29/04/2026
"๐๐ข๐ง๐ฌ๐๐ง, ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฒ๐จ, ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฐ; ๐ฉ๐๐ซ๐จ ๐ค๐๐ฉ๐๐ ๐ข๐ญ๐จโ๐ฒ ๐ข๐ง๐๐๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง, โ๐๐ฆ๐๐ง, ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง. ๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง ๐ค๐จ ๐ข๐ญ๐จ,โ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐ ๐๐ฒ ๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ ๐ข๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐ค๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐-๐๐๐ฅ๐ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง."
__________
๐ด๐๐
๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐ | ๐ฉ๐๐. ๐จ๐๐๐ ๐จ๐
๐๐๐๐๐
ACTS 16
30 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
31 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.
32 At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.
33 At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.
34 At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.
1 CORINTHIANS 7
12 Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan.
13 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa.
14 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal.
1 CORINTHIANS 12
23 At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan;
24 Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;
25 Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa.
63-0901M - Tanda
362 Manampalataya, para sa kaligtasan. Tapos ipahid, kita nโyo. Manampalataya para saโฆHeto ang dahilan kung bakit nais nโyong sampalatayanan. Kita nโyo, asam nโyo ang sarili nโyong kaligtasan. Manampalataya kayo para sa inyong kaligtasan, at saka nโyo ipahid ang Tanda para sa buong pamilya. Kita nโyo? Sasabihin nโyo, โPaano ko magagawa?โ Angkinin mo Ito! Kung gumana Ito sa iyo, hayan nga na ikaw at ang Salitaโy magiging isa. Amen! Amen! Kita nโyo? Kita nโyo, gumagana Ito para sa inyong dalawa. Ikaw at ang Salita ay isa, tapos gamitin mo Ito sa iyong mga anak, gamitin mo Ito sa iyong mga mahal sa buhay.
363 Katulad ng ginawa ni Rahab, ginamit niya ang tanda sa kanyang tatay, ginamit niya ito sa kanyang nanay, ginamit niya ito sa kanyang mga kapatid na lalakiโt mga kapatid na babae, at napapasok silang lahat.
Bawat isa sa atin i display natin ang token na ito
364 Gamitin mo Ito, sabihin, โPanginoon, sasagipin ko ang anak kong lalaki. Sasagipin ko ang anak kong babae. Inaangkin ko siya!โ โSatanas, pakawalan mo siya! Sasagipin ko siya. Ipapakita ko ang aking Tanda, ang Espiritu Santo.โ โOh Espiritu Santo, na nabubuhay sa akin, sagipin Mo ang aking anak na babae roon. Pupuntahan ko siya ngayon, taglay ang pahid Mo sa akin.โ Gagawin Niya ito. Amen.
370 Katulad ng ginawa noon ni Jacob, sinabi niya, sinabi sa kanyang asawa at lahat sila, sabi, โLabhan nโyo ang mga damit nโyo at lahat-lahat. Iwaksi nโyo ang mga diyus-diyosan na โyan.โ Amen. Si Jo-โฆ
371 Alam nโyo ba kung anong sinabi ni Josue bago tumawid? Sabi niya, โLabhan nโyo ang inyong mga damit; huwag kayong sumiping sa inyong mga asawa, at kung ano pa, at maghanda kayo, dahil sa loob ng tatlong araw ay tatawid tayo ng Jordan.โ Amen. Naghahanda na siya, inilalantad mismo ang tanda. Amen. Ganoon nga.
372 Maghanda na. Ipakita Ito. Sampalatayanan Ito. Maglinis. Ibunsod mo ang mga anak mo, ibunsod mo ang pamilya mo, ibunsod mo ang mga mahal mo sa buhay, na makita Ito sa iyo. Siyanga. Eepekto ito. Siyanga, po!
