St John the Baptist Parish Dambanang Kawayan

St John the Baptist Parish Dambanang Kawayan For Check Donations:

Account Name: RCBP - ST. JOHN THE BAPTIST PARISH
Account No. : 6347-70001484

๐‘ซ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ท๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘พ๐‘จ๐‘ณ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ-๐‘จ๐‘จ๐‘ฒ๐’€๐‘จ๐‘ป ๐‘ฒ๐‘จ๐’€ ๐‘ด๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ปNoong ika-15 ng Agosto 2026, ginunita natin ang Dakil...
16/08/2026

๐‘ซ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ท๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘พ๐‘จ๐‘ณ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ-๐‘จ๐‘จ๐‘ฒ๐’€๐‘จ๐‘ป ๐‘ฒ๐‘จ๐’€ ๐‘ด๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ป

Noong ika-15 ng Agosto 2026, ginunita natin ang Dakilang Kapistahan ng Maluwalhating Pag-aakyat kay Maria sa Langit. Nagsama-sama ang ating mga mananampalataya upang makiisa sa Banal na Misa na pinangunahan ng ating Kura Paroko, ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ฎ๐’๐’†๐’๐’ ๐‘ฉ. ๐‘ฎ๐’‚๐’‚๐’ƒ๐’–๐’„๐’‚๐’š๐’‚๐’.

Sinundan ito ng isang Maringal na Prusisyon na lumibot sa mga pangunahing lansangan ng Katipasan, bilang pagpapakita ng ating pagmamahal, pananampalataya, at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging maayos at makabuluhan ang pagdiriwang na ito. Nawaโ€™y patuloy tayong akayin ni Maria palapit sa kanyang Anak na si Hesukristo.

Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo kami! ๐Ÿ™๐Ÿ’™

๐‘ซ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ท๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘พ๐‘จ๐‘ณ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ-๐‘จ๐‘จ๐‘ฒ๐’€๐‘จ๐‘ป ๐‘ฒ๐‘จ๐’€ ๐‘ด๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ปMalugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa s...
12/08/2026

๐‘ซ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ท๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘พ๐‘จ๐‘ณ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ-๐‘จ๐‘จ๐‘ฒ๐’€๐‘จ๐‘ป ๐‘ฒ๐‘จ๐’€ ๐‘ด๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ป

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Maluwalhating Pag-aakyat kay Maria sa Langit. Narito po ang talatakdaan ng ating mga gawain:

๐Ÿ“… AGOSTO 12โ€“14 | TRIDUO
๐Ÿ•” 5:00 N.H. โ€“ Rosaryo at Nobena
๐Ÿ•• 6:00 N.G. โ€“ Banal na Misa

๐Ÿ“… AGOSTO 15 | SABADO
๐Ÿ•  5:30 N.H. โ€“ Rosaryo
๐Ÿ•• 6:00 N.G. โ€“ Banal na Misa
โ›ช Susundan ng Maringal na Prusisyon na lilibot sa mga pangunahing lansangan ng Tipas.

Inaanyayahan po ang bawat isa na makiisa sa panalangin at pagdiriwang bilang parangal sa Mahal na Birheng Maria.

โ€œNasa kanan mo yaong reyna, palamutiโ€™y gintong lantay sa damit na suot niya.โ€
โ€” Awit 45:10

09/08/2026

๐Ÿ“ฃ ANNOUNCEMENT ๐Ÿ“ฃ

The recruitment for new members is officially CLOSED!

We are grateful to everyone who answered the call to serve. The aspirants of our Ministry is already under going a series of formations, orientations, and preparations as they continue their journey toward becoming faithful servants at the altar.


๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ฐ! ๐Ÿ™Ngayong araw, kasabay ng paggunita sa Kapistahan ni San Jean Marie Vianney, ang patron...
04/08/2026

๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘จ๐’€๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ฐ! ๐Ÿ™

Ngayong araw, kasabay ng paggunita sa Kapistahan ni San Jean Marie Vianney, ang patron ng mga kura paroko at mga pari, ating binabati ang lahat ng ating mga kaparian ng isang Maligayang Araw ng mga Pari!

Maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod, sa walang sawang paggabay sa sambayanan ng Diyos, at sa patuloy ninyong pagsasabuhay ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga Sakramento at pagmamalasakit sa bawat mananampalataya.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng lakas, karunungan, kabanalan, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy ninyo ang inyong banal na misyon sa paglilingkod sa Simbahan.

โ€œIkaw ay pari magpakailanman ayon sa orden ni Melquisedec.โ€ (Hebreo 7:17)

Maligayang Araw ng mga Pari! ๐Ÿ™

๐‘ฏ๐‘จ๐‘ท๐‘ท๐’€ 9๐‘ป๐‘ฏ ๐‘บ๐‘จ๐‘ช๐‘ฌ๐‘น๐‘ซ๐‘ถ๐‘ป๐‘จ๐‘ณ ๐‘จ๐‘ต๐‘ต๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘ฌ๐‘น๐‘บ๐‘จ๐‘น๐’€, ๐‘ท๐‘จ๐‘ซ๐‘บ! ๐Ÿค๐Ÿ™Buong galak nating batiin  ang ating minamahal na Kura Paroko, ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ฎ๐’๐’†๐’๐’ ...
31/07/2026

