23/03/2026
Ephesians 4:2-3 (NIV)
"Be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love. Make every effort to keep the unity of the Spirit through the bond of peace."
Sa buhay natin, hindi natin mapipili ang lahat ng taong makakasama natin, lalo na sa pamilya at maging sa spiritual family. May kanya-kanya tayong ugali, kahinaan, at pinagdadaanan.
But the Word of the Lord is saying, be humble, patient, and love one another.
Minsan, mas madali makita ang mali kaysa ang maganda sa isang tao. Mas napapansin natin ang kahinaan kesa sa potential na pwedeng magawa ng isang tao.
But as children of God, we are called not to judge—but to build. Not to tear down—but to strengthen.
Ang tunay na pagmamahal sa pamilya—natural man o spiritual—ay hindi nakabase sa perfection, kundi sa commitment.
- Commitment na manatili.
- Commitment na umunawa.
- Commitment na magpatawad.
Tandaan natin mga kapatid...
Mahalaga tayo sa Diyos.
Hindi tayo perfect, pero pinili tayo ng Diyos, kaya piliin din nating pahalagahan ang bawat isa.
Maging loyal tayo at manatili even when it’s hard.
Meaning, hindi lang tayo present kapag masaya, nandiyan deb tayo kahit may misunderstanding, kahinaan, o pagkukulang.
Hindi tayo tumitingin sa kahinaan, kundi tumutulong para maging kalakasan.
Imbes na i-highlight ang mali, tayo ang magiging inspirasyon at encouragement.
Unity is a choice.
Hindi ito automatic. Pinag-e-effortan ito, through forgiveness, understanding, at love.
So therefore, let us continue to love one another, understand each other, be patient with one another as the Lord love His church.
Shalom 💖👆🙏
- Ptra Lhiza Liwanag Nonog
To God Be All The Glory 👆👆👆