24/12/2025
Ano ang kahulugan ng pangalang Jesus Christ?
Ang pangalang Jesus, na ipinahayag kina Jose at Maria sa pamamagitan ng mga anghel (Mateo 1:21; Lucas 1:31), ay nangangahulugang "Si Yahweh ay nagliligtas" o "Si Yahweh ay kaligtasan." Mula sa Hebreo at Aramaic, ang pangalan ay Yeshua. Ang salitang ito ay kombinasyon ng Ya, isang pagpapaikli para sa Yahweh, ang pangalan ng Diyos ng Israel (Exodo 3:14); at ang pandiwang yasha, na nangangahulugang "iligtas," "ililigtas," o "ligtas."
Baka magulat kayo ang "Cristo" ay hindi apelyido ni Jesus. Ang "Cristo" ay nagmula sa salitang Griyego na βChristosβ, na nangangahulugang " pinahiran (anointed one) " o "pinili (chosen one)." Ito ang katumbas sa Griyego ng salitang Hebreo na Mashiach, o "Mesiyas." Ang "Jesus" ay ang pangalan ng Panginoon bilang tao na ibinigay kay Maria ng anghel na si Gabriel (Lukas 1:31). Ang "Cristo" ang Kanyang titulo, na nangangahulugang si Jesus ay isinugo ng Diyos upang maging Hari at Tagapagligtas (tingnan ang Daniel 9:25; Isaias 32:1). Ang "Jesus Christ" ay nangangahulugang "Jesus ang Mesiyas" o "Jesus ang Pinahiran (Anointed One) o Piniling Tagapagligtas."