CFLAMP-ISWCM Tagoloan Chapter

Call Directions Contact the place of worship

CFLAMP-ISWCM Tagoloan Chapter The late tagoloan cflamp chapter apologist CFLAMPers who stands and defend the truth about catholic faith...

18/07/2021

God is love.

I miss you all

23/04/2020
24/06/2019

Grace that's out of this world!

18/06/2019

Kailangan ba ang salitang Roman o Romano bilang pantukoy sa tunay na Simbahan o Iglesya?
Masama ba ang salitang Romano?

But when they had tied him up with thongs, Paul said to the centurion who was standing by, “Is it legal for you to flog a Roman citizen who is uncondemned?”
ACTS 22:25

Kasunod ng verse 25 ay ang verse 26

"When the centurion heard that, he went to the tribune and said to him, “What are you about to do? This man is a Roman citizen.”

Ano raw? Si St. Paul mismo ay Roman Citizen.

Ang unang tanong ng tunay na Kristyano sa lahat ng uri ng tanong ukol sa pananampalataya ay, "masama ba ito?" dahil ang masama ang ipagbabawal at ang mabuti ay hindi bawal.

1. Ngayon, masama ba basta Roman?
Hindi masama, hindi mabuti. Gaya lang ito ng salitang Pilipino. Ito ay tumutukoy lamang sa citizenship. Isa isahin natin ang mga mahahalagang tanong ukol sa salitang "Romano".

Ang salitang "Roman Catholic" ay katangiang pantawag sa mga bansang nakaka-intindi ng salitang Ingles. Romano Katoliko ito sa wikang tagalog. Ginagamit ito para sa mga taong ayaw tanggapin ang pag-angkin ng Simbahan bilang nag-iisang tunay na Simbahan ni Kristo.

Sa katunayan, ang Catholic na salita ay gamit ng mga Anglikano bilang pagtukoy sa tatlong branches ng Catholics ang Roman Catholic, ang Anglo-Catholic at Greek Catholic. Nang dahil ang mga Ingles ay may kontrol sa diksyonaryo nila, naging sikat ang terminong hinihiwalay ang Roman Catholic sa ibang Christians. Mga protestante ang pasimuno sa pagsikat ng pantawag na Roman Catholic sa Simbahan. Katulad rin noon, mga Hudyo at Hentil ang nagpasikat na tawagin ang sumasampalataya kay Hesus na "Kristyano" o "Christian" na umuugat sa ngalang "Christ". Imbes na ikahiya ng early Church ang tawaging "Kristyano" sila ay proud dito. Ang mga "Manalista" o INC ay kinakahiya ang kanilang Felix Manalo, naiinsulto sila rito, ayaw nilang matawag na "Manalista" di gaya ng mga Aglipayans, na proud sa kanilang founder. Isa ring "attempt" na pang insulto sa Simbahan ang tawagin silang "Papist" minsan "Romano" ng mga protestante ngunit hindi sila nainsulto dahil alam nila ang Kasaysayan ng Kristyanismo. Sa katunayan, nauso ang terminong "Roman Catholics" noong tinutugis, pinapatay ng mga Ingles ang mga loyal sa tunay na Katolikong pananampalataya sa Inglatera. Dahil sa ang mga protestanteng ito na kumalas sa kontrol ng Simbahan ay naniniwalang sila umano ang tunay na "Catholic Christians", tinatawag nila ang mga Katoliko sa kanilang bansa na Roman Catholics para mahiwalay sa kanila ito "Anglican" o English. Ang mga Roman Catholics umano ay loyal sa "Roma" taksil sa kanilang bayan, dahil pumalag, ayaw umanib sa ala-Duterteng Hari na dineklara ang sariling pinuno ng Simbahan ng Inglatera.

Si King Henry VIII ng England na dating tagapagtanggol ng Catholic Faith ay nagdesisyong hiwalayan ang kanyang asawa. Hindi sang ayon sa Diborsyo ang Simbahan, kaya, imbes na mag isa niyang humiwalay, buong Inglatera at nasasakupan niya ang pwersado niyang pina-convert sa kanyang Anglican Church. Gaya ni Lucifer before him, Judas Iscariot, Martin Luther, tinalikuran niya ang kanyang tungkulin at nagtatag ng sariling hiwalay na Church. Para sa mga humiwalay na ito, sila umano ang tunay Katoliko. Ang babaeng naging dahilan ng paghiwalay ng Anglikano na si Anne Boleyn ay pinapugutan ng ulo ni Henry VIII mismo, noong pagsawaan naman niya ito. Bilang insulto ng mga Protestante sa mga Katoliko, tinatawag nila ang mga tunay na Katolikong "Roman Catholic" ngunit kailangan bang mainsulto ng tunay na Katoliko kapag sila ay nabansagang Roman Catholics? Hindi.

