New Canaan Church

New Canaan Church Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from New Canaan Church, Religious organisation, Hangsun Vision Center, Magallanes Drive, Tagaytay City.

26/10/2022

God is greater than our feelings, and He know everything.

1 JOHN 3:20

Open up the doors of heaven we're here to meet you Oh lord.
26/10/2022

Open up the doors of heaven we're here to meet you Oh lord.

Open up the doors of Heaven | 임재Korean SongWritten by 조영준Covered by Channel Church[Verse 1]Open up the doors of HeavenWe're here to meet with You oh LordIn t...

Amen🙏
26/10/2022

Amen🙏

Ang Tatlong Minutong Pananalita Patungkol sa Mabuting BalitaNarinig mo na ba ang Mabuting Balita?Ang Mabuting Balita ay ...
25/10/2022

Ang Tatlong Minutong Pananalita Patungkol sa Mabuting Balita

Narinig mo na ba ang Mabuting Balita?

Ang Mabuting Balita ay tungkol kay Hesus na ipinako sa krus dahil sa ating mga kasalanan, Siya ay namatay at muling nabuhay mula sa kamatayan. Ang sinumang maniniwala sa Mabuting Balitang ito ay maliligtas.

Subalit, bago natin paniwalaan ang Mabuting Balita kailangan muna nating kilalanin sa ating mga sarili na tayo ay makasalanan.

Ang sabi ng Biblia, ang lahat ng tao ay makasalanan. Bakit ang lahat ng tao ay makasalanan?

Ang unag tao na si Adan ay nakagawa ng kasalanan dahil sa pagkain ng bunga ng puno na ang sabi ng Diyos ay huwag kainin. Ito ay ang puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Sinuway ni Adan ang utos ng Diyos at siya ay nagkasala. At dahil ang lahat ng tao ay nagmula kay Adan, ang lahat ay may minanang kasalanan.

May apat na katibayan na ikaw ay makasanan.

Una, ang pagkatakot ay resulta ng kasalanan, kaya kung ikaw ay may takot, ikaw ay makasalanan.

Ikalawa, ang pagkagalit ay resulta ng kasalanan, kaya kung ikaw ay nagagalit ikaw ay makasalanan.

Ikatlo, ang mga kahirapan ay reaulta ng kasalanan, kaya kung may paghihirap sa iyong buhay, ikaw ay makasalanan.

Ikaapat, ang kamatayan ay resulta ng kasalanan, ang lahat ay siguradong mamatay pagdating ng panahon.

Ang taong makasalanan ay hindi lamang magtatapos sa kamatayan dahil sa pagkatakot, pagkagalit, at mga paghihirap. Siya ay itatapos at parurusahan sa Impiyerno.
Ang sabi ng Biblia, ang Impiyerno ay isang lugar na kapag minsan ka ng mapunta doon, ay hindi kana makakalabas pa.

Ito ang destinasyon ng taong makasalanan, siya ay hahatulan at itatapon sa impiyerno para sa walang hanggang paghihirap.

Paani tayo makakaiwas sa ganitong destinasyon?

Una sa lahat, ang ating mga kasalanan ay dapat mapatawad. Dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, may kailangang mamatay para sa atin upang ang ating mga kasalanan ay mapatawad.

Subalit tayong lahat ay nagmula kay Adan, walang pwedeng mamatay isa man sa atin upang tayo ay maligtas dahil ang lahat ng tao ay makasalanan.

Kaya si Hesus ay naparito dito sa daigdig na hindi nagmula kay ADAN siya ay pinanganak na matuwid, walang bahid na kasalanan, ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ipinanganak sa pamamagitan ni Birheng Maria. Siya ay ipinako sa krus at namatay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

Kaya kung mananampalataya ka sa MABUTING BALITA tungkol kay Hesus, ikaw ay patatawarin at ililigtas .

Pagsisihan mo ang iyong mga kasalanan at tanggapin si Hesus sa iyong puso at ikaw ay patatawarin at ililigtas kung maniniwala ka sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus para sayo. AMEN

Address

Hangsun Vision Center, Magallanes Drive
Tagaytay City
4120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Canaan Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share