Ministry for the Youth - Taal

Ministry for the Youth - Taal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ministry for the Youth - Taal, Religious organisation, Taal.

18/08/2026
‎Noong ika-12 ng Hulyo taong 2026, sama-samang naranasan ng bawat kabataan ang katahimikan ng Diyos sa pamamagitan ng Yo...
12/07/2026

‎Noong ika-12 ng Hulyo taong 2026, sama-samang naranasan ng bawat kabataan ang katahimikan ng Diyos sa pamamagitan ng Youth Hour: Taize Prayer. Tulad ng binhing inihasik sa Mabuting Balita, nawa'y ang bawat panalangin, pagninilay, at pakikinig sa kanyang salita ay mahulog sa mabuting lupa ng ating mga puso upang mamunga ng pananampalataya, pag-ibig, at pag-asa.✨

‎Sa katahimikan, nagsasalita ang Diyos. Nawa'y lagi tayong maging pusong handang makinig at tumugon sa Kanyang tawag.✨

‎"Hindi lahat ng sagot ay kailangang marinig agad, minsan ang kailangan lang natin ay tahimik na presensya ng Diyos" ✨‎‎...
10/06/2026

‎"Hindi lahat ng sagot ay kailangang marinig agad, minsan ang kailangan lang natin ay tahimik na presensya ng Diyos" ✨

‎Isang makabuluhang Youth Hour ang isinagawa noong ika-7 ng Hunyo taong 2026 sa pamamagitan ng Taizé Prayer, na dinaluhan at pinangunahan ng mga kabataan. Sa gitna ng mga ilaw ng kandila, mga awitin at malalim na pagninilay, sabay-sabay na inilapit ng bawat isa ang kanilang sarili sa Diyos, ang bigat na kanilang dinadala, mga tanong, at mga dasal na hindi man nasasambit, ay lubos niiyang nauunawaan.

‎Naiwan sa bawat kabataan ang paalala na sa gitna ng ingay ng mundo, may Diyos na tahimik ngunit laging nakikinig, laging kumakalinga, at laging nagmamahal nang walang hanggan. ✨

✨ Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat! ✨‎‎Ipinababatid po sa lahat na muling magkakaroon ng Youth Hour ngayong dar...
06/06/2026

✨ Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat! ✨

‎Ipinababatid po sa lahat na muling magkakaroon ng Youth Hour ngayong darating na Linggo:

🗓️Ika - 7 ng Hunyo, 2026.
⏰ 1:00-3:00 ng hapon
‎📍 DMII Hall

‎Ang gawaing ito ay naglalayong patibayin ang samahan ng mga kabataan sa pamamagitan ng isang makabuluhang pagbabahangginan, pagninilay, at iba pang gawaing makapagpapalalim lalo na ng ating pananampalataya at pakikipagkapwa.

‎Ang inyong presensya ay lubos na mahalaga sa patuloy na pagpapaunlad at pagpapalawak ng ating samahan.

‎Maraming salamat at nawa’y magkita-kita po tayo ngayong darating na Linggo at sama-samang magpuri sa Panginoon!✨

Address

Taal
4208

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry for the Youth - Taal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share