2. Kailangan bang ikahiya ang salitang "Roman"?
Ang sagot ay hindi.

Sapagkat ang "Church in Rome" ang pinakadakila, the Greatest Church of all time. Nagsimula kina Paul and Peter, sa kakaunting pangkat ng mga Kristyano, dahan dahan silang dumami ang bilang. Napakarami sa kanila ang pinapatay, pinapahirapan o natotorture, tinutugis ng mga pagano. Halimbawa na lang si St. Clement I, ang ika-Apat na Santo Papa ng Roma, siya ay hinulog sa bangka sa dagat ng Black Sea na may gapos na angkla. Napakarami po ng mga Romanong Kristyanong Martir. Noong panahon ni King James, noong late 1500s, ang isa sa mga sumunod kay Henry VIII, ang mga Kristyanong Katoliko ay pinapahirapan, tinutugis, natotorture rin, pero, kahit papaano, silang mga Katoliko ay may mahihingian ng tulong, matatakbuhan, ito ay ang Espanya at iba pang Katolikong bansa. Noong panahon naman ng mga Romanong Kristyano noong unang siglo, sila sila lang ang nagtutulungan. Wala silang mahihingian ng tulong na Kristyanong kabihasnan dahil sila pa lang yun, nagsisimula pa lang umusbong ang Sangkakristyanuhan. Tinutugis sila, inuubos, ngunit lalong dumarami, sapagkat umaalab ang kanilang pananampalataya kay Hesukristo. Sa bandang huli, matapos ang ilang daang taon, nasakop nila ang Roma sa mapayapang paraan. Naging Kristyano ang buong Imperyo. Si Hesus, na pinako ng mga Romano ay napasuko ang Roma, doon pa tinayo ang Kapitulo ng Kanyang Kaharian, ang Simbahan. Matagumpay po si Hesus. Oo, dapat maging proud tayo sa pantawag na Romano, sa ngalan ng early Church ng Roma. Sinubukan ng mga Protestanteng ihiya ang mga tunay na Kristyano sa pantawag sa kanilang Romano, ngunit pumalpak sila sapagkat dakila ang Church sa Roma, simula pa noong una (See Book of Romans, Holy Bible).

3. Hindi ba't mga Pagano ang mga Romans?

Pagano ang "Sinaunang Roma" at naging Kristyano na nga sila, naging matagumpay na si Hesus. Magkaiba ang sinaunang Roma o Ancient Rome sa Christian Rome. Ang Ancient Rome ay sumasamba sa mga gods and goddesses, gaya nila Juno, Ceres, Diana, Venus, Minerva at marami pang iba. Iba ang kanilang kultura at paniniwala sa Christian Rome. Kapag binintang mong basta Roman pagan na, parang sinabi mo na ring basta Pilipino animista na o naniniwala sa anito, porke ang ninuno ng mga Pilipino ay animista. Napakababaw po na bagay para paniwalaan. Maraming santo ang Simbahan gaya raw ng sinaunang Roma. Hindi po magkagaya, dahil ang sinaunang Roma ay gods & goddesses ang meron sa kanila. Hindi naman gods & goddesses ang mga saints, sila ay lingkod lamang ng Diyos. May mga imahen raw silang mga saints, katulad raw ng mga gods and goddesses, kaya ang solusyon ay huwag dumihan ang isip. Hindi naman sinasamba ang mga imahen ng mga santo o ang mga santo mismo na nasa langit. Diyos lamang ang sinasamba sa Katolikong Simbahan. Ang mga sinaunang Romano ay sumasamba sa kanilang gods & goddesses, hindi magkatulad sa Katolikong pananampalataya. Tama lang na magdiwang tayo at hindi na muli sila sasamba sa mga gods & goddesses na ito. Naging matagumpay si Hesus sa Roma.

