Kapilya ni San Pedro - Cubamba

Kapilya ni San Pedro - Cubamba Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapilya ni San Pedro - Cubamba, Catholic Church, Cubamba, Taal.

01/12/2025

Brgy. Cubamba

09/01/2025

MALIGAYANG PAGDATING!

Malugod na tinatanggap ng Minor Basilica and Parish of St. Martin of Tours ang pagdating ng ating mga bagong kaparian na makakasama nating maglingkod sa sambayanan ng Diyos: Rev. Fr. Bernard A. Aguila (Parish Priest & Rector), Rev. Fr. Jessie A. Pentinio (Parochial Vicar) at Rev. Fr. Jose Carlos C. Coronel (Parochial Vicar).

Patuloy ang paglalakbay ngayong Hubileyo ng Pag-asa sa Parokya ni San Martin!

02/01/2025

Maraming Salamat Po, Padre!

COMMENT YOUR MESSAGES AND PHOTOS with Fr. Raul!

Taos-pusong pasasalamat sa rektor ng Dambanang Dalanginan ng Mahal na Birhen ng Caysasay. Si Fr. Raul ay naglingkod bilang ika-6 na rektor mula Setyembre 1, 2019 hanggang Disyembre 31, 2024.

Si Fr Raul ay isa nang retiradong pari subalit nananatiling guest priest ng Dambanang Dalanginan ng Mahal na Birhen ng Caysasay, hanggang dumating ang kanyang kapalit na si Fr. Mags Casala sa Enero 10.

31/12/2024

PASASALAMAT

Ang Minor Basilica and Parish of St. Martin of Tours, Taal, Batangas ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga paring naglingkod sa loob ng ilang taon: REV. MSGR. CONRADO G. CASTILLO na ngayon ay isa na sa mga retiradong pari ng Arsidiyosesis ng Lipa; REV. FR. DAKILA M. RAMOS na ngayon ay Parochial Vicar ng Immaculate Conception Parish, Bauan, Batangas; at REV. FR. PAUL M. HERMANO na ngayon ay Parochial Vicar ng National Shrine and Parish of St. Padre Pio, San Pedro, Sto. Tomas City at siya ding itinalaga bilang Chairman ng Social Communications Commission ng Arsidiyosesis ng Lipa.

Maraming maraming salamat po sa inyong pagpapastol sa mga mananampalataya ng Taal. Patuloy pa din nating palalawigin ang kubol ng pananampalataya ni Kristo!

Sama-sama nating ipagdiwang ang Kapistahan ng Barangay Cubamba sa pagpupuri at pagpaparangal sa ating patron, San Pedro....
17/05/2024

Sama-sama nating ipagdiwang ang Kapistahan ng Barangay Cubamba sa pagpupuri at pagpaparangal sa ating patron, San Pedro. Ang Banal na Misa ay magsisimula sa ganap na ika-8 ng umaga na susundan ng pagbibinyag.

VIVA SAN PEDRO!💚💛

01/05/2024

Pagbati sa ika-48 anibersaryo ng inyong pagkapari, Msgr. Dado! Tunay kayong pastol sa inyong mga tupa dito sa Parokya ni San Martin! Patuloy at sama-sama nating palawigin ang kubol ni Kristo!

08/02/2024

VIVA MARIA! VIVA FATIMA!

Bukas po, ika-9 ng Pebrero ay dadalaw ang Archdiocesan Pilgrim Image ng Our Lady of Fatima sa ganap na ika-12 ng tanghali. Ang lahat po ay inaanyayahang salabungin ang Mahal na Birhen ng Fatima.

Patuloy ang pagpapalawig ng Kubol ni Kristo sa Parokya ni San Martin!

Address

Cubamba
Taal
4208

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya ni San Pedro - Cubamba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share