16/06/2021
Daily Bread Diaryπ₯πππ
June 16, 2021
Proverbs 3:6
Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
πππππππ
Alam niyo ba kids yung tinatawag nating mga road or traffic signs?! π€πββοΈπββοΈ Sige nga, bigay kayong example. βπΈπ«β οΈ..Hehe
Kapag nagmamaneho or nagbiyahe tayo, marami tayong mamamasdan na road signs sa daan. π€π€ Etong mga road signs ang tumutulong sa atin para malaman natin kung mag'stop ba or mag'go, kakaliwa ba or kakanan, or kapag kailangan nating bumagal or kung bibilis, pati minsan yung name ng lugar dito natin malalaman.π€ and sobrang malaking tulong eto lalo na kung hindi ka familiar sa daan na tinatahak mo. Diba?! Pero bago ang lahat, para maging kapakipakinabang eto, KAILANGAN NATING BIGYAN ITO NG ATTENSYON..hahanapin at susundan natin yung mga road signs π§π
Sa ating spiritual journey, meron din yang bibinigay si Lord na mga 'road signs' para maging safe tayoππ₯° Pero kapag hindi natin binibigyan attensyon ang mga ito, marahil makapagdala pa tayo ng kapahamakan hindi lamang sa atin kundi pati sa iba.π₯²π Sa paanong paraan ba ito?! Syempre una sa lahat, sa Bibliya, in every situation may payo si Lord sa atin sa Bibleππ. Sunod, sa ating mga kaibigan or magulang (or kami. Hehe), kapag pinaaalalahanan nila tayo sa maaaring bad effect ng desisyon natinππ at kapag hindi tayo naging alert at nabaliwala natin ito, maaaring mapahamak tayo.π
Sa kabilang banda, dahil mabuti ang Diyos, kapag nasa tamang takbo or tamang daan tayo masdan natin yung mga answered prayersππ, or yung kapayapaan sa puso natinβ₯οΈ at yung pagkakaisa or pagkakasundo sa kapwa natin Kristyanoπ€π€π€. At hanggang sa nakikita mo itong mga bagay ito, PATULOY KA LANG KAPATID! Your on the right track. π₯°π
Hanapin natin yung road na patungong heaven with Jesus.ππ.at habang tinatahak natin ito, masdan at sundin natin yung mga road signs. STAY ALERT, GOD WILL GUIDE YOU THROUGH! ππ
Good morning ulit. God bless everyoneπ
β€π§‘π€π€β₯οΈππ€πππ