06/06/2026
Hunyo 5, 2026 | Pagdarasal ng Opisyo Dibino ng Banal na Sakramento para sa Bihilya ng Corpus Christi
Idinaos ang Pagdarasal ng Opisyo Dibino ng Banal na Sakramento para sa Bihilya ng Corpus Christi ng mga Adorador Tarcisiano, kasama ang Adoración Nocturna Filipina ng Basilika Menor at Parokya ni San Martin de Tours, Taal, Batangas.
Nawa’y lalo nitong pinagyaman ang ating debosyon at pananampalataya sa Panginoong Eukaristiko. Hinihiling din natin na ating tularan ang halimbawa at maalab na pagmamahal ng ating pintakasing si San Tarcisio sa Kabanal-banalang Sakramento sa Altar.
Sambahin ang Panginoon - Magpakailanman!