Makati. Ellen V. Garcia, maybahay. Kung tagurian ay “Aling Nene”. Sa kanyang panaginip, inutusan siya ng Sto. Niño na kunin ang Kanyang Imahen sa Simbahan ng Sto. Niño sa Tondo. Tatagpuin siya roon ng isang batang lalaki. Ituturo nito sa kanya kung saan siya paroroon para kunin o sunduin ang Imahen. Wala siyang kamalay-malay na nawala ang Sto. Niño ng Tondo noong Hulyo 4, 1972. Kaagad namang nat
agpuan ang Imahen at naibalik sa Simbahan ng Tondo. Salamat sa order at Php500,000 na pabuya ng noon ay Pangulong Ferdinand E. Marcos at Unang Ginang Imelda R. Marcos. Kapalit pala sana ng naturang Imahen ng Sto. Niño ng Tondo ang Imaheng para sa kanya. Ayon sa kanyang kwento na aking nabasa,
Setyember 20, 1972, kinabukasan matapos siyang managinip noong nakaraang gabi ay mabilis siyang nagtungo sa Simbahan sa Tondo. Doon ay nilapitan siya ng isang batang lalaki na gulagulanit ang kasuotan. Itinuro nito sa kanya kung paano pumunta sa pagawaan ng mga imahen na pag-aari ni Aling Auring. Hindi na niya muli pang nasilayan ang bata. Nagtungo siya kay Aling Auring . Ipinakita nito sa kanya ang Imahen ng Sto. Niño na inukit sa kahoy. Noong una, bantulot pa si Aling Auring na ipagkaloob sa kanya ang Imahen. Ngunit nang maalala nito na siya rin ay may ganoong panaginip at sa ganoon ding gabi, ay malugod na nitong ipinagkaloob ang Imahen. Sa maniwala raw tayo o hindi, may kakaibang bango raw ang simoy ng hangin sa kanilang pagtatagpong iyon. Umuwi na siya ng Makati na dala-dala ang Imahen ng Sto. Niño. Ang una ay nasundan pa ng isang panaginip. Kasalukuyang mayroong Novena para sa Sto. Niño ang mga kababaihang kapitbahay niya nang siya ay managinip na muli. Gusto ni Sto. Niño na Siya ay i-Pagoda sa Ilog ng Pasig. Ito ay isang bilang parangal sa Kanya. Hindi malaman nina Aling Nene kung paano mangyayari ito. Saan sila kukuha ng pambayad sa pag-arkila ng mga bangka para rito. Muntik-muntikan na nga raw na hindi matuloy ang pagoda. Laking gulat na lamang nila nang magising sila noong huling araw ng Novena na halos mapuno ng Water Lilies ang kahabaan ng J.P. Rizal na parte ng Ilog Pasig. Sa sobrang kapal ng Water Lilies ay maaari na nila itong tapakan at tayuan habang sila ay nakagataw sa Ilog. Ganoon nga ang kanilang ginawa. Nagprusisyon sila na dala-dala ang Imahen. Pinagtawanan sila ng mga ibang nakakita. Pero laking pagtataka rin nga mga ito kung paano ito nangyari. Nang malapit na nilang marating ang kabilang pampang, bigla na lamang sumulpot at sila ay sinalubong ng kawan ng mga ibon na animo ay nagbibigay pugay sa Sto. Naganap ang pagoda nang walang pagkakagastos. At kinabukasan, parang bulang naglaho ang mga Water Lilies sa parteng iyon ng Ilog Pasig. Dito nagsimula na makilala si Aling Nene bilang isang “medium” ng Sto. Nagpaparamdam daw ito sa Kanya kung ano ang gustong mangyari. Tulad halimbawa, kung kaninong tahanan ang nais Niyang dalawin. Inilipat ang Imahen sa mga tahanan sa kanilang kabahayanan. Hindi nagtagal, napabilang na rito ang mga tahanan ng mga may karamdaman. Maraming mga kwento. Nagpapa-totoo. Gumaling nga raw ang mga may karamdaman na pinagdalhan ng Imahen. Isa rito ay ang kabitbahay na si Marikit Calamiong. May pitong taon siyang apong lalaki. Kailangan nito ng operasyon para sa “gall bladder tumor”. Bigla raw itong gumaling matapos niyang itong ipanalangin sa Sto. Niño at silang dalawin ni Aling Nene. Habang sinusulat ko ang Tagalog na "version" ng kwentong ito, sinubukan kong kapayanamin ang isa sa mga kaanak ni Lola Marikit Calamiong. Siya pala ay pumanaw na noong 1995. Ayon sa isa sa kanyang mga apo, totoo nga raw ang kwento. Minsan din daw ay may pabulong na pangalan at tirahan na namutawi sa mga labi ni Aling Nene. Hindi niya ito kakilala. Nais daw itong dalawin ng Sto. Pumaroon sila. May sakit pala sa puso ang taong iyon. Isang lalaking negosyante. Ngayon, siya ay magaling na. Maging mismo sa aming pamilya at sa akin mismong pangsariling mga hangarin, pagsubok at karanasan ay masasaksihan na natin ang hiwaga ng pananampalataya sa Poong Sto. Marami nang naganap. Nagaganap at magaganap. Araw-araw. Pananampalataya at pagpapasalamat sa Iyo, Poong Sto. Maganda rin sigurong banggitin ko sa inyo na bago pa mangyari ang mga naturan ay hinaplos na ng Panginoon ang buhay ni Aling Nene. Sa umpisa ay hindi raw siya madasalin. Natuto lang daw siyang mag-Rosaryo noong kailangan nang operahan ang anak niyang lalaki. May “rheumatic heart” ito. Nawawalan na raw siya ng pag-asa nang masayang umuwi ang kanyang anak mula sa ospital at ibinalita nito sa kanya na mabuti na raw ang pakiramdam nito. Laking pagkamangha niya at ng mga manggagamot. Hindi na nga kailangan ng ano pa mang operasyon. Magaling na ang kanyang anak! Simula noon ay lumahok na siya sa Novena para sa “Lord of Pardon” sa kanilang kabahayanan. Ito lamang ang natatangi niyang “devotion” bago pa maganap ang mga pangyayari tungkol sa Imahen ng Sto. Niño na kinuha niya sa Tondo.
1975
Nagsimulang nang mag-anyaya ang Poong Sto. Nino ng mga tao mula sa iba't ibang uri ng pamumuhay at lugar. Nagtatag ng "Chapters" ang Kanyang mga deboto. Marso 8, 1976
Itinatag ang unang "Chapter" maliban sa Poblacion, Makati. Ito ang San Jose, Guadalupe, Makati. May 1977
Sumunod naman ang Mandaluyong "Chapter". At maraming pang "Chapters" na sumunod. Matutunghayan nyo ang mga ito sa "Photo Albums". Dito na nagsimula ang paglago ng mga kaanib sa Samahan. Umabot pa ito hanggang sa Estados Unidos (Chicago) na siyang nagkaloob noong isang taon ng bagong sasakyan sa Samahan upang maging tuluy-tuloy ang pagdalaw ng Sto. Nino sa mga tahanan na nais Niyang puntahan.