Kapilya ni San Vicente Ferrer - Buli, Taal, Batangas

Kapilya ni San Vicente Ferrer - Buli, Taal, Batangas Official page of the Chapel of St. Vincent Ferrer located in Buli, Taal, Batangas.

23/05/2026

Linggo ng Pentekostes (A)

Kapilya ni San Vicente Ferrer
Buli, Taal, Batangas
May 24, 2026 | 6:00 AM

Presider:
Rev. Fr. Jessie A. Pentinio
_________________________________________
Pagpalain po Tayo ng ating Diyos, ng ating Mahal na Patron San Vicente Ferrer at ng Mahal na Birhen ng Caysasay. πŸ€πŸ™
_________________________________________
DISCLAIMER: No Copyright Infringement Intended. We do not own the music played in this live video; all credits belong to its respective owners.

09/05/2026

Ika-anim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Kapilya ni San Vicente Ferrer
Buli, Taal, Batangas
May 10, 2026 | 6:00 AM

Presider:
Rev. Fr. Jessie A. Pentinio
_________________________________________
Pagpalain po Tayo ng ating Diyos, ng ating Mahal na Patron San Vicente Ferrer at ng Mahal na Birhen ng Caysasay. πŸ€πŸ™
_________________________________________
DISCLAIMER: No Copyright Infringement Intended. We do not own the music played in this live video; all credits belong to its respective owners.

Halina! Tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria!Magsisimula na sa ika-1 ng Mayo sa ganap na ika 5:30 ng hapon sa Kapilya ...
30/04/2026

Halina! Tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria!

Magsisimula na sa ika-1 ng Mayo sa ganap na ika 5:30 ng hapon sa Kapilya ni San Vicente Ferrer ang ating taunang Flores de Mayo.

Ang lahat ay inaasahang dumalo sa nasabing gawain sa pagpaparangal kay Maria sa pamamagitan ng panalangin, pagdarasal ng Santo Rosaryo, at pag-aalay ng mga bulaklak.

29/03/2026

Sama-sama nating gunitain ang pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi sa mga gawain ng simbahan.

ISANG PAANYAYA πŸ™Para sa isang araw ng panalangin, katahimikan, at espiritwal na pagninilay ang naghihintay.Lenten Recoll...
21/03/2026

ISANG PAANYAYA πŸ™
Para sa isang araw ng panalangin, katahimikan, at espiritwal na pagninilay ang naghihintay.

Lenten Recollection
πŸ“… Marso 28, 2026 | 8:00 AM – 4:00 PM
πŸ“ Escuela Pia, Taal, Batangas

Tara na at maranasan ang presensya ng Diyos ngayong Kuwaresma. πŸ’œ
Para sa pagpapatala, sundan ang link na ito - https://forms.gle/5UsAdmvG2Y13w8578 o i-scan ang QR code sa ibaba, o maaari rin makipag-ugnayan kay Sis. Virgie Salameda, SMTCCC Coordinator, o kay Sis. Lovella Villanueva, SMTCCC Secretariat.

Maraming salamat po!

07/02/2026

PABATID

Magandang araw po sa lahat!

Sa lahat po ng mananampalataya at deboto ni San Vicente Ferrer, mga maninimba at mga naglilingkod sa ating kapilya, sa darating po na ika-15 ng Pebrero 2026, araw ng Linggo, pagkatapos ng pagdiriwang ng Banal na Misa ganap na ika-6 ng umaga, ay isasagawa po ang eleksyon ng bagong pamunuan ng ating Barangay Buli (Labas) Pastoral Council.

Maghahalal po tayo ng bagong Coordinator, Secretary, Treasurer at Information Officer.

Inaasahan po ang pakikiisa ng lahat sa pagboto at mahalagang gawain na ito.

Maraming salamat po!

05/02/2026

Magandang araw po sa lahat!

Inaanyayahan po ang lahat na magbahagi ng kanilang mga lumang palaspas na nabendisyonan noong (mga) nakaraang taon. Ito po ay kokolektahin at susunugin upang gawing abo na gagamitin sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo sa darating na ika-18 ng Pebrero, 2026.

Maaari po nating dalhin ang mga lumang palaspas sa ating Parokya.

Maraming salamat po!

✨ Maligayang Pagbati! ✨Taos-pusong pagbati kina Sis. Kristine Jo-Marie Endaya-Arroyo, Sis. Samantha A. Segunial, at Bro....
01/02/2026

✨ Maligayang Pagbati! ✨

Taos-pusong pagbati kina Sis. Kristine Jo-Marie Endaya-Arroyo, Sis. Samantha A. Segunial, at Bro. Ganz Rudolph B. Peniz sa inyong kahanga-hangang pagkapanalo sa Bible Quiz Bee (Aklat ng Genesis) na ginanap sa Taal Basilica noong Pebrero 1, 2026.

Ipinamalas ninyo ang inyong dedikasyon sa pag-aaral ng Salita ng Diyos, ang diwa ng pagtutulungan, at ang inyong tiyaga. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa marami upang mas lalong mapalalim ang kanilang pananampalataya at pagmamahal sa Banal na Kasulatan.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng karunungan at biyaya. πŸ™βœ¨

πŸ“– β€œAng iyong salita ay ilawan sa aking mga paa at liwanag sa aking landas.” β€” Awit 119:105

πŸ“· https://www.facebook.com/share/p/1D5hT6FnTL/

Address

Buli
Taal
4208

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya ni San Vicente Ferrer - Buli, Taal, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Kapilya ni San Vicente Ferrer - Buli, Taal, Batangas:

Share