4. Mga Romano ang nagpako kay Kristo sa Krus. Mga Romano ang nagsira ng Templo sa Jerusalem. Roman Catholics ba ito?
Hindi. Ang nagpako sa Krus kay Kristo ay ang "pagan Rome" hindi pa sila Kristyano noong unang siglo. Matagal na gawain na ng sinaunang Roma ang brutalidad. Ang Gresya at Roma ay may tradisyong iniiwan ang tinatawag nilang "depektibong bata o sanggol" sa bundok para mamatay sa gutom at kainin ng wild animals. Ang Simbahang Katolika ang nag alis ng maling gawaing ito sa kultura nilang hinubog ng paganismo. Noon, may gladiator fights, kung saan brutal na ipagsasabong, pwersahang magpapatayan ang dalawang tao. Inalis ito ng Simbahan. Noon, inaabanduna ang may sakit sa daan, inumpisahan ng Katolikong Simbahan ang hospital o caring for the sick. Sa Simbahang Katolika nagmula ang ideya ng Hospital, sapagkat tinuro ni Hesus ang pag-aruga sa nangangailangan. Ang mga Kristyano noon ay pinapalapa sa mababangis na hayup sa harap ng maraming manonood. Noong maging Kristyano na ang Roma, natigil na ang ganitong gawain. Hindi protestante ang nag-alis ng mga ganitong barbaric na gawain ng mga sinaunang tao, kundi mga Katoliko. Wala pang protestante noong panahon na yan, mga Katoliko lamang. Kadalasang sagot nila dito, mga Christians raw ang pinapatay noon sa entablado hindi mga Catholics. Ulit, mga Catholics lang ang Christians noon. Lalong hindi born again, INC, MCGI, SDA, Protestants ang mga Kristyanong sinasakripisyo sa mga entablado noon, dahil naglitawan lang naman ang mga yan bilang pagsunod sa yapak ni Luther. Naging mas useful lang noong 500 years ago ang pantawag na "Catholic" para ihiwalay ang authentic Church sa mga "Protestante". Both are claiming to be the true Christians kasi. Ganun din ang sitwasyon sa mga Ingles, para sa mga protestanteng ito, sila umano ang true Catholic Christians, kaya kinailangan nilang ispecify, tukuyin ng mas maiigi na Roman Catholic Christians ang mga tinutugis nila. Sapagkat para sa mga Anglikano, sila umano ang one true Catholic Christian.

5. Saan mababasa sa Bibliya ang Roman Catholic Church?
Ang tanong na ito ay mali dahil hindi aral ni Kristo at ng Kanyang Simbahan kailanman ang "Sola Scriptura" o "Bible Only". Ang pangalan ng Simbahan o Church ay, "Church" lamang at matatagpuan ito sa Bibliya. Gaya ng "Moon" ng planetang Earth. Ang tawag natin dito ay "Moon" lang, ito na ang pangalan niya. Sa libo libong taong kasaysayan, ito lang ang Moon na alam natin. Hanggang madiskubre natin na may ibang planeta pala at doon rin, may sariling buwan na umiikot sa planeta. Ang planet Saturn halimbawa ay may mga moons rin, gaya ng Titan o Enceladus. Ano ngayon ang tawag sa Titan? "Saturn's Moon" ano ang tawag sa buwan naman natin? "Moon" lang. Pero para hindi malito ang mga tao, tatawagin natin itong "Planet Earth's Moon". Nagbago na ba ang pangalan nito? Hindi. Noon bang ancient times tinatawag na Planet Earth's Moon ang "Moon"? Hindi pa kailangan. Moon lang yan noon at ngayon, kinukumpara kasi sa iba kaya kinailangan ang mas espesipikong pantawag na "Planet Earth's Moon". Ang mga sinaunang tao, sina Aristotle ay hindi tinatawag na "Planet Earth's Moon" ang "Moon". Hindi nangangahulugang mali nang tawaging "Planet Earth's Moon" ang moon. Ganito lamang ang dahilan kung bakit tinatawag na "Roman Catholic" ang "the Church" later on, dahil may mga iba pang Churches na naglitawan. Excuse me ano, hindi namin ginusto na maglitawan ang mga iba ibang "Churches" na ito, kaya kung may mga taong sisisihin kaya tinatawag na "Roman Catholic Church" ang Church na tinatag ni Hesus, ito ay ang mga protestante rin. Wala ka ring makikitang pelikula noong 1960's na tinatawag na "Landline Phones" ang mga Telephones. Lumitaw lang ang pantawag na yan noong nagkaroon na ng Mobile Phones. Hindi porke huli na noong tawaging Landline Phones ☎ ang telepono ay hindi na ito ang original o naunang Telephone.
Saan sa Bibliya ang Roman Catholic Church? Hindi kailangang nasa Bibliya yan sapagkat ang kasaysayan kaya tinawag na Roman Catholic Church ang Simbahang tatag ni Hesus ay naganap daang daang taon na matapos ang mga istorya na mababasa sa Bibliya. Tinawag ng mga English speaking protestants na "Roman" ang Church, dahil para umano sa kanila, sila ang tunay na Catholics, ang mga English o "Anglicans". Ok lang sa amin na matawag na Roman Catholic dahil hindi naman masama ang matawag na "Roman". Ang pinagbabawal lang ng Diyos ay ang masama na nakakapanakit ng kapwa, nang-aabuso, gumagawa ng kasalanan. Marami ang martir na Kristyanong Romano at ang Church in Rome ang greatest of all Churches. Ang Church sa antioch o sa Corinth ay tinitingala ang Church sa Rome sa kanilang kadakilaan. Ang pinagbabawal lang ng Diyos ay ang masama, hindi masama ang salitang Roman o salitang Catholic. Marami ang nag-uubos ng oras at lakas binabatikos nila itong pantawag sa Church ni Jesus kahit hindi naman ito masama, samantalang sa tunay na masasamang gawain gaya ng Polygamy, Adultery, Abuse of Power, wala silang oras na ginugugol.