๐‘ฏ๐‘จ๐‘ท๐‘ท๐’€ 9๐‘ป๐‘ฏ ๐‘บ๐‘จ๐‘ช๐‘ฌ๐‘น๐‘ซ๐‘ถ๐‘ป๐‘จ๐‘ณ ๐‘จ๐‘ต๐‘ต๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘ฌ๐‘น๐‘บ๐‘จ๐‘น๐’€, ๐‘ท๐‘จ๐‘ซ๐‘บ! ๐Ÿค๐Ÿ™

Buong galak nating batiin ang ating minamahal na Kura Paroko, ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ฎ๐’๐’†๐’๐’ ๐‘ฉ. ๐‘ฎ๐’‚๐’‚๐’ƒ๐’–๐’„๐’‚๐’š๐’‚๐’, sa kanyang Ika-9 na Sacerdotal Anniversary.

Sa loob ng siyam na taon ng tapat na paglilingkod bilang pari, naging daluyan kayo ng pag-ibig, awa, at biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pangangaral ng Kanyang Salita, paggabay sa mga mananampalataya, at walang sawang paglilingkod sa Simbahan. Maraming salamat po sa inyong pagiging mabuting pastol na patuloy na umaakay sa aming pamayanan tungo kay Kristo.

Tulad ni San Juan Bautista, na buong kababaang-loob na inihanda ang daan ng Panginoon, nawa'y patuloy kayong maging tapat na tagapaghatid ng Mabuting Balita at inspirasyon sa marami sa pamamagitan ng inyong buhay at bokasyon.

Dalangin namin ang patuloy na paggabay ng Panginoon, mabuting kalusugan, at mas marami pang taon ng mabunga at pinagpalang paglilingkod sa Kanyang ubasan.

Maligayang Ika-9 na Sacerdotal Anniversary, Pads!

Ad multos annos!

30/07/2026
30/07/2026
๐‘ท๐‘จ๐‘ป๐‘ต๐‘ผ๐‘ฉ๐‘จ๐’€ ๐‘บ๐‘จ ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘บ๐‘ผ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต ๐Ÿฉบโค๏ธBilang bahagi ng ating pagmamalasakit sa kalusugan ng bawat isa, magkakaroon po ng Medica...
09/07/2026

๐‘ท๐‘จ๐‘ป๐‘ต๐‘ผ๐‘ฉ๐‘จ๐’€ ๐‘บ๐‘จ ๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘บ๐‘ผ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต ๐Ÿฉบโค๏ธ

Bilang bahagi ng ating pagmamalasakit sa kalusugan ng bawat isa, magkakaroon po ng Medical Mission at Laboratory Services sa ating parokya sa darating na Hulyo 26, 2026 (Linggo), mula 5:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga sa St. John the Baptist Parish Formation House.

Sa halagang โ‚ฑ350.00, maaaring mapakinabangan ang iba't ibang laboratory examinations na makatutulong upang masubaybayan ang ating kalusugan. Mayroon ding mga karagdagang pagsusuri na maaaring kunin ayon sa pangangailangan.

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at samantalahin ang pagkakataong ito upang mapangalagaan ang ating kalusugan, sapagkat ang isang malusog na pangangatawan ay mahalagang biyaya ng Diyos.

๐Ÿ“Œ First Come, First Served

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa ating Parish Office.

โ€œPara sa kampanteng kinabukasan, estado ng kalusugan ay alamin at alagaan.โ€ ๐Ÿ™๐Ÿ’™

๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘บ๐‘ฏ ๐‘ฌ๐‘ช๐‘ช๐‘ณ๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฐ๐‘จ๐‘ณ ๐‘ด๐‘ฌ๐‘ฌ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎNoong ika-4 ng Hulyo 2026, ginanap sa ating parokya ang Parish Ecclesial Meeting na pinangunahan...
09/07/2026

๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘บ๐‘ฏ ๐‘ฌ๐‘ช๐‘ช๐‘ณ๐‘ฌ๐‘บ๐‘ฐ๐‘จ๐‘ณ ๐‘ด๐‘ฌ๐‘ฌ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ

Noong ika-4 ng Hulyo 2026, ginanap sa ating parokya ang Parish Ecclesial Meeting na pinangunahan ng ating Kura Paroko, ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ฎ๐’๐’†๐’๐’ ๐‘ฉ. ๐‘ฎ๐’‚๐’‚๐’ƒ๐’–๐’„๐’‚๐’š๐’‚๐’, bilang paghahanda sa nalalapit na Parish Pastoral Visit.

Sa nasabing pagpupulong ay ibinahagi ang mahahalagang tagubilin, mga alituntunin, at mga kinakailangang paghahanda upang maging maayos, organisado, at matagumpay ang pagbisita sa ating parokya.

Maraming salamat po sa lahat ng mga ministry, organisasyon, at mga lingkod ng simbahan na nakiisa sa pagpupulong. Nawa'y maging gabay natin ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan sa paghahanda para sa nalalapit na Parish Pastoral Visit.

Address

Ordoรฑez Street , Brgy Ligid, Tipas, Taguig City
Taguig
1638

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St John the Baptist Parish Dambanang Kawayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St John the Baptist Parish Dambanang Kawayan:

Shortcuts

Share