13/02/2021
Minsan may mga bagay talaga tayong hindi naiintindihan. May mga nararanasan tayong hindi natin nauunawaan at may mga oras na naguguluhan tayo lalo na sa mga ginagawa ng Diyos sa buhay mo.
Darating ka talaga sa mga oras na babagyuhin ka ng problema, maglalakad sa lugar na tila wala nang pag-asa at dadaan ka sa panahong na susubok ng iyong pananampalataya.
Pero kahit ganun, wag kang sumuko.
Kahit ganun, lumaban ka.
Kahit ganun, manatili ka.
Kahit ganun, magpatuloy ka.
At kahit ganun, manampalataya ka.
Wag mong basta bastang susukuan ang isang bagay na ibinigay sa iyo ng Panginoon. Madapa ka man, patuloy kang lumakad at bumangon. Dahil Marahil nga hindi mo pa nauunawaan sa ngayon, pero Isa lang ang sigurado, may plano sa iyo ang Panginoon.
Your pain has a reason.
Your trials has a purpose
Your wounds will be healed.
And after the storm that you have been encountered, sunshine will come.
Wag mong sukuan ang plano ng Panginoon sa iyo because Jesus once said, “You do not realize now what I am doing, but later you will understand.” -John 13:7
Mauunawaan mo din ang lahat, sa tamang panahon.