12/05/2026
Sa gitna ng pagsubok, mas lalong nagniningning ang bayanihan at malasakit. β€οΈ
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong para sa ating mga kababayang nasunugan. Maliit man o malaki, bawat ambag ay nagiging pag-asa at lakas para muling makabangon ang mga pamilyang naapektuhan. π
Lubos din kaming nagpapasalamat sa Yaman Foundation, Caritas Pasig, at kay Rev. Fr. Hernandez P. Mendoza Jr. sa walang sawang pag-abot ng tulong at pagmamahal sa mga nangangailangan. Ang inyong kabutihan ay tunay na inspirasyon at patunay na hindi nag-iisa ang bawat pamilyang dumaraan sa hirap.
Sa bawat kamay na tumulong, may pusong nagbigay ng pag-asa. Sama-sama tayong babangon. β¨
Muli Maraming Salamat po.