373 Pagkatapos ay gamitin mo ang Tanda sa panalangin, na mayโmayโmay kalakip na pagsasaalang-alang, na may kalakip na pagsampalataya. Gamitin Ito nang may gayong pag-ibig, at kung ano pa, hanggang sa nakakatiyak ka na itoโy ganap, itoโy magaganap. Ganoon mismo. Gamitin Ito nang may kumpiyansa, na nananampalatayang Itoโy makakatulong. Kapag kinausap mo ang batang โyun, kapag kinausap mo ang asawa mong lalaki, kinausap ang asawa mong babae, kinausap ang mahal mo sa buhay na โyun, manampalataya ka mismo na makakatulong Ito. Tumayo ka lang dun, at sabihin, โPanginoon, inaangkin ko na sila. Silaโy akin. Kinukuha ko sila para sa Iyo, Panginoon.โ
374 Gamitin mo Ito, at lumikha ka ng ganoong kapaligiran sa palibot mo, na silaโy dadakoโt dadako Rito. Kita nโyo? Oh, magagawa mo, magagawa mo, kung nasa iyo ang Tanda, makakalikha ka ng isang espiritu sa paligid mo, isang kapangyarihan, na kapag naglalakad ka, mahahalata ng mga tao na isa kang Cristiano. Magkakaroon sila ng pag-aasam na ikaโy mangusap ng bagay na โyun sa kanila. Paniniwalaan nila ang salita mo. Kung anong sabihin mo, manghahawakan sila rito. Kita nโyo? Ganoon ito.
375 Ipakita mo ang Tanda, pagkatapos lumakad ka kasama Nito. Angkinin mo ang iyong sambahayan. Kailangang gawin mo na ngayon. Ito na ang oras ng gabi. Ngayon, matagal-tagal na kayong nakikinig, hayaโt ito na ngayon ang oras ng gabi. Panahon na para magpahid ngayon. Tatama ang galit, isa sa mga araw na ito, anupaโt baka maging huli na ang lahat sa oras na โyan. Kita nโyo? Ipahid nโyo na ang Tanda, nang may kumpiyansa.
64-0308 - Ang Tanda
135 Kaya naman kung mananalangin tayo, kinakailangan nga na taglay natin ang Tanda para maihandog natin ito na kalakip ng mga panalangin natin, gaya ng nabanggit ko, at pagkatapos ngayon ay sumampalataya tayo para sa ating sarili at ilantad ang Tanda na โyun sa buo nating pamilya, gaya noon doon sa Egipto, sa Jerico, o maging dun sa Mga Gawa 16:31. Makikita natin dun na sinabihan ni Pablo ang Romanong senturion, ang sabi, โManampalataya ka, at ang buong sambahayan mo ay maliligtas.โ Ilantad mo Ito sa iyong pamilya. Kung may anak ka na di pa ligtas, ilantad mo lang ang Tanda sa ibabaw niya, sabihin, โPanginoong Diyos, inaangkin ko siya.โ Manatili kayo roon. Kung may nanay ka o mahal sa buhay na naliligaw, ilatag mo โyung Tanda na โyun sa kanila, sabihin, โPanginoong Diyos, inaangkin ko ito.โ
136 Ilabas nโyo, ang lahat ng makamundong basura, palabas ng inyong pamamahay, ihanda nโyo ang sarili nโyo para Rito. Sunugin nโyo ang lahat ng shorts nโyo. Itapon nโyo ang mesang ginagamit nโyo sa pagbabaraha. Alisin nโyo โyang paninigarilyo nโyo. Itapon nโyo na ang di nโyo pagsampalataya at mga papeles de iglesya sa basurahan, kung saan nga sila nababagay. Amen. Hayan ngaโt sa ganyan ay nakahanda ka na. Tapos ano na ang gagawin susunod? Pagkatapos ngaโy ilantad mo na ang Tanda sa panalangin, na may kalakip na tunay na katibayan, tunay na pananampalataya. Ilantad mo Ito, ilantad mo nang may buong kompiyansa. Kung iyong ilalantad ang Tanda, siguraduhin mo na ikaโy nilinis na talaga. โKung tayoโy hindi hinahatulan ng ating puso, sa gayon ay matatamo natin ang ating hinihiling.โ
Minsan, may mga kapatid tayo, mga mahal sa buhay na naliligaw; pero kapag itoโy inangkin natin, โAmen, Panginoon. Inaangkin ko ito,โ ibibigay ito sa atin ng ating Panginoon sa pamamagitan ng token na dala-dala natin.โ
137 Hanggaโt ginagawa nโyo mga kapatid ang mga bagay na โyan na mali, papaano nโyo mahihiling sa Diyos na gumawa ng kung anong bagay sa inyo samantalang alam nโyo sa sarili nโyo na mali kayo? Yan ang dahilan kung bakit pahapay-hapay ang paglakad natin dito at pahapay-hapay ang paglakad doon. Di ko ito sinasabi para makasakit. Sinasabi ko ito para maituwid ang dapat na maituwid, maitama ang dapat maitama. Papaano nga kayo makatitindig mula sa mga pinagtupukan ng Sodoma at Gomora? Manumbalik kayo!
