28/06/2026
Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Mahal na Ina ng Laging Saklolo.
Ang aming taos-pusong pasasalamat:
Kay Fr. Armando Timajo,
Maraming salamat po sa inyong pangunguna sa pagdiriwang at sa paglalaan ng oras at panahon para sa lahat ng aming gawain.
Kay Bro. Justin Abenojar,
Buong puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang paggabay. Kasa-kasama po namin kayo mula sa Dalaw Patrona hanggang sa katapusan ng Kapistahan.
Kay Bro. Sherwin Dimapilis,
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtulong at walang sawang suporta sa aming mga gawain.
Sa ating mga Barangay Officials ng Mendez Crossing East at West,
Salamat po sa inyong pag-agapay at tulong, maging sa matagumpay na isinagawang prusisyon.
Sa lahat ng Lingkod Simbahan ng Mendez Crossing,
Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod sa kabila ng pagod β mula sa unang araw ng Dalaw Patrona hanggang sa araw ng Kapistahan.
Sa lahat ng mga tahanan at pamilya,
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa pagbubukas ng inyong mga tahanan upang tanggapin ang ating Mahal na Ina.
At sa lahat ng nakiisa, dumalo, at nakisaya,
Hindi po namin ito maisasakatuparan kung wala ang inyong suporta at kooperasyon. Maraming, maraming salamat po!
Nawaβy mas pagpalain pa tayo ng Panginoong Hesukristo sa tulong at panalangin ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo. π