------

Para ihiwalay ang mga sumasampalataya kay Hesus sa mga Hudyo at Hentil, tinawag silang Kristyano. Dumami ang mga Kristyano. Hanggang may mga nag-claim na sila ang tunay na Kristyano at ang Simbahan ang hindi umano tunay na Kristyano. Kaya kinailangang mas espesipikong pantukoy kung anong uri ng Kristyano. Tinawag itong Catholic. Ok, ang Catholic Christians ay iba sa ibang sekta na kailan lang lumitaw at nagdeklara ng hiwalay na Church. Ngunit, noong lumawak na ang nasasakupan ng mga Catholic Christians, sa Inglatera noong 1500's, may nagrebeldeng Hari at hiniwalay ang kanyang Anglikanong Simbahan sa Catholic Church. Hindi pumapayag ang mga English-speaking protestants na hindi sila pwedeng tawaging "Catholic Christians" kaya tinawag nilang "Roman Catholics" ang mga tinutugis nilang mga Kristyano na nananatiling tapat sa Pope. Tinawag nilang "Roman Catholics" ang orihinal na Simbahan upang ihiwalay ito sa kanilang "Anglikanong Simbahan" na para sa kanila ay ang tunay na Simbahang Katolika. Dahil sa silang mga English ang may kontrol sa wikang Ingles, dinikta nila sa Diksyunaryo na ang Simbahan kung saan ang kanilang Pope ay nasa Roma ay tatawaging "Roman Catholic Church". Isang bagay na hindi dapat iwasan o ikahiya sapagkat ang kasaysayan ng mga Kristyano sa Roma ay kahanga-hanga. Napakarami ng mga banal na martir ang nagbuwis ng buhay para sa "Kaharian ng Diyos" naging matagumpay ang Kristyanismo, kumalat ang ebanghelyo dahil sa pinakitang katatagan ng mga sinaunang Kristyano sa Roma (Book of Romans). Walang masamang matawag na Holy Roman Catholic Church ang authentic Church dahil ito ang katotohanan. Nasaan sa Bibliya ang Holy Roman Catholic Church? Ang tanong ay mali. Parang sinabi mo na ring "There is no such thing as landline Phones because there are no evidence that people in the 1960's are calling their telephones landline phones." Mali dahil kinailangang tawaging Roman Catholic Christians ang mga true Christians gawa ng mga nagsulputang iba't ibang sekta. Gaya ng Landline Phone na kailangang itawag sa teleponong may linya dahil sumulpot ang teknolohiya ng cell phones.

13/05/2019

The Lebanese model has become Maronite Catholic ahead of her wedding later this month.

08/04/2019
27/03/2019

Why Padre Pio Always Remembered the Holy Souls Suffering

Padre Pio told this story to padre Anastasio. “One evening, while I was alone in choir to pray, I heard the rustle of a suit and I saw a young monk that stirred next to the High altar. It seemed that the young monk was dusting the candelabra and straightening the flower vases.

I thought he was Padre Leone rearranging the altar, and, since it was supper time, I went to him and I told him: “Padre Leone, go to dine, this is not the time to dust and to straighten the altar”.

But a voice, that was not Father Leone’s answered me”: “I am not Padre Leone”, “and who are you?" I asked him.

“I am a brother of yours that made the noviciate here. I was ordered to clean the altar during the year of the noviciate. Unfortunately many times I didn’t reverence Jesus while passing in front of the altar, thus causing the Holy Sacrament that was preserved in the tabernacle to be disrespected. For this serious carelessness, I am still in Purgatory. Now, God, with his endless goodness, sent me here so that you may quicken the time I will enjoy Paradise. Take care of me.”

I believed to be generous to that suffering soul, so I exclaimed: “you will be in Paradise tomorrow morning, when I will celebrate Holy Mass”.

That soul cried: “Cruel!” Then he wept and disappeared. That complaint produced in me a wound to the heart that I have felt and I will feel my whole life. In fact I would have been able to immediately send that soul to Heaven but I condemned him to remain another night in the flames of Purgatory.”

27/03/2019

On Wednesday, April 13, 2016, Kobe Bryant, one of the greatest athletes of all time, ended his 20-year basketball career with a bang, scoring 60 points in his last game. While Bryant’s stats …

Address

Tagoloan
9001

Telephone

+639066126769

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CFLAMP-ISWCM Tagoloan Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to CFLAMP-ISWCM Tagoloan Chapter:

Shortcuts

Share