26/08/2026
โIsang bata na himalang gumaling na dumaan sa isang OPEN HEART SURGERY dahil sa kanyang malubhang sakit na CONGENITAL HEART DISEASE.โ๐๐๐
Magandang araw po Fr William at sa lahat ng nakikiisa ngaun sa healing mass na ito.
Ako po ay si Ann De Leon isang ina na nais magbigay ng patotoo sa kabutihan at kapangyarihan ng Diyos sa buhay ng aking anak. Halos walong taon kaming naghintay at taimtim na nagdasal na magkaroon ng anak. Hindi po kami nawalan ng pag-asa at patuloy naming ipinagkatiwala sa Diyos ang lahat. Makalipas ang 8 taong paghihintay ay ipinagkaloob po Niya sa amin ang aming anak. Ipinanganak ko po siya noong October 18, 2020 at pinangalanan namin siyang Johann De leon. Sa hindi po naming inaasahang pangyayari napansin ko na halos 16 oras siya ay tulog at hindi nagigising hanggang may nakita ko na ang kanyang mga paa ay nagkulay ube kaya
dinala nami siya sa doctor at agad naman siyang isinailalim sa 2D echo.
Doon po namin nalaman na ang aking anak ay may Tricuspid Atresia, Pulmonary Atresia, at PDA. Ang mga ito po ay congenital heart disease o sakit sa puso na mula pa sa pagkapanganak. Sa sakit na ito ay kulang ang oxygen na pumapasok sa katawan ng aking anak, kaya delikado ang kanyang
kalagayan. Sinabi ng Doctor na sa ganitong sakit 7 araw lamang tatagal ang buhay ng bata.
Noong Disyembre 14, 2020, kinailangan pong isagawa ang unang emergency procedureโstenting. Ang stenting po ay isang medical procedure kung saan naglalagay ang doktor ng maliit na tubong bakal na tinatawag na stent sa loob ng ugat upang dumaloy ang dugo sa puso.
Ginagawa po ito upang panatilihing bukas ang daanan ng dugo papunta sa puso at upang makadaloy ang dugo papunta sa baga at upang makakuha ng sapat na oxygen ang katawan. Sa kondisyon po ng aking anak na may saradong daanan ng dugo papuntang baga, ang stenting ang naging pansamantalang solusyon upang siya ay mabuhay habang hinihintay ang mga susunod pang operasyon.
Sa madaling salita, ang stenting ang nagsilbing tulay ng buhay ng aking anakโisang paraan na ginamit ng Diyos sa pamamagitan ng mga doktor upang patuloy siyang mabuhay at lumakas. Noong panahong iyon po lubha pong delikado ang kalagayan ng aking anak. Ayon po sa ospital, pitong (7) sanggol ang sabay-sabay na ipinasok sa operating room para sa parehong procedure. Sa pitong iyon, dalawa (2) lamang ang nakaligtas, at sa awa at habag ng Diyos, isa po roon ang aking anak. Lubos po kaming nagdasal at sa awa ng Diyos ay naging successful ang operasyon. Ngunit sinabi po ng mga doktor na hindi pa roon natatapos ang gamutan.
Noong Mayo 23 2023, dinala po namin siya muli sa Philippine Heart Center. Sinabi po ng mga doktor na bumababa na ang kanyang oxygen at nagsisimula na siyang mangitim, kaya kailangan na niyang sumailalim
sa Glenn shunt procedure, isang open-heart surgery. Muli po naming ipinaubaya sa Diyos ang lahat, at salamat po sa Kanya dahil naging matagumpay ang operasyon. Ayon pa po sa mga doktor, may isa pa siyang
procedure na kakailanganin sa hinaharap upang tuluyang gumaling.
Sa panahong iyon, sobrang payat po ng aking anak, malaki ang kanyang ulo kumpara sa katawan, at halos
tinapay lamang ang gusto niyang kainin. Bilang isang ina, napakahirap po nitong makita, ngunit hindi po kami
nawalan ng pananampalataya.
hanggang isang araw sinabi ng aking kapatid na may nakita siyang malaking tarpaulin sa simbahan ng Ina
ng laging saklolo ito ay Healing Mass ni Fr William Bustamante tuwing araw ng sabado. Agad nia ako sinabihan na pumunta.
Hunyo 2023 unang sabado ng buwan kami ay dumalo sa healing mass. Sa unang araw namin na pagdalo sa healing mass ay meron akong kakaibang naramdaman lalo na ng na pray over ni Fr. WILLIAM ang aking anak. Umiyak po ako dahil ramdam na ramdam ko ang presenya ng Panginoon simula po noon tuwing sabado ay lagi na po kami dumadalo sa Healing mass upang ipa pray over at mahaplos ni Fr William ang aking anak. Sa patuloy naming pagdalo sa healing mass, pag pray over ni Fr. William at pagpahid ng langis araw araw sa dibdib ng aking anak at panalangin sa Mahal na Birhen ng Lourdes unti-unti po naming nakita ang mga pagbabago sa aking anak na hindi namin inaasahan. Naging magana na siyang kumain, lumakas at unti-unting pumantay ang kanyang ulo sa kanyang katawan. Nakita po namin ang malinaw niyang paggaling. Ito ay isang malaking himala para sa amin.
Bumalik kami sa Philippine Heart Center para sa panibagong 2D echo at check-up at bago isagawa ang 2D echo patuloy pa rin ang pagpahahid ko ng langis sa dibdib ng aking anak at Noong Setyembre 9, 2024,
lumabas po ang pinakabagong resulta ng 2D echo ng aking anak. Ayon po sa findings:
Good left ventricular systolic function โ
No coarctation of the aorta โ
Patent Glenn shunt, No turbulence noted.
Ipinaliwanag po ng cardio pediatrician na sa kabila ng kanyang congenital heart disease, napakaganda po ng resulta ng kanyang puso ngayon. Dahil po sa mga positibong resulta na ito kami ay patuloy sa pagdalo sa healing mass ni Fr william Bustamante, laging nagpapahid ng healing oil araw araw at sa patuloy na pananalangin sa Mahal na Birhen ng Lourdes sinabi po ng kanyang doktor posibleng hindi na kailanganin ang ikatlong procedure na Fontan operation- isang balitang labis po naming ipinagpasalamat sa Diyos. Para po sa amin, ito ay hindi lamang magandang medical result, kundi isang malinaw na patotoo ng pagkilos ng Diyos. Ang anak ko po na minsan nanganib ang buhay dahil sa matinding sakit sa puso ay ngayon masigla, magana kumain, at patuloy na lumalakas.
Lubos po kaming naniniwala na ang Diyos ang gumabay sa bawat doktor, sa bawat procedure, at sa bawat hakbang ng paggaling ng aking anak.
Sa mga katulad ko na dumadaan sa mga mabibigat na pagsubok ng buhay hindi tayo nagkakamali ng nilalapitan dahil dito natin matatanggap ang kasagutan sa ating mga dasal. Papuri at pasasalamat sa Diyos sa biyayang ito ng kagalingan na pinagkaloob sa aking anak. Salamat din sa Mahal na Birhen ng Lourdes na siya ang nanalangin sa kagalingan ng aking anak at kay Fr. William na siya ang ginagamit ng Diyos upang dumaloy itong biyaya na kailangan natin sa ating buhay.
Maraming salamat sa inyong pakikinig ng aking healing tesitmony.