25/07/2026
JULY 26 | HAPPY GRANDPARENTS’ DAY!
Haligi man ng tahana’y nirupok na ng panahon,
Patuloy pa ring nagbibigay ng init at proteksiyon.
Ilaw ma’y aandap-andap na dahil sa katandaan,
Patuloy pa ring nagbabahagi ng liwanag at gabay saanman.
Lo at La,
isang pagbati at salamat po sa inyong walang sawang pagmamahal at suporta.
Kayo pong patuloy na gumagabay sa amin sa bawat yugto ng aming buhay.
Panalangin po namin sa mabuting Diyos, kayo ay pagkalooban,
Ng mas mahaba pang buhay at laging mabuting kalusugan. Amen.