24/05/2026
HOMILY | Linggo ng Pentekostes
Rev. Fr. Robbie Oliveros Jr.,
Resident Guest Priest, Mary Mirror of Justice Parish
Comembo, Taguig City
Sino sa atin ang mahilig mag-group picture?
�Kapag hindi maganda ang kuha natin, gusto agad i-delete, dahil ang pokus natin ay kung paano tayo makikita sa picture.
Group picture pero sarili ang pokus.
Madalas nangyayari rin ito sa totoong buhay. Kapag sarili lang ang iniisip, sariling agenda at sariling kagustuhan lang ang pinapairal, doon nagsisimula ang pagkawatak-watak.
Sa ating pagbasa ngayon, iba’t iba ang lenggwahe at iba’t iba ang mga tao, pero dahil iisa ang Espiritu Santo, nagkaroon sila ng pagkakaisa.
Ipinapaalala sa atin na pwede tayong magkaisa kapag sabay-sabay nating pinakikinggan ang salita ng Diyos at inuuna ang kapakanan ng iba.
Kapag “ako” ang laging pokus, nawawala ang “tayo.”
�Pero kapag natuto tayong magbahagi, magmahal, at magpakumbaba, doon natin matatagpuan ang tunay na saya at pagkakaisa.
Ang Espiritu Santo ang nagtuturo sa atin na huwag puro sarili ang isipin, kundi maging bukas para sa iba at sa misyon ng Diyos.