22/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐
โ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐๐๐ข๐๐ ๐ ๐๐ฎ๐ค! ๐๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐ฃ๐๐จ๐ค๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ข๐๐๐ฃ; ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฎ๐ค ๐ฃ๐๐ฃ๐ฎ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฎโ ๐๐๐๐๐ ๐ช๐ 2:12
Kristiyanong Kabataan, Itakwil ang Panghihimasok ng Dayuhan, Labanan ang Imperyalismo, at Tumindig Kasama ni Kristo para sa Tunay na Kalayaan!
Bilang mga kabataang Kristiyano na tinawag upang maging saksi ni Kristo sa kasaysayan, mariing tinututulan ng Christian Youth Fellowship (CYF) ang patuloy na panghihimasok ng mga dayuhang kapangyarihan sa ating bayan. Ang Estados Unidos ay hindi kailanman naging tunay na kaibigan ng sambayanang Pilipino sa ngalan ng "demokrasya," "kaunlaran," at "seguridad," bagkus ay ipinagpapatuloy nito ang pagsasamantala sa ating likas na yaman, murang lakas-paggawa, at pambansang soberanya. Sa mga ito, nakikitang naiiba ang interes ng ating bansa at sa kanilang bersyon ng pagpapaunlad, ito ay ang mas pagpapalawak pa ng kasunduang militar at ang maluwag na pagpapasok ng mga dayuhang pasilidad sa ating bansa. Na sa gitna ng sakuna, sa gitna ng dinaranas ng ating bansa, nakikitang nasa kanluran ang sentro ng bansang pilipinas.
Dumaan ang mga nakaraang buwan at nasasaksihan natin ang panibagong mukha ng imperyo sa ilalim ng tinatawag na Pax Silicaโisang kaayusang inuuna ang kontrol sa teknolohiya, artificial intelligence, semiconductor industries, at mga kritikal na mineral na kinakailangan ng mga ito. Sa likod ng pangakong โโtrabaho,โ inobasyon,โ at "pag-unlad" ay ang lumalalang pagkamkam sa lupa, tubig, at iba pang likas na yaman na siyang pinagmumulan ng buhay ng ating mga magsasaka, mangingisda, at mga katutubong pamayanan. Ang mga palayan ay ginagawang mga mall at tinatayuan ng mga imprastraktura, ang mga dagat ay pilit na pinapatag at tinatayuan ng mga highway. Ang mga pilipino ay pilit na tinatapak tapakan, mula sa pagtaas ng presyo ng langis, hanggang sa presyo ng bigas. Bigas na mas mabigat pa ang presyo kaysa nilalaman nito sa tyan ng mga Pilipino.
See less