaunawaan ang lahat.
Ipinapakita nito na ang Espiritu Santo ay:

* nagbibigay ng buhay,
* nagpapalakas,
* at nagbubuklod sa magkakaibang tao tungo sa iisang misyon.

Sa Ebanghelyo, sinabi ni Hesus:

“Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.”

Ang Espiritu Santo ang hininga ng bagong buhay ng Simbahan. Hindi tayo tinawag upang manatiling takot at walang pakialam. Tinatawag tayong maging:

* mga saksi ng pag-ibig,
* tagapaghatid ng kapayapaan,
* at tagapagbuklod ng komunidad.

ACT – Isabuhay ang Salita

Tatlong Hamon ngayong Pentekostes:

1. Buksan ang puso sa Espiritu Santo
Huwag manatiling nakakulong sa takot, galit, o pagod sa buhay.
2. Maging instrumento ng pagkakaisa
Sa pamilya, BEC, at parokya, piliing makinig, umunawa, at magmahal.
3. Magbigay-saksi kay Kristo
Gamitin ang salita, gawa, at social media upang magdala ng pag-asa at katotohanan.

Magbahagi

Saan ako tinatawag ng Espiritu Santo upang maging tagapagbuklod at tagapagbigay-buhay?

Panalangin

“Halina, Espiritu Santo. Buhayin Mo ang aming pananampalataya. Alisin Mo ang aming takot at pagkakawatak-watak. Gawin Mo kaming isang sambayanang nagkakaisa kay Kristo at handang maglingkod sa kapwa. Amen.”

Address

Perpetual Help Parish, Daang Hari Cor Street Rita, Perpetual Village
Taguig
1630

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DPBEC Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to DPBEC Page:

Shortcuts

Share