05/05/2026
Sa gitna ng hirap at pangamba, piliin mong kumapit sa Kanyang kapangyarihan at kabutihan. Tandaan mo na ang ating Ama ay hindi kailanman nagkulang. May plano Siya, may oras Siya, at may paraan Siya. Kaya kahit hindi mo pa nakikita ang kasagutan, patuloy kang maniwala at magtiwala, sapagkat ang Kanyang kakayahan ay higit sa anumang pagdududa.