Kung naligaw tayo minsan, ito na po ang time na manumbalik sa ating Panginoon
64-0823E - Mga Tanong At Mga Sagot #2
253 Narito ako para sikaping tulungan kayo, dahil mahal ko kayo. Mga anak ko kayo na aking ipinanganak kay Cristo. Inaangkin ko ang bawat isa sa inyo. Inaangkin ko kayo ngayong gabi; inaangkin ko kayo sa tuwina; palagi ko kayong inaangkin, at โyun ay bilang aking kapatid na babaeโt kapatid na lalaki. Mga anak ko kayo; akoโako ang ama nโyo sa Ebanghelyo, hindi ama na padre na parang sa pari, akoโako ang ama nโyo sa Ebanghelyo katulad ng sinabi ni Pablo roon. Ipinanganak ko kayo kay Cristo, at ngayon, akingโakin kayong pinapag-asawa kay Cristo; ang maiharap ko kayo kay Cristo bilang isang malinis na birhen. Huwag nโyo akong bibiguin! Huwag nโyo akong bibiguin! Manatili kayo na isang malinis na birhen.
254 โPaano ko magagawa โyun, Kapatid na Branham?โ Manatili kayo mismo sa Salita; mabuhay nang malinis at dalisay; huwag magkaroon ng anumang kinalaman sa mga bagay ng mundo. Kung ang pag-ibig nito ay nasa puso nโyo, sabihin nโyo, โOh, Jesus, iwaksi Mo po โyun sa akin. Ayaw kong maging ganoon.โ
Ngayon hindi ko ibig sabihin na maging isang tao naโna basta lang sinasabi ito. Ang ibig koโibig kong sabihin ay maging isang tunay na mananampalataya. Ang manampalataya kay Jesus Cristo at mabuhay para sa Kanya araw-araw. Huwag kayong gumawa ng masama.
65-1128M - Ang Tanging Inilaan Ng Dios Na Dako Ng Pagsamba
291 Kami nawa ay masumpungan sa Kaniya, Panginoon, ang tanging inilaang dako. At Siya ang hain. Dinadala namin Siya, kung ano ang napakinggan namin, si Jesus Cristo, sa bahay ng Dios sa pamamagitan ng bautismo ng Banal na Espiritu, sa Ngalan ni Jesus Cristo. At doon ay tinatanggap ang aming hain at ipinapasok kami sa sambahayan; dahil sa, kahit na nagpapalaboy-laboy sa sanlibutan, itinalaga kami na mga anak na lalakiโt babae ng Dios bago pa naitatag ang sanlibutan. Salamat sa Iyo para doon, Ama. Oh, paano magagawa ng sinuman na tumalikod sa bagay na gaya niyon, kapag nahanap na nila ang Katotohanan, na pinili sila ng Dios mula sa sanlibutan? Milyun-milyon ang napahamak, noong araw na naligtas ako.
292 O nag-aagaw-buhay na Kordero, paano Kita mapasasalamatan? Paano magiging sapat na mapagpitagan ang puso ko sa Iyong harapan? Tulungan Mo po ako, mahal na Dios, na mabuhay nang tapat. Tulungan ang bayan ko na mamuhay nang tapat. Idinadalangin ko sila, Panginoon, bawaโt isa, na Iyo ngang gagawin. Dios, paanoโt paano man, hindi koโฆhindi ko malalaman kung papaanoโฆhindi ko alam kung papaano, sadyang kung paano humiling, Panginoon; at marahil hindi ko man lamang hinihiling iyon sa tamang pamamaraan. Subaliโt patawarin Mo po ang aking kamangmangan, Panginoon, at tingnan Mo na lamang po ang aking puso. Dalangin kong wala ni isa man sa kanila ang mapahamak, wala ni isa man sa kanila, Ama. Inaangkin ko po sila, bawaโt isa, para sa Iyo. Sa Pangalan ni Jesus Cristo. Amen.
MIDWEEK SERVICE | APRIL 29, 2026
BRO. ABEL ADLAWAN
____________________
โ๏ธ๐ผ & ๐จ: Bro. Jared