31/03/2026
Sa mga minamahal na graduates ng Class of 2026 at sa mga magulang na naging katuwang sa bawat hakbang, ngayon ay araw ng pasasalamat sa Diyos na naging gabay sa buong paglalakbay na ito. ✨
Sa mga graduates at completers:
Higit sa medalya at parangal, ang pinakamahalagang naipundar ninyo ay karakter, disiplina, at pananampalataya. Ang talino ay mahalaga, ngunit ang mabuting ugali at takot sa Diyos ang magdadala sa inyo sa mas malayo at mas matatag na kinabukasan. Dalhin ninyo ang mga aral na ito saan man kayo dalhin ng Panginoon.
Sa mga magulang:
Kayo ang tahimik na bayani sa likod ng tagumpay na ito, sa bawat sakripisyo, panalangin, at walang sawang suporta. Ang bunga ng inyong pagtitiis ay nakikita ngayon hindi lamang sa diploma, kundi sa pagkatao ng inyong mga anak.
Sa mga G**o at Education staff: Maraming salamat sa inyong tiyaga, malasakit, at dedikasyon. Kayo ang naging ilaw at gabay sa paghubog hindi lamang ng kaalaman kundi ng ugali at disiplina ng mga bata. Ang inyong sipag at puso sa paglilingkod ay hindi matatawaran.
Sa lahat ng ito, kinikilala natin na ang tunay na dahilan ng tagumpay ay ang kabutihan at pabor ng Diyos. Sa Kanya ang lahat ng papuri. 🙌
Mabuhay ang Class of 2026. Patuloy kayong lumakad na may takot sa Diyos at may pusong mapagpasalamat. 🎉